Chapter 6 - Dinner Just For Two

4 0 0
                                    

“Uwi na ko. MH ako!,” sabi ni Grace.

          “Yan ang boarding house ko,” sabi ni Raven.

          Sabi ni Cedrick, “Nag-dinner ka na ba? Dinner tayo?”

Pumunta sila sa isang famous American food chain imbis naumuwi naat nagtanong na nga si Cedrick ng order ni Raven. Parang date talaga kaya say ni Raven sa sarili, Ano ba ‘to, parang date na.

          “Kilala mo pala si Joana. Siya ang babaeng hinintay ko na hindi naman nagpapahintay. Magka-holding hands pa kami noon at parang nagde-date kapag kumakain kami. Nakakatawa talaga!”

          “Si Bong, yung kaibigan ko na may hawak ng mga file sa church na nauukol sa mga church officers ang tumulong. Hindi ko siya nakilala.”

          “Kilala ko si Bong! Pasasalamatan ko siya mamya. Alam ko yung number niya.” 

Sa loob-loob ni Raven, Gagawin pa yata akong proxy para i-entertain lang ang alaala ng kanyang nakaraan! Buti na lang cute siya, ride na lang.   

          Nang nasa kainan na ay..

          “Anong gustong mong kainin, Raven?”

          “Yung favorite ko ditong mushroom burger, fries, at iced tea po!”

Tapos nung naglalabas na ng pera si Raven ay nagpilit itong si Cedrick na siya na lang daw ang bahala.

          “Oops! Ako na ang bahala, it’s my treat! Ganon na rin ang order ko” ani Cedrick.

          “Ah, ok!” sagot naman ni Raven.

At sinabi niya sa crew na pareho na lang sila ng order. Iyon at umakyat na silang dalawa, as in pinauuna pa sa pag-akyat si Raven ni Cedrick.

Nang paakyat na sila…

          “After you! Ladies first” ang pagiging gentleman ng lalaki.

          Nang umupo na si Cedrick ay napagmasdan ni Raven na hindi lang siya cute, guwapo ito sa kanyang panlasa dahil ‘tsinito’ ito! Grabe ito! Ano ang nakain nito at inaya niya ako? Ay, naku, kagagaling mo lang sa isang broken heart, ‘wag ka nang magisip-isip ng kung anu-ano! say ni Raven sa sarili. Hindi tuloy siya makasubo ng malaki, paborito pa naman niya ang food na in-order nila.   

         “Alam mo si Joana, maliit din ito at maputi na katulad mo…” Naalaala pa ni Cedrick sa mall  habang pinagmamasdan niya sa pagkain si Raven…

(Flashback)

          “Joana! Maganda yung palabas ngayon. Nood Tayo!”

          “Sige! Bilisan natin! Medyo masama ang pakiramdam ko, e. Ang cute naman nung teddy bear na iyon!”

          “Oo nga!” Ibibili kita niyan.

Sa sinehan, sa kalagitnaan ng palabas na Titanic……….

          “Ang lamig, ano?” ani Joana.

          Humilig kay Joana si Cedrick. “Mainit ka, a. Gusto mo uwi na tayo!”

          “Sige! Naku, wala pa akong uniform na gagamitin para bukas!”

          “Huwag ka na pumasok at maysakit ka!”

The Least You Expect It                                                    Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon