Chapter 2 - Meeting the "Family"

11 0 0
                                    

Talagang nagbibiro yata ang tadhana. Isang araw…

          “Good morning, everyone! Parents, kindly leave your kids now, so they can get use with their new environment. Just come back after 3 hours, ok! Casa assistants, kindly look after the kids. We’re about to lock the room.”

          After 3 hours…………

Papalapit kay Raven ang para ba niyang naaaninag na kakilala. Si Cedtick!

Naku, dito pa nag-aaral sa school ang anak ni Cedrick! Bakit sa classroom ko pa yata papasok? Patay! Bakit kailangan kong ma-conscious, wala naman kaming nakaraan? Kaya mo yan, pumasok ka na! Hinihintay na ng mga bata ang kanilang teacher.

          “Musta ang pamangkin ko? Nag-ingay ba siya?” ani Cedrick.

          “Sino ba kamo ang pa-mang-kin.. A, pamangkin ba kamo?” sabi ni Raven.

          “Si Jerry Tiu. Yung cute na batang iyon kamukha ng tito niya!” “A, siya ba? He’s well-behaved and very independent,” ani Raven.

          Sabi ni Cedrick sa bata, “Say hello to Tita Raven!”

          “Hi, Tita Raven!” sabi ni Jerry.

          “Shhh…wag dito sa school, dapat Teacher Raven.” Bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?” ang naitanong ni Raven.

          “Well, ang shift ko this week ay 6-2 kaya sinamahan ko muna ang pamangkin ko,” sabi ni Cedrick.

          “You mean, puyat ka pa niyan tapos ikaw pa ang naghatid sa pamangkin mo?” ang nagtatakang tanong ni Raven.

          “Nung huli kasi tayong nagkita ay nakita ko sa folder mo ang enrollment form mula sa parehong school ng pamangkin ko kaya sinamahan ko siya ngayong first day niya, hoping….” ani Cedrick.

          “Hoping maipagbibilin mo siya sa akin? No problem! That’s my job, anyway! Magtiwala ka lang na matuturuan siya dito nang mabuti at walang magiging problema. Mahirap kasi ang walang tiwala. Motivation iyon sa mga gurong tulad ko para pag-igihan pa ang pagtuturo. Sige, mauna na ako” anang Raven.

          “Sabay na tayo, o di kaya treat kita ng lunch. Para naman magkapalagayang-loob kayo ni Jerry,” sabi ni Cedrick. “Naku, masama yan! Sumisipsip na agad ang estudyante through his uncle! Offending, bawiin mong sinabi mo, girl!Joke lang!” ang pagbibiro ni Raven sabay peace sign.

           “Nagkataon lang na pamangkin ko si Jerry, ang totoo ay gusto rin uli kitang makasama,” ang seryosong sagot ni Cedrick.

          “Sige na nga, tutal ‘once in a blue moon’ lang tayo kung magkita. Naalala ko, dapat ako na ang magti-treat ngayon sa iyo kasi nung dati ikaw ang nag-treat, di ba?” ang alok ni Raven.

          “Nakakahiya naman, 2 kami ng pamangkin ko,” ang nahihiyang sabi ni Cedrick.

          “Ok lang yun, estudyante ko naman siya,” ang nangingiting sabi ni Raven.

          Kumain sila ng lunch at enjoy na enjoy sila Raven at Cedrick sa cute na batang si Jerry. Para silang isang pamilyang masayang-masaya sa pamamasyal. Haaay! Wish ko someday ay magkaroon din siya ng ganitong kasayang pamilya. Sayang naman ang mga natutuhan ko sa masaya kong pamilya.

          “Mukhang pagod na ang pamangkin mo. So, I’ll see you again tomorrow, Jerry. It’s a pleasure meeting you” ang pamamaalam ni Raven sa bata sabay shake hands dito.

          Sabi ni Cedrick, “Say, same here, Ma’am” kay Jerry.

          “S-Same, here, Ma-Ma’am,” sabi ng bata.

          “Sige, Cedrick. See you when I see you again. It’s always fun being with you,” ang masayang nasabi ni Raven. Iyon lamang at sinamahan na ni Cedrick at Jerry si Raven pabalik sa school.

          “Till what time ka dito?” ang naitanong ni Cedrick.

          “In between 2-3pm siguro.” ang sagot ni Raven.

          Tamang-tama ang oras ng uwi niya. Nasabi ni Cedrick sa sarili.

The Least You Expect It                                                    Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon