Chapter 11 - Testing the Water

5 0 0
                                    

Kumakatok sa pinto si Cedrick.

“Breakfast in bed!”

Sinabi ni Raven, “Wow! Ang sarap nito!”

“Pasyal tayo uli sa ‘apple orchard’ mamya” ang yaya ng lalaki.

“Kaso wala yung anak natin” ani Raven.

“Ilang anak ba ang gusto mo?” tanong ni Cedrick.

The more the merrier! Ha!Ha!Ha!”  

“Kamukha ko o kamukha mo?” tanong uli ng lalaki.

“Syempre kamukha ko, matapang at cute!” sagot ni Raven.

Ummm. Ok lang pala na ako ang maging ama ng mga anak niya. “Sige, gagawa tayo ng maraming anak sa tamang panahon! Ok lang ba yun?”

“Pag-iisipan ko!”

Inagaw ni Cedrick ang platong kinakainan ni Raven. “Ganon!”

“Akina yan, ang lagay natulog ka nang walang bayad dito sa bahay ko! Yan ang bayad mo! Puwede kitang bayaran para maging cook ko. Teka, may gayuma yata ang mga niluluto mo! Ha!Ha!Ha!”

“Hmp, arte nito. Ubusin mo na iyan at mamamasyal pa tayo!”

Linggo na nga pala!

 Nagpunta sa church silang dalawa. Iniwan siya ni Cedrick sa may garden at may kakausapin daw siya sa loob. Ang tagal nito kaya naisipan iwan ito ni Raven at umuwi na.

Napikon yata at hindi na bumalik si Cedrick!

Nagpatuloy sa normal na buhay si Raven. Pumapasok siya sa trabaho na parang walang nangyari hanggang ilang linggo na ang lumipas na walang kahit na ano mang paraan ng komunikasyong nag-ugnay sa kanilang dalawa.

Hanggang sa…                  

 “Hindi ka na naman nagsasara ng pinto!” ani Cedrick.

“Anong ginagawa ng magaling na lalaki rito?”

“Eto, ikaw naman ang magluto ngayon, ok?”

“At bakit naman kita ipagluluto? Yung magiging asawa ko lang ang ipagluluto ko. Sorry!”

“S-Sige, patulong na lang maglinis ng isda. Di ba paborito mo yung sweet and sour fish na luto?”

“Bakit mo ako inuutusan? Bahay mo ba to?”

“Naglalambing lang po. Promise di na kita aabalahin pagkatapos nito!”

“Sige na nga!” ani Raven. Na-miss niya rin kasi si Cedrick. Naku, magpapaalam na yata ito for good. Bakit hindi na siya mang-aabala?

Habang naglilinis ng isda ay…

“Aay! May dumikit sa daliri ko mula sa bibig ng isda!”

“Ano ba yan? Baka para sa iyo talaga ang laman niyan,” ani Cedrick.

“E, takot ako.”

“Sige, hilahin mo. Dito lang ako sa tabi mo.”

“Singsing? Paano ito napunta sa bibig nito?” ang tanong ni Raven.

Sabay luhod ni Cedrick at sabi, “Will you marry me?”       

“Tinawagan ko na ang mga kamag-anak ko at sabi ko ay magpapakasal tayo.”

 “Ang daya nito. Ngayon ka lang kaya nag-aya na magpakasal tayo. Napakabilis naman! Bakit ba masyado kang nagmamadali? Is this some kind of a joke? Pero hindi ko alam kung matutuwa ako? ang nasabi niya kay Cedrick.

“Di ka kumbinsido, gusto mo pa yata daanin sa dahas!”

Sa sofa…………

“Huwag po! Sige na. Magpapakasal na po ako!” sigaw ni Raven.

“Ayaw mo talagang daanin sa dahas!” ang tanong ni Cedrick.

“Siyempre! Dalagang Pilipina ito! Saka sabi ko ay bibigyan kita ng maraming anak pero ikaw na rin ang nagsabi sa tamang pagkakataon di ba?”

 “Sabi ko sayo alam ko kung ano ang gusto ko. At pag pinagplanuhan ko, ginagawa ko. Nagkataon na ikaw ang gusto kong makasama, hindi ko alam pero kahit ang sungit-sungit mo, ikaw ang hindi ko pinagsasawaang makasama di tulad ng iba! Saka gusto ko na ring lumagay sa tahimik, ikaw ba ay hindi? Tingin mo ba ay hindi tayo compatible sa isa’t isa? Tingin ko noon pa ay compatible tayo, e.” ang siryosong sabi ni Cedrick.

“Wala akong masabi, pero hindi pa naman tayo matagal nagkakasama, e. Kaya hindi mo rin masasabi kung masarap nga akong makasama talaga. Hindi ko pinagplanuhan ito pero ewan ko ba pagdating sa iyo, wala akong magawa. Sana hindi ako magkamali sa desisyon kong ito” ang sagot ng babae.

“Magtutulong tayo para hindi tayo magkamali sa desisyong ito. Huwag ka mag-alala, ok?” sabi ni Cedrick.

Dagdag pa niya, “Sa susunod, ikaw naman ang magluto para sa asawa mo, ha?”

“Di pa po kita asawa, no? “Naku, makakatikim ka na sa akin!” ang asar nang sagot ng babae.

 “Ano, kamo ang gusto mong  matikman? Halika, patitikimin kita!” ang sabi ni Cedrick hinalikan siya nito sabay sabing I LOVE YOU!

Pagkatapos siyang titigan ni Raven ay sumagot ito, I LOVE YOU!

Nagulat siya nang umalis si Cedrick.

“Magluluto pa ako. Tapos ay gagawa ako ng ‘banana split’, ok?  Magpahinga ka muna, diyan, ha?”

“A, iyon ba ang patitikim mo sa akin?” tanong ni Raven.

“Ano ba ang gusto mong matikman? ang nagtatakang tanong ng lalaki.

“Wala! Di ba yung sweet and sour fish muna na main dish bago ang dessert?”

“Tama! Sige, yun muna nga pala!”

“Ako na lang ang gagawa ng ‘banana split’, Hon! Kawawa ka naman!” sabi ni Raven.

Niyakap ni Cedrick si Raven. “Alam ko hindi ako nagkamali sa iyo! You’re the best!”    

We deserve the best that is why we have each other! Ako nga, may doktor na at masarap pang maglutong partner! Agree?!”

“Agree!” ang sagot ni Cedrick.       

And they kissed as if there was no tomorrow!  Ang taong makakatuluyan ay hindi hinahanap. Kusa siyang dumarating sa pagkakataon na hindi akalain. Kapag dumating na ang tamang tao ay magtataka ka na lang at mukhang napakabilis na ng lahat ng pangyayari pero everything will just fall into it’s right place ika nga. Huwag hanapin ang pag-ibig, hayaan mong ito ang humanap sa iyo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Least You Expect It                                                    Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon