Chapter 5 - The First Base

7 0 0
                                    

         Galing sa isang appointment si Raven ng gabing iyon. Nang pauwi na siya ay nakasabay niya ang 2 kakilala na may itinurong ‘short cut’ daw pauwi, nun pala ay papunta iyon sa church at mapapalayo pa si Raven. “Sige na nga, punta na rin ako sa church, tutal may kailangang i-process na mga papers para sa additional members ng group naming para sa Sunday School.”

          Umakyat si Raven sa opisina at habang bumababa ay nasulyapan niya ang isang lalaki na nakatalikod na naka-Tshirt at jeans sa may di kalayuan na nakikiumpok sa karamihan. Parang may itsura! Pero parang hindi tagarito sabi ni Raven sa sarili. At iyon nga, nang makababa…

          “Ronald, akina yung sinasabi mo na assignment mo. Pauwi na ako,” ani Raven.

          “Uy, Raven! Ginagabi ka, ha?” sabi ni Mendy.

          “Nagpapatulong kasi si Ronald, e. Saka…

          “Cedrick po, kumusta kayo?” Mukhang professional ito, type ko! ang nasa loob-loob ni Cedrick, at inibot ng lalaki ang kanyang kamay at nag-shake hands sila ni Raven.

          May pagka-presko at papansin, sabi ni Raven sa sarili, pero kapansin-pansin naman. Bakit kaya ako pinapansin nito? Siguro dahil medyo pormal ang suot ko(lemon cream colored long sleeves at brown skirt na medyo body hugging).

          “Raven, Raven Santos. Ikinagagalak kong makilala ka, Cedrick!”

          “Dati akong tagarito. Lumipat kami sa Manila para mag-aral ako. Isa akong doctor at may ipina-process lang na mga papers at isang negosyo sa Bulacan. Gusto mo, i-physical check-up kita, libre!”

          “Ano ini-specialize mo?” habang… ang cute pala niya sa malapitan at ang bango pa! nasabi na naman ni Raven sa sarili.

          “Hindi pa ako nagi-specialize sa ngayon pero ang gusto ko ay O. B. Gynecology!He!He!He!”

          “Ikaw, ha? Ha!Ha!Ha!” ang tawa ni Raven.

          “Mukhang nage-enjoy kayo diyan, ha? Eto na yung assignment ko. Text or call ka na lang kung may itatanong ka. Thanks Talaga!” sabi ni Ronald.

          “Naku, wala akong cellphone ngayon, sira.”

          Sabay sabi ni Cedrick na, “ayaw lang ibigay ang number.” Nasabi na naman ni Raven sa sarili na, Bakit siya nakikihalo sa aming usapan? Parang di professional na basta na lang nakikisali sa usapan.

          “Hindi bale, kapag may tanong ako sa assignment mo ay tatawagan na lang kita. “Uwi na ko, gabi na. Sino sasabay sa way ko?” ang tanong ni Raven.

          “Ako!” si Grace.

          “Uuwi na kasi ako ng Bulacan. Hintayin nyo naman ako. Ate Mendy, salamat sa lahat!” sabi ni Cedrick.

          “Wala iyon! Bago ko makalimutan, si Raven ang nagbigay ng number ni Joana. Ingat ka, totoy” sabay paalam ni Mendy.

          “Siyanga ba?” ang sagot ni Cedrick.

 

Habang naglalakad…

          “Nagturo ako ngayon sa isang kolehiyo. Ang sarap ng feeling nung nakapagshe-share ng kaalaman sa mga estudyante,” ani Cedrick.

          Sabi na naman ni Raven sa sarili, Guys talaga, nagsho-show off sa first meeting, I know the feeling of that so-called ‘fulfillment’ kapag nagtuturo dahil nagtuturo rin nga ako. buti na lang cute siya.

          “Ehe-Eheem! Oo, napaka-fulfilling magturo!”

          “Nagtuturo sa kolehiyo si Raven!” anang kasabay nila.

          “Wow! Saka part din ako ng research team ng isang ini-endorse na food supplement sa mga bata,” anang Cedrick.

          Ay naku, over na ’to, a! sa loob-loob ni Raven.

          “Saka nagma-masters din si Raven. Magaling mag-research yan! Kita mo nakuha niya yung number ni Joana,” sabad uli ni Grace.

           “Ooops! Raven, gumilid ka!”

itinabi siya ni Cedrick sa isang sasakyan. nahawakan nito ang kanyang likod. Kaya nasabi niya sa sarili, “ang caring naman nito.”

          “Alam mo, kaya ako napadalaw dito, ito ay dahil sa gusto kong makita ang dati kong sinta, ‘sintang hilaw’ ika nga! Feeling ko kasi ay kami na! He!He!He! Si Joana nga. Salamat nga pala sa tulong mo!”  

          “Ay, ako rin may hinintay na hindi naman nagpapahintay. Ha!Ha!Ha! Kaya rin kita tinulungan sa number ni Joana. Bi-noost kasi niya yung self-esteem ko nung college, e. Nagkaroon tuloy ako ng pagpapahalaga sa sarili.”

          “Well, pareho pala tayong nag-akala sa mga taong minahal natin na sila na ang true love natin, no?”

          “Oo nga. Kayo na lang kaya? Bagay naman kayo,” sabad ni Grace.

 

          Nagkatinginan ang dalawa.

          “Ok, lang. Ganon talaga pag nagmamahal. Dapat walang hinihintay na kapalit kahit sabihing ilang taon ka pa naghintay.” sabi ni Raven.

          “I agree” sabi ni Cedrick.

          “Sabi mo, e!” ang pagsang-ayon na rin ni Grace.

 

          “Nag-dinner na kayo?” tanong ni Raven.

 

 

 

 

 

 

The Least You Expect It                                                    Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon