Chapter 10 - Never Gonna Give You Up

6 0 0
                                    

Ilang araw din silang hindi nagkita. Pero tanggap na niya kung magkakahiwalay na sila. Masaya naman siya sa buhay niya sa Amerika.

Patulog na siya isang gabi nang may bumusina. Pag labas niya ay nakita niya si Cedrick.

“Puwede ba akong mag-stay muna dito?”

“S-Sige, pasok ka,” ani Raven. May dala itong bag at pumasok na nga siya. Weekend nga pala, siguro may pupuntahan ito kung saan bukas. “Wala kang pasok?” tanong ng babae.

“Bago na naman ang shift ko, 2-10. Pero kasi pag weekends, may option ako na mag-stay na lang sa clinic ko. Marami kasing intern ngayon sa hospital pero on call din pag talagang kailangan. Mag-isa lang kasi ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta dito. May dala akong food nga pala. Anong plano mo bukas?” tanong ni Cedrick.

“Matutulog maghapon! Ha!Ha!Ha!” ang natutuwang sagot ni Raven.

“Sige, matulog tayo maghapon bukas” sabi ng lalaki.

Tumaas ang kilay ni Raven. Paano kayang matulog ang sinasabi nito? Nasa States siya, hindi siya dapat na mailang, di naman kasi narrow-minded ang mga tao dito porke magkasama ang 2 tao kahit pa gabi na. Saka iba ang isipan ng lalaking ito, sanay na siya sa ganitong set-up dito sa bansang ito. Dito ba siya talaga magi-stay?

 “Gusto mo bang kumain? Kasi matutulog na ako, e” tanong ni Raven.

 “Obvious nga na matutulog ka na. Naka-shorts siya at malaking T-shirt. Hindi naman, gusto ko munang manood ng TV. Gusto ko kasing may kasama. Pero kung matutulog ka na, ok lang. Magsha-shower na lang ako, tapos panood na lang ng TV, pwede?” ang palambing na tanong ng lalaki.

“Ang kaso, nasa kuwarto ko ang TV pati na rin ang shower room. Basta, iidlip na lang ako at tawagin mo na lang ako kung kailangan mo ako” ang natatakot na sabi ng dalaga.

Nag-shower si Cedrick at nakinood ng TV sa tabi niya sa kanyang kama. Nanatili tuloy na mulat ang babae kahit pa gustung-gusto na niyang matulog.

“Akala ko ba, gusto mo nang matulog? Lalabas na lang ako para matulog pag tapos na ako sa panonood” anang lalaki.

“Ang init kasi, saka mukhang maganda yang pinanonood mo” ang sagot ni Raven.

“Oo nga, maganda ang legs mo, este yung pinanonood ko,” sabi ni Cedrick.

 “Matutulog na ako, ha? Bahala ka na diyan! I-lock mo ang pinto pag llabas mo” ang bilin ni Raven. Nagtalukbong siya ng kumot habang nararamdaman niya pa rin ang kilos ng lalaki sa kama niya. Hanggang sa naidlip na nga siya nang tuluyan nang pinatay ni Cedrick ang TV at lumabas na ito.

Nagising si Raven nang may kumakatok sa pinto. Nang buksan niya ito ay pumasok si Cedrick at dali-daling ni-lock ang pinto.

“Ano ang ginagawa mo dito?” ang tanong ni Raven.

“Hindi kasi ako makatulog, puwede bang makinig tayo ng CD? Pampaantok?” ang sagot ni Cedrick.

“Patingin nga niyan. Mukhang maganda, puro love songs na pampatulog. Sige, patugtugin na natin” ang sabi ng babae.

Sa unang kanta pa lang ay nagkakatinginan na sila dahil sa madamdaming lyrics nito hanggang sa sila ay napalapit lalo sa isa’t isa ng mga sumunod pang kanta. At bago tuluyang makatulog ay narinig niyang sinabi sa kanya ni Cedrick nang pabulong ang mga katagang “I LOVE YOU!”

Bago sila tuluyang magpadala sa magagandang awitin at musika….

“Labas na ako. Good night! I LOVE YOU!” Sabay yakap kay Cedrick ni Raven.

Hanggang sa…

Nagising si Raven nang may kumakatok sa pinto. Nang buksan niya ito ay pumasok si Cedrick at dali-daling ni-lock ang pinto. Bigla siya nitong hinalikan at tinulak sa kama. Hindi siya makapalag nang nakahiga na sila. Nang halikan siya sa leeg ay napasigaw siya. “Ano ang ginagawa mo! Lumabas ka rito! Please naman!” ang pagmamakaawa niya. Binuksan ni Cedrick ang TV at nilakasan ito. Wala siyang magawa. “Parang awa mo na! Huwag!” ang pakiusap ni Raven. Parang walang naririnig si Cedrick patuloy siyang hinahalikan at mahigpit na yakap nito. “Tama na, maawa ka naman!”  Wala pa rin itong narinig, at nang halikan siya nito nang dahan-dahan sa labi ay parang gusto na rin niyang bumigay. Nang muli siyang hinalikan sa labi ay nagsalita ito at sinabing I LOVE YOU! Napasigaw si Raven at pilit tinutulak ang lalaki ngunit wala siyang magawa hanggang patuloy na siyang manghina at…

Si Cedrick, nakaharap sa kanya at “RAVEN!!”

“HUWAG!!!” ani Raven at niyugyog ni Cedrick ang mga balikat niya. BLAG!

Nahulog si Cedrick sa lapag habang…”Huhuhu, umalis ka dito! Lumabas ka!!”

”Hindi ako lalabas hanggang masigurado kong ok ka!” Lumapit ito at niyugyog siya uli hanggang mahimasmasan siya. Lumabas ito at kumuha ng tubig upang painumin si Raven. Habang nasa labas si Cedrick ay inangat niya ang kumot at chineck nya ang sarili na-realize ni Raven na isa itong NAPAKASAMANG PANAGINIP!

“Shit! Napakasamang panaginip!” ani Raven.

“Sige, babantayan kita hanggang makatulog ka uli” sabi ni Cedrick.

Nag-isip-isip si Raven. Nagdesisyon siya…

“Sige. I trust you naman, e. Don’t let me lose my trust in you, ok?”

“Sure!” sabi ng lalaki. Di na ako papasok sa work, kailangan niya ako.

At bago nakatulog silang dalawa habang magkatabi ay nag-whisper si Raven kay Cedrick ng I LOVE YOU! Napangiti si Cedrick, akala kasi ni Raven ay tulog na ito. Napatunayan niya na isang marespeto at magalang na lalaki si Cedrick. Siya pa nga ang may “maduming pag-iisip.”

The Least You Expect It                                                    Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon