Sa harap ng bukas na pintuan nakatayo ang dalawang magkapatid na sina Kleena Jaim, may edad na labing-dalawa, at ang kuya nitong si Winter Klein, may edad na labing-anim, kasama ang kapatid ng kanilang ama na si Leo habang hinihintay ang balita sa kanilang ama na si Antonico Santos. Ilang minuto na ang lumipas ngunit ni isa ay wala pa ring lumalabas sa kwartong ito. Habol hininga ang dalawa sa pag-aalala at pag-iisip na baka ito na ang huling araw na makikita nila ang ama nang buhay. Kalmado na umupo si Kleena sa upuan habang si Winter ay hindi pa rin umaalis sa pwesto nito. Pinagmamasdan ni Kleena ang kuya niya na hindi mapakali.
"Kuya, cr lang ako saglit. Bantayan mo si daddy ha." Paalam ni Kleena.
Ilang araw bago mangyari ito ay maayos pa ang pangangatawan ni Antonico ngunit pagkabalik nito sa kanilang bahay dalawang araw bago ang hindi inaasahang araw na ito ay bigla itong nawalan ng malay at tila nahihirapan itong huminga. Kahapon ay bumalik ang lakas nito na inakala ng lahat ay ayos na ang lahat at maaari na itong umuwi ngunit ang nangyari ngayon ay hindi inaasahan ng dalawang bata na huling araw na pala ng kanilang ama. Tanging sa dasal na lang sila kumakapit para maligtas ang kanilang ama hanggang sa nawalan sila ng pag-asa sa mga salitang binitawan ng doktor.
"Antonico Santos. Time of death 4:52 PM."
Tila nabuhusan ng malamig na tubig sina Winter at Leo, sa oras na yun ay napa-upo si Winter at napatulala sa narinig habang tuloy-tuloy ang mga luha sa pagtulo. Napakabilis ng pangyayari, sa ilang taong nabubuhay ito ay wala naman na naitalang sakit o karamdaman ang kanilang ama ngunit ayon nga sa doktor ay heart failure ang sanhi ng pagkamatay nito.
Lumuhod si Leo upang mapantayan ang pamangkin na pilit pinipigilan ang pag-iyak, niyakap niya ang batang lalaki at hinayaang umiyak lang ito sa yakap niya.
"I don't know what I can do to make you feel better. Sige umiyak ka lang, huwag mong pigilan." Umalis sa pagkakayakap si Winter at pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo.
"Hindi pwede, uncle. I don't want Jaim to see me crying. I need to stay strong for her, gusto kong pagkunan niya ako ng lakas. Paano pa siya ngingiti kung nakikita niya akong ganito kahina? I need to protect her."
"Sa tingin mo ba ganyan talaga ang iniisip sa iyo ng kapatid mo? Na mahina ka? Ikaw lagi ang pinagkukunan niya ng saya, diba nga kaya siya nakaligtas ay dahil sa iyo?"
Sa kabilang banda naman ay walang kaalam-alam si Kleena sa nangyayari sa silid na iyon at ilang minute ring nakatitig sa salamin ang batang babae, tinitingnan ang repleksyon sa harap niya nang may babaeng tumawag sa kaniya ngunit parang wala siyang naririnig kaya't paulit-ulit siya nitong tinawag hanggang sa marinig siya nito.
"Kleena Jaim Hybrid?" Sa pang-apat na tawag ng babae ay doon pa lang nakuha ng nurse ang atensyon ni Kleena.
"Ikaw ang baby girl ni Mr. Santos, hindi ba?" Panimula ng babae.
"Opo, bakit po? Kumusta po si daddy? Pabalik na rin po ako sa room niya." Pinantayan ng babae si Kleena para ito makausap.
"Ako si Dr. Jine, matagal ko nang kilala ang daddy mo. May ibinilin siya sa akin na ibigay sa iyo kapag wala na siya."
May inabot itong maliit na kahon na halos nawawala na ang kulay at disenyo nito. Nakatingin lamang siya sa kahong ibinigay sa kanya ng doktora, mahalaga raw ito at binilinan siya na walang dapat makaalam na may ganitong ibinigay sa kanya. Nararamdaman niya na kung anong mayroon sa loob nito, mga bagay na kahit anong layo niya ay pilit na babalik sa kanya.
"Pero hindi pa naman po wala si daddy, bakit binigay niyo na po ito sa akin?" Sa malungkot na ekspresyon ng doktora ay nakaramdam na si Kleena ng hindi magandang balita, agad ito ng lumabas at dumiretso sa kwarto ng ama ngunit papalabas na ang bangkay ni Antonico nang abutan ito ni Kleena.

BINABASA MO ANG
WHITE [On-going]
Ciencia FicciónThey call White a 'HERO', but is White truly a Hero?