Chapter Two

14.6K 304 21
                                        


Nagulat si Winter sa malakas na bagsak sa kanilang lamesa, agad itong napalingon habang hawak-hawak ang sandok at nakita ang nakabusangot na mukha ng kanyang kapatid habang tinitingnan ang mga sobre na halos nasakop na ang kalahati ng kanilang mesa. Padabog itong umupo at sinimulan tingnan ang mga sobre.

"Love letters na naman? Kailangan bang every week, may matatanggap kang ganito?" Panay ang buntong-hininga ni Jaim habang iniisa-isa ang mga makukulay na sobre. Pilit nitong kinakalma ang sarili. Hindi naman talaga siya galit sa mga taong nagpapadala ng sulat sa kuya niya, sadyang nagagambala lang siya tuwing kukuhanin niya na ang laman ng kanilang mailbox. Napupuno kasi ito at iba pa ay nagsasabit ng paper bag para doon naman ilagay ang mga hindi nagkasya. Para siyang may kasama na celebrity.

"Grabe naman kabataan ngayon. Bakit hindi ka na lang kasi gumawa ng account para naman hindi sila nagsasayang ng papel. Hindi mo naman binabasa."

Bumalik si Winter sa kanyang pagluluto, napapangiti ito sa walang tigil na pagrereklamo ng kapatid. Sanay na siya sa ganitong senaryo araw-araw, wala rin kasing palya ang pagpapadala ng mga sulat ng mga taga-hanga niya at hindi niya alam kung paano kumalat ang address nila.

"Ano bang nagustuhan nila sa'yo? 'Yung kagwapuhan mo o 'yung pagiging matalino mo? Hindi kaya katawan mo? Napupuno na 'yung box sa mga letters."

"Aren't you praising me too much?" Asar ng kuya niya.

"Hindi iyan ang sagot na hinihingi ko, kuya naman! Gumawa ka na kasi ng social media account! Gmail lang ang meron ka, private pa." Mukhang inis na inis na nga ang dalaga. Namumula na ang mukha nito sa inis.

Sino nga naman kasi ang hindi hahanga kay Winter? Kilala lang naman ito sa palayaw na 'batang detective'. Hindi biro ang natatanggap na pagmamahal at paghanga sa kanya dahil sa angking talento nito na lalo pang naipakita nang malutas nito ang isang malaking kaso na usap-usapan sa kanilang syudad. May bigating kliyente na rin na lumalapit sa kanya dahil dito.

Masaya si Jaim para kay Winter at si Winter naman ay ginagawa ang lahat para sa kanyang kapatid na sentro ng buhay niya.

Tatlong taon na ang nakalipas nang mamatay si Antonico, at sa tatlong taon na iyon ay napakarami pang pangyayari ang naganap na tila bumago sa buhay ng magkapatid.

(11/11/2030)

Monday

7:44 A.M

"Ang aga mo naman magtaray, masama na naman ba ang bangon mo?" Napa-upo si Jaim sa silya at hindi na lang pinansin ang pang-aasar ng kuya niya. Tuwing umaga ay hindi nawawala ang bangayan ng dalawa. Nakabusangot pa rin ito habang tinitingnan isa-isa ang mga sulat na para bang may hinahanap.

"Pero ikaw lang din naman ang nagbabasa niyan. Oh, tikman mo nga kung ayos na ang timpla." Wala nang nagawa ang kuya niya kundi ngumiti sa inaasal ng kapatid.

"Hindi naman ako kumikita sa pangongolekta ng mga sulat mo tsaka yung feelings nila yung habol ko." Pabulong niyang sabi.

Mukhang napansin ni Winter na parang may hinahanap ang kanyang kapatid ngunit bago pa ito makapag-tanong ay may napansing kakaibang envelope si Jaim na hindi katulad ng mga kasama nito na puro makukulay at puro puso, kulay ginto ang envelope na may wax seal pa at may nakalagay na pangalan ni Winter.

"Hmm."

Napatigil si Winter sa pagluluto nang mapansing nanahimik bigla si Jaim. Hawak-hawak nito ang isang kulay gintong envelope, at napansin ang ekspresyon ng kanyang kapatid. Titig na titig ito sa envelope ngunit kung titingnang mabuti ay tila kakaiba ang nakikita ni Winter sa mga mata ni Jaim. Ilang beses niya nang nakikita ang ganung klase ng pagtingin ni Jaim ngunit hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Kitang-kita ni Winter ang mga mata ni Jaim dahil sa pwesto nito. Maaaring namamalikmata lamang siya o kaya nama'y nagbibigay lamang siya ng kahulugan sa lahat ng nakikita niya sa kapatid kaya madalas niyang itanong sa kanyang sarili kung bakit niya ito naiisip. Alam niya sa sarili na isa lamang normal na high school student ang kanyang kapatid at wala nang lubos na nakakakilala dito kundi siya lamang.

WHITE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon