"Then that's final." Pagkasabi ng kanilang adviser ay nagsi-tanguan ang lahat sa loob ng silid.
Abala ang mga estuyante at ilang guro na nasa loob ng isang silid sa pagbabasa ng program flow para sa darating na anibersaryo ng kanilang paaralan. Nandito sila upang pag-usapan ang mga dapat gawin para sa anibersaryong ito.
Napatingin sa labas si Jaim nang mapansing madalim na labas. Hindi nila napansin na lumubog na pala ang araw. Ginabi na sila sa haba ng pagpupulong. Tanging ang ilaw na lang ang nagbibigay liwanag sa buong paaralan. Kaya pala ramdam na ni Jaim ang pagod at antok. Napatingin siya kay Zike na pasimpleng natutulog, hindi ito kapansin-pansin dahil nasa dulo ito at malayo sa kanilang president at adviser kaya hindi ito nasisita.
"Where's Claire, the secretary?" Tanong ng isa pa nilang guro.
"Nag-C.R. lang po, ma'am."
Ilang minuto pa ay nabulabog ang mga ito sa isang malakas na pagsigaw. Nagmumula ito sa labas malapit lamang sa kanilang silid. Ang silid ay nasa unang palapag lamang kaya agad na nagsipuntahan ang mga ito sa malaking bintana upang tingnan kung ano ang nangyayari. Agad nilang nakita ang naka-upo na estudyanteng babae na tila may tinuturo sa gwardiyang kararating lamang.
"Isn't that Claire?" Pagkatanong ng presidente nila ay nagsilabasan ang iilang estudyante at guro sa silid upang puntahan ito sa labas.
"Jaim, Zike, stay here." Utos sa kanila kaya hindi na sila nakasunod pa.
Si Zike ay muling tinanaw ang sekretarya na tinutulungan nang tumayo habang si Jaim ay inaayos ang gamit sa lamesa nang mapansin niya ang isang lalaki sa harap ng bukas na pintuan ng silid na iyon na nakatingin sa kanya. Tinitigan niya ito nang pabalik at napansin ang pagkurba ng labi nito. Ito ang lalaki kanina, ang bagong janitor ng paaralan nila. May hawak itong walis at itim na trashbag. Mukhang kagagaling lang nito sa paglilinis. Lalabas na sana siya nang masagi niya ang lamesa at nakalaglagan ang hawak niya. Pagtingin niyang muli sa labas ay umalis na ang janitor, tanging pagsipol na lang nito ang narinig niya. Napansin naman ito ni Zike at tinulungan damputin ang mga nahulog ni Jaim.
"Ang clumsy mo talaga." Pang-aasar sa kanya ngunit hindi ito umimik na ipinagtaka naman ni Zike.
Pagka-ayos nila ng gamit ay nagsibalikan na ang mga kasamahan nila. Tahimik na bumalik si Jaim sa upuan. Nagtatawanan sila habang papasok sa silid.
"Seryoso. Akala ko ibang tao. Para kasing nakahoodie, si kuyang guard lang pala. Wala kasing dalang flashlight. Natakot ako dun ah." Tila may kaba pang nararamdaman ang sekretarya nila kahit patawa-tawa ito.
Nakuha ni Jaim ang atensyon nila nang tumayo ito.
"Saan ka pupunta? Mag-uuwian na tayo ah?"
"May kukunin lang po ako sa locker ko, ma'am." Paalam nito.
Susundan na sana ito ni Zike nang magsalitang muli ang kanilang adviser. May iilan itong inulit upang muling paalalahanan ang mga miyembro ng student council. Ilang minuto rin ang tinagal ni Jaim sa labas bago ito bumalik. May hawak itong envelope na wala namang laman. Saktong tapos na rin magsalita ang kanilang adviser kaya nagpaalam na ito.
"Zike, sasabay ka ba?" Tanong niya sa kaibigan.
"Oo, hahatid na kita. Gabi na." Tumango lang ito at lumabas na sila kasama ng iba pa nilang kasamahan.
Papalabas na sila nang mapansin nilang lahat ang guro at gwardiya na tila may seryosong pinag-uusapan sa labasan. Nang makarating sila ay nakita nila ang nagkakalat na mga puting papel sa sahig na tila may bahid ng dugo. Agad naman itong nilapitan ni Zike at tiningnan. Hindi ito dugo kundi kulay pulang tinta. May mga hugis ito ngunit hindi mawari kung ano.
BINABASA MO ANG
WHITE [On-going]
Ficção CientíficaThey call White a 'HERO', but is White truly a Hero?