Tila nakisama kila Ira sa katahimikan ang pagtigil ng ingay sa loob ng kusina. Saglit pa ay tinawag na ng isa pang chef si chef Lyka. Tiningnan ni Jaim ang dalawa niyang kaibigan at nagtatakang sumagot ng tingin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maka-move on sa sinabi ni Jaim. It was out of nowhere, ika nga nila. Kung iisipin nga naman kung ano nga talaga ang tunay na rason kung bakit ginagawa ni White ang pagtulong maliban sa hustisya ay maaaring naghihiganti ito, o kaya naman ay para sa pera.
10:11 A.M
"Anong nagrerepent ka diyan? Saan mo naman nakuha 'yun?" Hindi nito sinagot ang tanong ni Ira bagkus ay pinanood lamang siya ni Jaim ngumuya ng pagkain.
"Okay. As what I've been saying, hindi ka na naman namin na-gets. Ang lawak talaga ng imaginations mo. No wonder why you're on top."
Bumalik na sila sa panonood ng movie, si Jaim namn ay mukhang hindi interesado manood kaya nagbuklat na lang ito ng libro.
Lumipas ang kalahating oras ay umayaw na ang dalawa sa panonood. Nakaramdam ang mga ito ng antok, sayang naman ang natitirang oras kung hindi sila makakatulog.
"Jaim, san tayo tatambay? Ayoko sa room ha."
"War na naman kayo ni Zike kaya ayaw mo sa room." Asar ni Jia. Para kasing aso't pusa ang dalawa kung mag-away na akala mo ay wala nang bukas kung magbangayan.
"Rooftop." Maikling sagot ni Jaim.
- -
"Last item to start the mission?" Bulong na tanong nito.
Nagising si Jia sa mahinang bungisngis ni Jaim habang mahimbing na natutulog habang nakatungo sa lamesa si Ira. Naabutan niyang hawak-hawak ni Jaim ang flashdrive nitong pinag-uusapan nila kanina sa canteen at tila nawala ang antok nito.
"Naglalaro ka na naman ba Jaim?" Antok na antok na tanong ni Jia.
"Hala, patingin nga ako niyan!" Tila manghang-mangha si Jia habang pinagmamasadang mabuti ang flashdrive na kinuha niya sa kamay ni Jaim.
"Ano bang ginagawa mo? Malapit ka na matapos sa laro mo? Pwede na kaming tumambay sa bahay niyo?" Pangungulit ni Jia, sa mga kaibigan niya ay si Jia lang ang may interes sa mga pinagkaka-interesan ni Jaim kagaya ng mga kwento tungkol sa mga nilalaro nito na noong nakaraang linggo pa nito sinimulan at alam nila na hanggang hindi natatapos ang tinatawag nitong 'quest' ay hindi sila makakapunta sa bahay nila Jaim.
"Malapit na." Saglit na napatulala si Jia sa tono ng pananalita ni Jaim.
"Hindi ka ba napapagod kapipindot?" Patuloy na pangungulit ni Jia habang si Ira ay mahimbing na natutulog.
"Ikaw ba hindi napapagod sa patuloy mong pagsumpa sa Candy Crush pero hindi ka pa rin tumitigil?" Asar niya. Nanahimik na lang si Jia at kinain ang dala-dala nilang junkfood na agad hinila ni Jaim dahil paubos na pala ito ni Jia at naghilaan sila hanggang sa mapaharap ang laptop nito kay Jia na ikinagulat nito sa mga nakita sa laptop ni Jaim.
"Hala? Ano yan?! Ikaw ah!" Gulat na natatawang tanong ni Jia.
"Hoy, ew ah. Bigla lang 'yang lumabas nung pinindot ko 'to." Natatawa ngunit may pag-ngising depesa ni Jaim.
"Ah, ads? Nakakainis 'yang mga 'yan na bigla-bigla na lang sumusulpot, SPG pa naman. Bihira na lang 'yung ads na totoo, madalas sinungaling. I hate lies." Para itong bata na nagrereklamo sa kanyang ina, may pag-pout pa ito na mas nakadagdag ng pagka-cute niya.
"Everyone lies, so am I. Do you hate me now?" Sabi ni Jaim habang nakatutok pa rin sa laptop nito. Mukhang hindi nga talaga napapagod si Jaim sa kapipindot.
BINABASA MO ANG
WHITE [On-going]
Science FictionThey call White a 'HERO', but is White truly a Hero?
![WHITE [On-going]](https://img.wattpad.com/cover/16374288-64-k694663.jpg)