My Dancing Angel #4

280 14 4
                                    

~

Naeun's POV.

Nakatitig lang siya sakin at parang pinipilit niyang maniwala sa mga sinabi ko. Siguro nga tama na din ito. Ang umamin ako sa kanya since, accidentally ko siyang natawag sa pangalan niya kanina. Dahan-sahan siyang bumitaw sa akin at kumunot ang noo niya at tinitigan ako sa mga mata ko.

"Paanong nangyari na ikaw si Eunhae?" Tanong niya sakin. Napayuko ako at nagisip kung paano ko ba masasabi sa kanya ang lahat-lahat. Sandali akong napatingin sa kanya, hindi pa din nagbabago ang expression ng mukha niya kaya naman iniwas ko ang tingin ko at naghanda na sa sasabihin ko.

"Since you promise to me that you won't tell anyone about this, sasabihin ko na ang lahat-lahat sa akin. I disguise myself as Eunhae since i want a private life. Since, i've joined 'Night Angels' lots of media and news ruined my family that's why, i'm hiding in Eunhae's image. Please L, i trust you that you won't tell anyone about my real identity. Promise me." Sagot ko sa kanya. Nandun pa din ang pagkagulat niya pero mayamaya pa ay ngumiti siya sakin sign na naiintindihan niya ako.

"Okay. I promise, pero salamat Naeun, dahil pinagkatiwalaan mo ako." Sagot niya sakin. Napangiti lang ako saka lang ako nag-nod.

Mayamaya pa ay napagdesisyunan namin ang maglakad-lakad at hinanap din namin ang daan papuntang syudad. Baka sakaling makita pa namin yun kahit na ipinasara na. Walang nagsasalita sa amin. Pero ramdam ko na kanina pa tumitingin sakin si L kaya naman lumingon na din ako sa kanya at nakita ko siyang umiwas.

"May itatanong ka ba?" Tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya natingin.

"Pasensya na. Nainosente lang ako." Sagot niya tapos para pa siyang nahihiya, malamang nahuli ko siyang nakatingin eh.

Natawa ako sa sagot niya. "Talaga? Bakit naman?" Nahihiya siyang lumingon sakin pero ngumiti siya.

"Eh ka-kasi, alam mo naman siguro na idol kita Naeun diba? At alam kong alam mo yun dahil ikaw din si Eunhae na kaklase ko." Sagot niya. Di ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya, kasi naman eh. Ang cute cute niya.

"Ano ka ba naman? Okay lang sakin yun." Sagot ko naman kaya naman gulat siyang napatingin sakin. Nginitian ko lang siya. Di na siya nagtanong o ano pa man. Ngumiti lang din siya sakin at pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming naglalakad basta patuloy lang kami sa paghahanap ng daanan papuntang labas ng siyudad. Napatingin ako saglit sa langit nung nagpahinga kami. Palubog na ang araw pero hindi pa din namin nakikita ang daan. Hays, wag naman sana kaming abutan ng gabi.

"Tara na Naeun? Wag tayong titigil na hanapin ang daanan papuntang syudad. Mahirap na pag-inabot tayo ng gabi rito." Sabi niya sakin, nag-nod lang ako at naglakad na ulit kami.

Hindi kami nag-uusap o kung ano pa man basta patuloy lang kami sa paglalakad. Habang tumatagal ang paglalakad namin ay siya namng unti-unting dumidilim ang paligid namin kaya di ko na masyadong makita ang dinadaanan namin. Nagulat na lang ako ng tumigil sa paglalakad si L kaya nabangga ako sa likod niya.

APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon