My Taekwondo Teacher #5

499 16 0
                                    

~

Woohyun's POV.

Nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Dito kasi naisipan ni Master na pumunta. Habang naglalakad-lakad kami ay napapatingin ako kay Master. Paano ba naman kasi, naka dress siya ng kulay violet then naka hair band at may mini bag pack pa siya na Pucca. Ang cute niya. Naisip ko tuloy bigla na sana magka-age lang kami baka magustuhan ko pa si Master.

"Hoy? Bakit ang tahimik mo diyan? May iniisip ka?" Bigla tuloy ako natigilan sa mga pinag iisip ko at bigla akong umiling ng hindi at ngumiti. Umirap lang siya sakin then saka ulit kami naglakad.

"Ahm. Master? Mayroon ka na bang naging boyfriend?" Sa sobrang pagka-curious ko bigla ko na lang yun naitanong. 

Di niya ako nilingon but instead pumunta siya sa may isang ice cream stand at bumili. Inabutan niya ako. Nagtataka man ay kinuha ko yun.

"Actually, dun sa tanong mo? Sa totoo lang, wala pa. Naka-focus kasi ako sa taekwondo at studies ko. Bakit mo natanong?"

"Ah. Wala lang po. Napansin ko po kasi na maganda kayo Master pero hindi pala lahat ng magaganda ay nagkaka-boyfriend." Saka ako ngumiti sa kanya. Bigla naman siyang namula saka ako binatukan.

"Oy, kung sa mga sinasabi mo ay binobola mo lang ako. Mabuti ng itigil mo na lang okay?"

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano pa bang dapat kong isagot?

Mayamaya pa ay sumakay na kami ng mga rides.

~

Chorong's POV.

Ang dami namin sinakyan rides! Wooh! Grabe! Ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito. Ang huli ko kasing punta dito ay nung 10th birthday ko kasama si mommy, Bigla akong natigilan sa pagtawa. Kakatapos lang namin sumakay sa ferris wheel. Actually nga, pauwi na kami ngayon.

"Master? May problema po ba?" Agad akong napatingin kay Woohyun. At saka pilit na ngumiti at umiling.

"Ah. Wala may naalala lang ako."

"Ano po yun?"

"Tss, wag mo ng alamin. Wala yun. Halika na?" Saka na ako lumakad at di na siya pinansin. Nakakalungkot lang kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang dahilan ni mama kung bakit siya umalis. At kung bakit ganyan ang papa ko. Gusto kong malaman pero natatakot ako.

Nagulat na lang ako nung bigla akong inabutan ni Woohyun ng isang malaking Teddy Bear na kulay pink. Geez, para naman kaming nag di-date nito.

"Bakit may gan'to?" Tanong ko agad. Medyo. Uhm. Nakakailang.

"Eh, souvenir yan Master. Saka para kahit papano eh di ka na malungkot. Di ko man alam ang dahilan kung bakit ka malungkot sana, kahit sa simpleng bagay na yan sumaya ka."

Napangiti ako. Napaka cute niya talaga at makikita mo agad sa kanya na sincere siya sa mga sinasabi niya.

"Ganun? Salamat." He give me a shy smile.

Napagisip isip ko, looks lang naman ang medyo kulang sa kanya pero ang ideal man ng isang babae ay nasa kanya na.

Ilang oras pa ay umuwi na kami. Nagpahinga na ako sa kwarto ko. Wala pa rin si Papa. Uuwi lang naman yun pag gusto niya. Saglit akong napatigin sa teddy bear.

"Woorong na ngayon ang pangalan mo ah." Saka ko niyakap yung teddy bear at di ko na namalayan nakatulog na pala ako.

Kinabukasan.

Monday. Hindi ako papasok ngayon dahil laban ko na mamayang hapon. Kinakabahan ako. Wala naman kasing manonood sakin maliban sa mga classmates ko at kay Camille. Si Woohyun kaya?

APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon