My Taekwondo Teacher #4

537 20 2
                                    

One of my Reader rate this story 9.1/10

So it gives me inspiration to proceed.

Thank you :)

~

Woohyun's POV.

Uwian na. Kaya naman agad kong hinanap si Master Chorong pagkakuha na pagkakuha ko ng bag ko sa classroom.

Nagmamadali na akong maglakad ng bigla kong makasalubong si Jecelle kasama ang mga bago niyang kaibigan. Natigilan ako, at biglang nakaramdam ng lungkot.

Parang hindi na siya yung Jecelle na kilala ko.

"Hi Best? Oh, i mean ex-best friend." Panimula niya.

Masakit man pero, "May kailangan ka ba?"

"Wala naman, gusto ko lang ipakita sa mga friendsters ko yung taong pinandidirihan ko at, gusto ko lang ipakita sayo na, Hindi na kita kailangan kaya wag ka ng aasa ha?"

Bakit kung makapagsalita siya ay parang wala kaming pinagsamahan? Palabas lang ba ang lahat? Ginamit niya lang ba ako?

"Tapos ka na?" Pilit kong di pinapahalata na ng hihina na ako. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi na ako gaya ng dati.

"Wow? Level up ah. Tumatapang ka na. Well, that's not enough para magustuhan kita. Wala ka naman kasing pag asa. Tara na guys." Saka niya ako nilagpasan. Napansin ko na lang tumulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit. Bakit ko ba siya minahal?

Nakayuko lang ako at di na makagalaw sa kinatatayuan ko. Ako na lang ang mag isa ngayon dito sa hallway. 

"Hindi ganyan ang tunay na fighter." Nagulat ako sa taong nasa harapan ko.

"Master?"

"Kulang pa 'yong ginawa mo. Dapat sumagot ka man lang."

"Pasensya na Master. N-nasaktan lang ako sa mga sinabi niya."

"Ano bang nagustuhan mo sa babaeng yun? Ganda?"

Pinunasan ko yung luha ko. "Bukod dun. Maganda din ang ugali niya..

dati.."

Nagsimula siyang maglakad paalis kaya naman sumunod ako.

"Master?"

"Alam mo. Kadalasan talaga yung mga taong minamahal natin, yun pa yung mananakit satin ng sobra. Minsan tuloy iisipin na lang natin na sumuko, lumaban, magbago, o kung ano ano pa. Unfair no? Pero kung dun naman tayo matututo. Acceptance na lang talaga ang kailangan mong gawin."

"Sa'n niyo po ba nalalaman ang mga ganyang bagay?"

"Hindi ko alam. Basta alam ko lang."

Sandaling tumahimik ang kapaligiran namin hanggang sa nakalabas na lang kami ng campus.

"Master? Wala ka bang kasabay umuwi?"

"Meron kaso, hindi ko siya makakasabay ngayon kasi busy siya."

"Ihatid ko na po kayo. Medyo gabi na rin kasi."

"Wag na kaya ko ang sarili ko. Salamat."

"Pero Master, babae ka pa rin. Obligasyon din ng isang lalaki na ihatid sa bahay yung babae. Kaya payagan niyo na ako."

Bigla siyang napalingon sa ibang direksyon. Nag iisip ata.

"Sige na nga! Kulit mo." Then naglakad na siya.

Napangiti ako at kinuha ko yung bag niya at ako ang nagbuhat.

"Simula ngayon master, ako ng maghahatid sa inyo pauwi."

~

Chorong's POV.

Hindi ako makatulog dahil sa batang yun!

Bumangon ako at  tumingin sa orasan. 1:36 am.

Jusko! Puyat ako nito. Ano ba kasing meron sa batang yun at parang? Ewan? Di ko masabi.

Humiga ulit ako at inalala yung nangyari kanina.

Grabe talaga makapagsalita yung babae kanina. Naawa tuloy ako kay Woohyun. Gagawin pa naman niya ang lahat mabago niya lang sarili niya para sa babaeng yun? Tapos ganun pa?

Sana magising sa katotohanan si Woohyun na ang babaeng gusto niya ay di karapat dapat sa isang tulad niya.

Ano ba tong pinagsasabi ko?

Hayss. Pipilitin ko na lang matulog. Di ko na siya iisipin.

Panggulo ka talaga!

Pikit. Dilat. Pikit. Dilat. Pikit.

Aarrggh. Kainis talaga.

After a minutes...

ay nakatulog na din ako.

~

Chorong's POV.

Yawn. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa batang yun. Hay nako.

Bumaba na ako at agad na naghanap ng makakain sa kusina.

Nakita ko sa mesa na may iniwan si papa na pera. As always. Things lang naman ang kaya niyang ibigay. Palagi na lang.

Umupo ako sa sala at nanuod ng t.v habang kumakain ng bread at umiinom ng choco drink.

Linggo ngayon kaya wala akong pasok.

Mayamaya may narinig akong nag doorbell. Binuksan ko naman.

Nagulat akong siya ang nakita ko.

May dala siyang isang bisikleta habang nakangiti sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahm. Wala kasing magawa samin kaya pinuntahan kita dito Master. Gusto niyo bang gumala ngayon?"

"Ayoko. Marami akong gagawin."

"Linggo ngayon ah. Its a rest day kaya bakit meron kayong gagawin?"

"Pwede wag kang matanong? Umalis ka na."

"Eh, master. Wala akong kasama samin eh. Pwede po ba akong pumasok sa bahay niyo?"

"Wag ka ngang makulit! Hindi pwede!" Isasara ko na sana yung gate ng bigla siyang lumusot. Aba?

"Master, matitiis niyo po ba ako sa labas?" Bigla akong nakonsensya.

"Haist. Ganito. Antayin mo ako sa Garden. Magbibihis lang ako ng panlakad. Aalis tayo. Bawal tayong tumambay dito sa bahay namin. Malilintikan ako kay papa." Saka ko na siya iniwan sa garden.

~

Comment?

Vote?

:)


APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon