My Taekwondo Teacher #7

444 21 3
                                    

Don't forget to vote and comment after you read plss :(((

Thank you! Pinkpandas and Readers!

~

Chorong's POV

"And the champion is.......

Park Chorong!"

Agad akong napatalon at napayakap sakin si Woohyun. Napatitig ako sa kanya habang siya ay ngiting ngiti. Dahil sa medyo awkward na at marami ang nakakakita ay ako ng bumitaw saka ako lumapit dun sa host at sinabitan na nila ako ng medal. Nakita ko ang mga classmates ko at mga schoolmates ko. Ngumiti lang ako habang kumakaway at nagpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sakin. Tumingin ulit ako kay Woohyun pero may iba akong nakita.

Woohyun's POV

Sobrang saya ko dahil naging champion si Master. Wala talagang tatalo sa kanya sa galing sa taekwondo. Habang pumapalakpak ako nakita ko bigla si Jecelle sa likod ng stage nakatitig sa akin. Natigilan ako sa pagpalakpak. Hindi ko alam pero parang bigla na naman akong nakaramdam ng sakit. Para sa kanya handa akong magbago? Pero ano? Sinaktan niya ako. Tumalikod ako at umalis. Nung palabas na ako ng exit door biglang may yumakap sakin mula sa likod ko. Natigilan ako sa paglalakad. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa hallway. Hinarap ko siya. At si Jecelle ang nakita ko. Umiiyak.

"Woohyun. P-pwede ba tayong mag usap?" Geez. Kinakabahan ako. Ano ba dapat ang sabihin ko? Dapat ko pa ba siyang kausapin?

"At para saan pa? Wala rin kwenta kaya mabuti ng wag ka ng lalapit sakin." Nilakasan ko na lang ang loob ko dahil alam ko na kapag di ako naging matibay ngayon ay baka bumigay na naman ako sa kanya, which is ayoko ng maulit pa.

"Woohyun please, I promise this would be the last. Pagbigyan mo sana ako." Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"Ok."

Chorong's POV.

Yun ang huling salita na narinig ko na sinabi ni Woohyun kay Jecelle, bago sila naglaho sa paningin ko. tuloy tuloy lang silang naglalakad ni hindi man lang nila napansin na nandun ako at nag aantay na mapansin nila ako at baka sakali na hindi sumama si Woohyun sa kanya..

Pero.....

"Uy! Chorong nandyan ka pala! Bakit nandito ka sa labas? May inaabangan ka ba?" Napatingin ako kay Camille at pilit ngiting tumango ng wala.

"Pagod lang ako saka, akala ko kasi n-nakita ko si Dad?" Pagpapalusot ko. Bigla naman nalungkot yung mukha ni Camille. Alam niya kasi kung ano ang meron samin ni Dad ngayon.

"Tss. Wag ka ng malungkot Chorong. Kung gusto mo, labas muna tayo? Punta tayo ng Starbucks, libre ko."

"Uhmmn. Sige. Salamat ah." Saka na kami umalis. Sumakay kami ng taxi at minuto lang ang naging biyahe. Mayamaya ay nagtanong na naman sakin si Camille.

"Chorong, pwede mo bang sabihin sakin yung nangyaring eksena kanina bago mag umpisa ang laban?" Natigilan ako. Si Woohyun ang tinutukoy niya.

"Ah. Ayun? Ahm. Estudyante ko. Pinakabata." Sagot ko. Pinipilit ko na wag mag iba yung expression ng mukha ko kundi kukulitin ako niyan ni Camille at baka may kumalat pang issue. Madumi pa naman utak ng babaeng to.

"Ahmn. I feel something, defensive. Bakit kailangan mong sabihin na pinakabata?" Sabi na eh.

"Complete idea lang ang sinasabi ko. No more no less. Okay?" Saka ko siya inirapan at tumingin ako sa bintana. Nakita ko na ang Starbucks kaya naman nag para na kami at bumaba. Medyo konti na lang ang tao sa Starbucks since gabi na din kasi. 11 pm.

Pagpasok namin sa loob umupo kami agad sa may vacant table at nag order. "Talaga lang ha? Eh bakit kailangan ka pa niyang halikan sa noo mo?" Tanong ulit niya. Hay nako naman.

"Alam mo, kahit ako ang tanungin mo diyan ay hindi ko masasagot yan. Basta eto lang masasabi ko sayo. Malayo kami diyan sa iniisip mo. Okay? " Saka ko ininom ang coffee ko.

"Kasi naman, ikaw na isang nbsb? Bigla ko na lang makikita na ganun? Sa tingin mo? Ang mga normal na tao ano ang papasok sa isip nila? Diba may something?"

"Wag mong idamay yung iba dahil ikaw lang yung ganun. At hindi ka normal dahil ganyan ang naiisip mo."

"Guilty ka lang eh. Ayaw mo lang umamin pero meron talaga."

"Ewan. Tumahimik ka na."

Tumahimik na din si Camille. Matapos namin mag coffee ay nag decide na akong umuwi dahil malapit ng mag 12.

Pagbaba ko ng taxi may nakita akong taong nakaupo sa daanan ng harap ng gate ng bahay namin. Lumapit ako. Yung lalake naman ay nakayuko pa rin.

"M-master?" Dahan dahan siyang tumingin sakin.

"Woohyun?" Nagulat ako sa kanya dahil umiiyak siya at ang mga kamay niya ay may sugat. Agad ko siyang pinantayan at hinawakan sa magkabilang balikat. "Anong nangyari?"

"Master, si Jecelle.... Aalis na siya." Yun lang at bigla na naman siyang yumuko at naiyak. "Ayoko. Yung kaninang pag uusap namin, humingi siya sakin ng tawad sa ginawa niya sakin nitong mga nakaraan araw. At yun din, doon din siya nagpaalam. Master? Gusto ko siyang pigilan."

Ano to? Naiiyak ako? Bakit? Bakit nasasaktan ako? Hindi ko alam pero....

Tumulo na pala ang mga luha ko. Napansin naman yun ni Woohyun kaya agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Pigilan mo siya. Walang magagawa yang pag iyak mo. Kung gusto mo na huwag siyang umalis. Ikaw dapat ang gumawa ng paraan para di siya umalis. Woohyun, ipakita mo sakin na matapang ka at alam mo ang tama."

Yumuko ulit siya at muli tumingin sakin saka tumayo.

"Alam ko master, di ko na siya mapipigilan. Pero ito lang ang ipinapangako ko para mabawi ko siya. Yun ay ang mabago ko ang sarili ko para sa kanya. Gusto ko na ako ang magiging ideal man niya at gagawin ko ang lahat para maipagmalaki niya ako sa kahit kanino."

Napangiti ako ng pilit. He's willing to sacrifice his self para lang magustuhan siya ng babaeng mahal niya.

"She's very lucky to have you. Sana maging matagumpay ka."

"Syempre Master, at alam ko na sa tulong mo? Makakaya ko."

Saka siya ngumiti at niyakap ako.

Am I pretending to be happy? 

~

Comment?

Vote?

Please ^_______^v


APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon