My Taekwondo Teacher #12 [Final]

586 25 11
                                    

This was the Final Chapter of 'My Taekwondo Teacher'

Salamat sa mga Readers and Silent readers na nagbasa at nagtiyagang mahintay ang update ko dito sa story na ito. Thank you so much guys!

Keep Supporting Apink!

Ate Minz ^__^

~

After One Week..

Woohyun's Pov.

Today is master's Chorong birthday, hinanda ko na lahat ng sopresa ko mamaya sa kanya. Nakakalungkot lang dahil magtatapos na ang klase at summer na naman. Ga-graduate na si master Chorong at baka di ko na siya makita. Nasabi niya kasi sakin nitong mga nakaraang araw na baka sa ibang bansa siya mag-aral ng Collage. Pero sabi niya din na depende naman daw sa kanya kung papayag siya o hindi. Ewan ko ba pero nalulungkot ako at gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang umalis. Ang kaso kasi, parang nawalan ako nun ng lakas loob na magsabi na ayaw ko siyang umalis.

Matapos ang klase namin ay naghanda na din si miss Camille, remember? Kasama siya sa planong to.

Chorong's POV.

Nagmadali akong lumabas ng room ko dahil meron ako ngayong meeting, dahil nga sa isa akong trainor ng club, kasama na din ako sa bawat meeting and events ng bawat trainor and president of different clubs.

Papunta na sana ako sa pinto ng bigla akong harangin ni Camille. Napasimangot ako. Ano na naman ang hihilingin sakin nito? 3 araw  na kasi siyang laging nahingi sakin ng help or favor.

"What do you want again Camille? Nagmamadali ako."

"Ang aga aga init ng ulo mo, don't worry it is not about a favor. I just want to tell you that, kita na lang tayo mamaya after ng meeting mo. May mahalaga lang akong sasabihin sayo."

"Baka dumiretso din ako sa Taekwondo Club, ngayon mo na sabihin."

"I said later, so sige na. I know naman na hindi mo ako i-indian-in? Diba?"

"Tsk. Okay fine. Now can i have my way?"

"Oo naman. Basta wag kang makakalimot ah. Aantayin kita. Text ko na lang sayo kung nasa'n ako okay?"

I nodded. Saka naman siya umalis sa pinto at pinadaan na ako. Lumiko siya sa kanan at ako naman ay sa kaliwa. Dali dali akong pumunta sa locker ko at nilagay ko ang mga gamit ko. Sunod ay kinuha ko ang uniform ko saka nagpalit sa comfort room. Mayamaya pa ay lumabas na din ako, pero bigla na lang sumulpot  sa harapan ko ang isa sa mga kaklase ko.

"Oy, Chorong andyan ka lang pala eh. Kanina pa kita hinahanap." Saka niya inabot sakin ang isang colored paper at may isang kanta na nakalagay doon.

"T-teka, para saan to?"

"Ewan ko eh, nakita ko na lang yan doon sa desk ko tapos sabi pakibigay sayo." Tiningnan ko naman ang likod ng papel. May nakalagay nga doon na para sa akin.

"Sige Chorong una na ako." Agad siyang umalis. Napatingin ako sa binigay niya. Binasa ko ang lyrics nung kanta at ang title nung kanta ay 'Ordinary Song'. Naguluhan ako, sino naman kaya ang mangti-trip gaya nito? May biglang nahagip ang mata ko. Binasa ko yung pinakahuling message.

'Cafeteria: Blue Plain Shirt'

Huh? Ano daw? Pupunta ako ng Cafeteria para maghanap ng Blue Plain Shirt? Teka nga, mapuntahan nga at ng malaman ko kung sino ang may kagagawan ng mga ito.

Pagkapunta ko sa Cafeteria, may sampung estudyante akong nakita na naka t-shirt ng blue, agad kong hinanap yung plain blue shirt. At nakita ko ang isang 1st year student na nagbabasa ng libro at sa libro niya ay may nakaipit na clored paper na naman.

APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon