My Taekwondo Teacher #11

435 19 0
                                    

~

Chrong's POV.

Natapos na ang christmas vacation namin at balik eskwela na naman. As usual, taekwondo club na naman ang iintindihin ko. Masaya naman ang christmas ko dahil na-meet ko ang parents ni Woohyun, nakakahiya nga eh,dahil doon ako nag-celebrate ng christmas eve.

Habang naglalakad ako ay may biglang nagtakip ng mata ko. Sa gulat ko ay nasiko ko tuloy siya. Hinarap ko kung sino yung nasa likod ko.

"Woohyun? Tsk, di na talaga ako nasanay sayo. Palagi mo na lang akong ginugulat eh."

"Ang lakas niyo talaga master, Bakit mag-isa kayong naglalakad?"

"Kasi wala akong kasama?"

"Master talaga." Nag-pout siya.

"Edi samahan mo ako para may kasama ako. Diba lagi ka namang sumasama sakin?"

"Eh kasi naman po eh, wala ka laging kasama."

Napangiti na lang ako."Masyado ka pa talagang bata."

"Master? Di nga ako bata."

Pero naglakad na lang ako. Sumunod naman siya.

"Ah, master nga pala. Diba po birthday niyo na next week? Maghahanda ka ba?"

Natigilan ako sa paglalakad.

"Pano mo nalaman na birthday ko?"

"Ah, hehe. Sa facebook mo po. Saka sinadya ko talagang alamin, kasi..."

Tiningnan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya.

"Kasi, gusto ko pong i-treat kayo sa birthday niyo. Okay lang po diba?"

Tiningnan ko lang siya, nagkamot siya sa ulo niya at di na tumingin.

"Salamat."

Bigla siyang napatingin sakin at gulat na gulat.

"Master? Okay lang sa inyo?"

Tumalikod ako at lumakad, sumunod naman siya sakin.

"Master?"

"Alam mo Woohyun, sa totoo lang, ayoko ng maalala pa ang kaarawan ko. Pero salamat dahil nag effort ka. Tatanawin ko na din yun bilang pasasalamat sa pagpapahalaga sa birthday ko."

"Eh, master. Bakit ayaw niyo pong maalala ang birthday niyo?"

"Mahabang kwento Woohyun, wag mo muna akong tanungin tungkol diyan. Tara na."

Saka na ako pumasok sa gate ng Academy.

~

Woohyun's POV.

Since next week na ang birthday ni master, nag-isip agad ako ng isosopresa ko sa kanya.

Naglakad ako papuntang Student Council. Alam ko na kaibigan ni master ang president doon kaya naman siya ang una kong hihingan ng tulong para sa gaganapin na birthday ni master Chorong.

Nang marating ko na ay agad akong kumatok. Pinagbuksan naman ako ng secretary nila.

"Ah, good morning po. Andiyan po ba si Miss Camille?"

"Halika, pumasok ka muna sa loob." Agad naman akong pumasok at naupo sa sofa.

"May kailangan po ba kayo kay Miss Camille?"

"Ah, gusto ko lang po siyang makausap eh. Privately."

"Okay sige. Ask ko lang kung free siya."

"Sige po. Salamat."

APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon