PROLOGUE
Ikaw ba yung tipo ng babae na simple lang ang gusto?
Yung mayroong sariling paniniwala at hindi pabasta-basta nagpapaapekto sa iba?
Paano pagdating sa pag-ibig, ganun pa din ba?
Ikaw ba yung tipo ng tao na hindi pabasta-basta nagkakacrush o nagkakagusto sa isang lalaki?
Ikaw din ba yung tipo ng tao na hindi basehan ang pisikal na anyo?
Hindi naman sa katulad ng isang hopeless romantic na naniniwala pa rin sa true love, pero yung feeling na hindi mo maexplain? Aware ka ba sa ganun?
Paano mo na lang malalaman na in love ka na pala? Paano mo malalaman na nabihag na niya pala ang puso mo?
Hindi naman talaga natin alam kung kailan dadating ang tunay na pag-ibig.
Bigla na lang natin ito mararamdaman.
Hindi natin alam kung kailan, kung saan, at higit sa lahat, kung sino.
Si Gail. Isang simpleng babae na ang gusto lamang sa buhay ay matupad ang lahat ng pangarap niya. Ang pag-ibig ba nasa plano niya? Paano kung bigla na lang siya nakaramdam ng "something weird"?
Paano kung nalaman niya na nahulog na pala ang loob niya sa isang lalaki?
Paano kung ang lalaki pala na ito ay hindi niya dapat mahalin?
Paano kung ang lalaking nagpapaligaya sa kanya ay ang magiging dahilan din ng pag-iyak niya?
Paano kung minsan na nga lang mahuhulog ang loob niya, doon pa sa nangako na paglilingkuran ang Diyos?
Kakayanin ba niya?
Ipaglalaban kaya niya?
Hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi sa lahat ng kwento, lahat ng bida ay nagiging masaya sa larangan na gusto niya. Minsan, may mga bagay na dapat nating marealize. May mga bagay talaga na hindi para sa atin. Pero paano kung paglaruan ka ng tadhana? Akala mo sayo na pero...
***
hi guys! please support my story. :) bago lang ako dito at di ko alam kung dapat ko ituloy to hehe. Sana po magustuhan nyo! :))))