First Met

40 2 0
                                    

Eman's POV
Ako nga pala si Luke Emmanuel Clipper isa akong graduate sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering.

Kakapahinga ko langkakapraktis sa drum para sa Sunday Service bukas...

Ngunit habang nagpapahinga
May napansin akong mga picture nung bata pa kami... Nakakaagaw pansin ang isang babae na halos kasingedad ko lng... Hindi ko mapigilang ma-admire sa maamo niyang mukha.

Habang tinitignan ko siya pilit kong inaalala ang pangalan niya ngunit kahit isang letra ay walang sumagi sa isip ko tungkol sa kanya...
Lumabas na ako nang church mga 4-5 pm na siguro kaya nagsimula na akong maglakad palabas.

Ngunit sa isang hindi inaasahang lugar may nakita akong babae na sobrang pamilyar talaga... Siya yung babae sa picture....nung tinangka ko na siyang lapitan sa kabilang kalsada ay biglang......

beeeeeeeeppppppp!!!!! "Hoy! Gusto mo bang magpakamatay?!? Kung gusto mo wag kang mangdamay ng iba!!! Bwisseeett!!!!" Sigaw ng mama sa loob ng sasakyan...

"Ay sorry po manong di ko po sinsadya." Sagot ko.

"Sige na umalis kana at may hinahabol akong meeting." Sagot niya at tumabi ako sa daan.

Nang tiningnan ko uli ang babae ay wala na sa kinatatayuan niya. Nilingon ko kanan... kaliwa... At doon nga siya nakasakay na pala ng traysikel... "Sayang! muntik ko na sanang matuka ang palay nilipad pa ng hangin."

Kinaumagahan (Linggo)

"Ayhhhyy! Salamat po panginoon sa panibagong araw. Sana po ay ilayo ninyo ako sa kapahamakan at sana din po ay ilayo ninyo ako sa tukso..." Nagsimula na akong bumangon at pumunta sa kusina...

"Hi anak!" Bati ni yaya

"Hi Ate Tess!" Balik kong bati sa kanya.

Umupo na ako sa dining table at kumain. Pagkatapos kong kumain ay naligo agad ako at nagbihis... Nagsuot ako ng pormal, white v neck na may collar at above the knee na brown shorts at tennis na white spotted blue...

_-------_--------_--------_-------_--------_------_

Pagkarating ko sa simbahan ay binati agad ako ni mam Yssah (siya ang "worship team leader" namin)

"Uyy Eman ready ka na ba? Magsisimula ka nang tumugtog... Marami nang tao ang nagsisidatingan..." Sabi niya.

Tumango lang ako bilang sagot sa mga sinabi niya.

Habang tumutugtug ako ng kantang "Who am I".

Nasa chorus na sana ako ngunit biglang pumasok ang isang babae na naging sanhi nang muntik ko nang ikinamatay kahapon.

Bigla akong natulala at nawala sa timing ang pagtugtug ko ng drum...

" Hoy Eman! Nawawala ka na sa timing magfocus ka!" Saway sakin ni MJ (siya ang nagturo sakin ng drum at kasalukuyan siyang nagtutugtog ng gitara ngayon)...

Sumunod naman ako at bumalik sa pagtugtog...

Nang matapos na kaming mag "praise and worship" pumunta ako sa pinakalikod at umupo...
Tumabi naman sa kin si MJ at mukhang itatanong niya kung anong dahilan ng pagkatulala ko kanina...

"Uyy bro.. bakit ka ba natulala kanina ano bang dahilan?" Tanong niya.

"Ahh... Ehhhh... Kase... Yung bab..." Naputol ang sinabi ko nang bigla siyang nagsalita...

"Auhhh...yung babae na pumasok sa church? Kung hindi ako nagkakamali siya ang magiging architect sa pagpaparenovate ng church na to... At Isa pa sa America siya graduate"
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

My Churchmate/My SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon