Eman's POV
Pagkatapos ni Kate maligo ay nagyaya si Macky na mag shopping.
"Mga tol tara mall tayo!" Pagaaya ni Macky sa amin.
"Sige mauna na lang kayo! Medyo masama pa ang pakiramdam ni Kate eh." Nagtinginan sila at tumawa.
"Sige walang problema.." Sagot naman ni Renz.
Nang nakaalis na sila ay tinanong ko si Kate kung OK lang siya at tumango lang ito.
"Sige magpahinga ka lang at baka mapano ka pa." Nagaalala kong sabi sa kanya.
Binuhat ko siya papasok sa kwarto dahil hindi siya makalakad nang maayos dahil sa sakit.
"Sige matulog ka lang dyan at may aayusin pa ako para sa kompanya." Sabi ko sa kanya at umalis.
Habang naghahanda ako papunta sa kompanya ay biglang tumawag si Macky.
"Pre tulong naman oh! Pumunta ka dito sa hospital si Sofie nahimatay.. Buntis daw." Masayang sambit ni Macky
"Sige punta na ako dyan." Sagot ko sa kanya
Nagiwan na lang ako ng sulat sa table na katabi ng kama ni Kate.
Habang papunta ako sa hospital ay parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang may mangyayari bigla kong tinawagan si Manong Roger. (Bodyguard namin)
"Manong pakibantayan ng maigi dyan si Kate at pakidagdagan ang security..." Sabi ko kay manong.
"Sige po sir! Wag kayong magalala!!" Pagtitiyak niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narating ko na rin ang harap ng hospital. Nang biglang nandilim ang paningin ko.
Nang magising ako nakita ko si Macky.
"Pre! Mabuti naman at gising ka na! Kumusta pakiramdam mo? " pagaalalang tanong niya
"Anong nangyari?" Sabi ko naman sa kanya.
"Naaksidente ka pre!"
"Ehh ilang oras akong nakatulog?"
"Kung susumahin mga 2160 hours.."
"Bigay mo nga sakin ang CP ko.." At inabot niya sakin ang cellphone ko.
"Anong gagawin mo jan?"
"I dedevide ko lang... 2160÷24 = 90..." Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Ano!?!??! Tatlong bwan akong nakatulog? Nasan si Kate?" Pasigaw kong Tanong.
"Andun sa labas umiiyak..." Pinilit kong tumayo pero tila wala akong lakas.
"Oohh wag ka munang tumayo hindi ka pa nakrerecover..." Sabi niya
"Bakit siya umiiyak?"
"Kase nung pangalawang bwan pagkatapos mong maaksidente... Pumunta si Simon dito yung manliligaw niya dati sa U.S."
"Si Simon yung architect mo sa pinatayo mong resort doon sa Batanggas?!!"
BINABASA MO ANG
My Churchmate/My Soulmate
General FictionIto po ay story ni Luke Emmanuel Clipper na isang makadiyos at napakagwapo. May churchmate siya na si Kate Arellana. Matagal niyang hindi nakita si Kate mula nong umalis ito ng bansa at pumunta sa America upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kursong B...