The Suicide

16 0 0
                                    

Eman's POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa sakit.
Lalo pa at ang thanks giving ay sa mismong monthsary sana namin.

"Pre! Ano kumpleto na ba ang dapat gawin? Tanong nila sa kin sa cellphone.

"Sige anong oras ang flight papuntang Batangas?" Tanong ko sa kanya

"Mamayang 9:30 am pre kaya bilisan mo na dahil 8:00 na!"

Nagmadali naman akong magbihis at sumakay sa kotse para umalis.

"Ate Tess aalis ako pupunta akong Batangas... May thanks giving party dun si Macky para sa resort!" Pagpapaalam ko kay ate Tess

"Sige mag iingat ka hah!?!" Sabi niya sa kinat binuksan ang gate.

Nang makarating na ako sa airport ay nakita ko doon si Kate kayakap si Simon sa bench.

"Ohh Hi! So alis na tayo? Pagtatanong ko sa kanila ng lahat..

Tumango silang lahat at pumunta sa eroplano.

---------++++++---------+++++++--------+++++-----------

Pagdating namin sa Batangas ay sumakay agad kami sa sasakyan ni Macky. Dahil iniwan ko ang sasakyan sa airport.

Pagdating namin sa resort ay handa na lahat. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang programa.

Naunang umakyat ang may-ari ng resort sa stage at nagsalita.

"Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa thanks giving party na'to nagpapasalamat ako unang-una sa Clipper's Cliffs sa nagdonate ng lupang kinatatayuan ng resort na to. At salamat din sa may-ari ng kompanya na si Mr. Luke Emmanuel Clipper... Nirerequest ko po sana siya na pumunta dito sa taas ngayon." Pagaanyaya niya sa kin.

"Ahuum! Mic check. Mic check. Ahmmm." Pagbibiro ko.

"Unang una po nagwawarning ako sa mga lalangoy wag lumampas sa mga bakod na nilagay jan sa dagat dahil paglampas po niyan ay malalim na at lungga na yan ng mga pating. Pero.... Wag kayong magalala may nilagay kaming Shark repellant upang hindi sila makalapit dito. Yun lang po salamat." At bumaba na ako sa stage.

"Ahhm tinatawagan ko din pala si Mr. Simon Alcantara, yung architect namin sa resort na to." Pagtatawag ni Macky sa kanya.

"Blablabalabkabkabalagblabal ajujujuju ju" hindi ako nakinig sa mga sinabi niya at natapos na rin sa wakas ang programa at may libreng langoy...

Kate's POV

Habang nagsasalita si Simon ay nakita kong hindi nakikinig si Eman. Pinabayaan ko na lang dahil na rin siguro sa galit niya.

Nung marami nang tao ang pumunta sa beach ay nakita ko si Eman na naka swimming trunks at sigurado namang napakahot niya lalo pa at baka na bakat ang abs niya. Lumusong siya at lumangoy palayo. Nakita ko siya na may hawak na isang bote ng red horse kaya naman nagalala ako kase baka malasing siya at malunod.

Matapos ang ilang minuto ay naubos niya ang beer at binato ang bote pabalik sa pangpang.

Pinabayaan ko na ito at maglakad ako palayo sakto naman na nandoon si Simon at bigla akong hinalikan sa labi.

Tumingin ako pabalik kay Eman na umiiyak... Hindi masyadong halata dahil sa tubig...

Nang biglang....

"Hoy!! Bata bumalik ka dito! May mga pating dyan!!" Sigaw ng lifeguard kay Eman.

Biglang hinila si Eman papunta sa ilalim ng tubig.
Dalidaling kinuha ng guard ang jet ski pero huli na ang lahat... Lumitaw na ang mga dugo at mga karne ni Eman...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Churchmate/My SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon