Chapter 1

38 3 0
                                    

Alam ko na!

...............

Ay hindi ang panget

*cramples*

Siguro mas maganda kapag ganito nalang

...........

Argh! Ang baduy!

*cramples*

Ang hirap naman mag sulat ng kanta oh...ang dami ko nang nasasayang na oras at papel

*knock knock*

"Pasok"

Si Kate lang pala, yung pinsan ko

"Oy Cess! Ginawa mo na bang basurahan itong kwarto mo at punong puno nang mga papel?"

Tiningnan ko lang sya ng isang blank expression

"Hay naku insan, sinusubukan mo nanaman magsulat ng kanta noh?"

Tumalikod ako at inilapag ang ulo ko sa desk ko na punong puno ng crampled papers

"Tigilan mo na nga yan...halika dito may ipapakita ako sayo"

"Ano?" Sagot ko nang hindi inaangat ang ulo

"Sumama ka sakin! Dali ! May ipapakita ako sayo! " masayang sabi nito

"Ayoko. Tinatamad ako"

"Ililibre kita ng Ice Cream!"

ICE CREAM? Marinig ko lang ang salitang iyon ay tumayo agad ako sa kinauupuan ko at sinundan sya. Pano ba naman favorite ko talaga ang ice cream simula bata pa ako..naalala ko nung bata pa ko kapag umiiyak ako binibigyan lang nila ako ng Ice Cream at masaya na ko. Kaya walang ibang nag papa cheer-up sakin tuwing malungkot ako kundi ang Ice Cream. Ito lang ang nagpapasaya sakin tuwing malungkot ako. At ang pinaka favorite flavor ko ay strawberry...Mmmm...nagugutom na tuloy ako.

Hayy..ano naman kaya ang ipapakita nya sakin?

"Saan ba tayo pupunta? Atsaka kelan mo ba ko balak bilhan ng ice cream?"

"May ipapakita lang naman ako sayong poster na sigurado ako magugustuhan mo" sabay ngisi nya

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may itinuro sya saking malaking poster

"See for yourself"

Nanlaki agad ang mga mata ko nung nakita ko ang nakalagay dito

~CAMP NIGHTINGALE~

For those who loves singing..

For those who loves music

For those who've got what it takes to become a superstar

Enroll now at our camp and we'll help you improve more

Enrolling time would be until tomorrow

Hurry and join now!

"Naiisip mo ba ang naiiisip ko insan?" Taas noong sabi ko sakanya

"Mukhang alam ko na nga" sabay ngiti nito

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Napag desisyunan namim ng pinsan ko na mageenroll kami sa camp kaya eto na kami ngayon sa kotse at ihinahatid ng parents ko.

"Mag-iingat kayong dalawa dun ha" alalang wika ni mommy

"Lagi kayong tatawag samin ng mommy nyo ha" sabi naman ni daddy

"Syempre po" nakangiting sabi ko

"At ikae kate lagi mong babantayan yang pinsan mo ha..ayokong nag boboyfriend yan lalo na't ngayong bakasyon marami kayong makikilala duon" tingin ni daddy kay kate

"Huwag po kayong mag-alala tito akong bahala sakanya" natatawang sabi ni kate

"At higit sa lahat mag-enjoy ka dun ha!" Paggulo ni Kuya Richard sa buhok ko

"Oo kuya..syempre naman"

Inihatid na kaming dalawa ni Daddy at nagpaalam na kami sa isa't isa

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Wow! Ang laki naman ng Camp na to" masyang sambit ko

Sadyang malaki nga itong Camp Nightingale hindi ako makapaniwalang nandito na kami ngayon..matagal ko na rin kasing gusto makapunta sa mga ganito at mas lalong maimprove ang skills ko..this is a dream come trueee!! ^____^ 

"Waaaahhh!"

"Aarrrayy ko"

May bumungo saming lalaki na naka sumbrero at mukhang nagmamadali ito

"Ay sorry po miss! Nagmamadali na talaga ako eh" Sabi nito ng hindi lumilingon at patuloy sa pagtakbo ng mabilis. Mukhang nagmamadali nga sya dahil hindi na nya nagawang pulutin ang kanyang green na sumbrero.

Tumayo ako at inalalayang tumayo ang pinsan ko

"Grabe naman magmadali yun parang natatae"

"Haha oo nga eh. Naiwan din nya yung cap nya" pinulot ko ito

Bigla nalang namin napansin na nagtatakbuhan at nagsisigawan ang mga tao.. may zombie apocalypse ba? Anong nangyayari? Bakit takbuhan sila ng takbuhan? At lahat sila papunta duon sa isang building at mukhang excited na exicted. Excited silang makain ng zombie?

"Cess..ano kaya meron dun? Bakit lahat sila dun pumupunta?" Nagtatakang tanong ni Kate

"Hindi ko nga rin alam..halika tignan nga natin"

Tumango sya at ginaya namin ang mga taong nag tatakbuhan na parang may humahabol na zombie..at nung nakarating kami sa loob ng building ay parang isang theatre o isang sinehang malaki at may stage sa gitna.

Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit nakapatay ang ilaw? Diba sa sinehan may onting ilaw? Eh bakit dito as in wala? Ang tanging mga nakikita ko lang ay ang mga iba't ibang kulay ng glow stick na iwinawagayway nila.. nakapagtataka...ano kaya ang meron?

"Wooooohhhh"

Ang lakas naman ng sigaw nitong nasa likuran ko.Over kung maka sigaw. siksikan na nga sigaw pa ng sigaw.

Hinarap ko sya at sinabing "Miss! Ano ka ba torotot o ambulansya? Kung makasigaw ka eh!" Malakas na sabi ko

"Hahahahahaha!" Hala! Tumawa pa ang loka loka...baliw kaya sya? O.O

"Uhm...Miss baliw kaba o nasapian ng kaluluwa" Pagtatakang tanong ko sakanya

"Hahaha your so funny, i like you!" Natatawang sabi nya

"Baliw na nga"

"By the way ako nga pala si Gwen" iniabot nya ang kamay nya sakin at nakipag shake hands saakin

"Ako pala si Princess, but you can call me Cess. Sya nga pala ang pinsan k-"

Wait Asaan na si Kate? Hindi ko na namalayan na nagkahiwalay kami kasi sobrang siksikan. Tumingin tingin ako sa paligid sakaling mahanap ko sya.

Wala. Puro glow stick lang ang aking nakikita dahil madilim ay hindi ko makita ang mga mukha nila

"May problema ba? Sino hinahanap mo?" Nag-aalalang tanong ni Gwen

"Ahh si Kate yung pinsan ko, kasama ko lang sya kanina kaso nagkahiwalay kami"

"Ah ganun ba? Cge tulungan na kitang hanapin sya"

Sinubukan naming sumingit sa siksikang mga tao.

"Wait lang. Matanong nga, ano ba pinagkakaguluhan nila dito?" Nakalimutan kong itanong sakanya

My NightingaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon