Chapter 2

32 2 0
                                    

"Bago ka lang siguro dito noh?" Nakangising tanog nya

"Ahh oo. Bakit ikaw matagal ka naba dito?" Sabi ko habang hinahanap si Kate

"Every summer nandito ako sa camp na ito. Pang 3 taon ko na dito" pagmamalaki nya

"Wow loyal ah, ano yun enroll ka lang ng enroll every summer?"

Nakahanap kami ng mauupuan atsaka nagpatuloy sa pag-uusap at ang tanging mga glowstick lang ang nagbibigay ilaw sa amin. Mamaya ko nalang hahanapin si Kate

Nagpatuloy sya "Kala mo ganun lang kadali yun? Youre wrong" Pagtataas nya ng kilay

Tiningnan ko sya ng pagtataka, mukhang nabasa naman nya ang nasa isip ko at nagpaliwanag

"Nakikita mo yang madilim na stage na yan?" Pagtuturo nya sa stage

"Oo, bakit nga pala ang dilim dilim dito?"

"Gaganapin kasi ngayon ang Blackout Audition"

"Audition?!" Aba so kailangan ko pang mag audition para makapasok sa camp na toh? Aba hindi pwede yan..nagbayad ako sa Camp na to!

Natawa sya "Don't worry, nag au-audition lang ay yung matagal na dito, yung marami nang natutunan at experiences. Ang audition kasi na ito ay para malaman kung effective ba yung pagtuturo nila o may natutunan kaba sakanila at nagamit mo iyon para i-improve ang iyong performance. Duon din malalaman kung magtatagal ka pa sa camp na ito. Kapag nakapasa ka o nag green yung lahat ng glowstick ibig sabihin nagustuhan ng judges yung performance mo at mag-iistay ka pa dito sa camp. Pero kapag nag red yung mga glowstick ibig sabihin hindi nila nagustuhan o kulang pa ang effort mo at papalayasin ka na dito."

"Paano mag kukulay green o red itong glowstick eh tignan mo nga iba iba kulay ng mga hawak nila" pagtuturo ko

"Sakanila galing yang mga glowstick na yan. Oh heto hawakan mo itong sakin" sabay nyang binigay yung kanya

"Eh bakit madilim at hindi pa nga nagsisimula nagsisigawan na sila?"

"Kaya madilim dahil hindi natin pwede makita kung sino man ang nag peperform, ang boses lang nila ang dapat nating marinig dahil kapag hindi sya nakapasa hindi malalaman ng tao kung sino sya at basta nalang syang mawawala dito sa camp"

"Ganun? Eh paano kapag nakapasa ka, hindi rin nila malalaman?"

"Oo. Basta hanggang nandito ka pa sa camp its either hindi ka pa nakakapag blackout audition or nakapasa ka na..nobody knows at bawal mo rin sabihin sa iba na mag au-audition ka na"

"Bakit hindi pwede?"

"Bawal nga malaman ng iba kundi may kaparusahan" Lumakas ang kanyang boses

"Eh bakit sila nagsisigawan?"

"Para ma boost yung confidence nung mag peperform, marami kasing may mga stage fright kaya ginagawa nila ito..its a tradition" pag ngiti nya

"Ahh.." yun nalang ang nasabi ko, I'm speechless ang dami kong natutunan tungkol sa camp na ito.

"So in short, all the best stays in this camp"

Nginitian ko lang sya dahil wala na akong masabi pa

Natawa sya at hinampas ako "Naintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko?"

Tumango ako "Oo pero nag si-sink in pa lahat sa utak ko yung mga sinabi mo eh."

"Anyway, Welcome nga pala sa Camp Nightingale!"

"Thankyou"

Ayan na..nagsisimula na ang Blackout Audition... kaya todo sigaw na rin ng mga tao. Ang unang kumanta ay isang babae na kumanta ng song ni Taylor Swift.

"We were both young when I first saw you.."

Nag green lahat ng glowsticks namin pagkatapos nyang kumanta...

At sunod sunod na ang mga iba pa na nagperform pero parang wala ako sa sarili ko. I'm lost in my own thoughts.

isa lang ang nakakuha ng atensyon ko...

Ang pinakahuli..ang pinaka magandang boses na aking narinig sa buong buhay ko.

My NightingaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon