Chapter 8

17 1 0
                                    

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi naman ako magaling sa mga ganyan. Ni hindi ko pa nga naranasan mag boyfriend eh, so paano ko malalaman kung anong gagawin? At saan naman ako kukuha ng advice para sakanya?

"Uhm..Gaano na ba kayo katagal bago sya umalis?"

"Actually pang 3 years na namin sana ngayon eh..kaso wala eh iniwan nya ko"

Nakatitig lang sya dun sa Lake sa harapan namin. At ako naman ay napaupo sa tabi nya...

"Alam mo mas maganda yung feeling na nagmahal ka at nawalan ka kesa naman sa hindi mo naranasan magmahal diba?" Wow. saan ko naman nakuha yang linya na yan? Siguro sa kakapanood ko ng mga teleserye ayan, pero infareness ah ang ganda ng pagkaka deliver ko.

"Pero ganito pala kasakit...magmahal" nakikita ko unti unting tumutulo ang mga luha nya

"Sabi nga nila hindi mo malalaman ang totoong kahalagahan ng kaligayahan kung hindi mo naranasang masaktan" Saan ko nanaman din napulot yun? Bigla bigla nalang lumalabas sa bibig ko eh.

"Thankyou ha" Pagkasabi nya nun ay niyakap nya ko..

Unexpected yun ah. Nakakagulat naman to bigla bigla nalang mangyayakap. Pagtapos nya ko yakapin pinunasan nya na yung mga luha nya at ngumiti.

"Pwede ba kita maging bestfriend Princess?"

Nagulat naman ako sa sinasabi nya "Girlfriend agad? Hoy hindi ako panakip butas noh!"

"Sabi ko...bestfriend hindi girlfriend" natawa naman sya

Pahiya tuloy ako

..ang bingi ko naman kasi eh

"Ahh ganun ba...ang bilis naman ata ah"

"Sige na please" tapos ngumiti sya at napatitig ako sa mga mata nya at hindi ko maalis alis hindi ko alam kung bakit

"Silence means Yes?" nung pagkasabi nya nun wala akong nagawa kundi tumango nalang dahil nakatitig parin ako sakanya

"Thankyou bestfriend Princess" Ngumiti sya pagkasabi nya nun, nagulat ako bestfriend daw? Ay shunga pumayag na nga pala ako, anubayan parang hindi ko alam ang ginagawa ko kapag nakatitig ako sa mga mata nya..

Bakit ano bang meron sa mga mata nya at nagkakaganyan ako?

"Look into my Eyes...Eyes are the windows to the soul"

Mabait

Mapagbigay

Mapagpatawad

Maasikaso

Makulit

Mapagpatawa

Mapagmahal

Siguro kaya ako pumayag kasi parang nakita ko nanaman yung kaluluwa nya sa mga mata nya. Ang weird noh? Atsaka mukhang mabait naman sya at feeling ko magiging close kami kaya ayun ...

~kaching!~

In an instant meron na agad akong Guy Bestfriend.

"Oy baka matunaw na ko nyan ha.." inalis ko na yung tingin ko sakanya

"Uhm..ano bang gusto mo itawag ko sayo Princess, Cess o PM?"

"Ikaw bahala, ano bang gusto mo?"

"Princess nalang kasi nakita ko na ang prinsesa ng buhay ko"

Napa Nga nga naman ako dun..ano daw?!

"Haha joke lang. PM nalang para maikli" ngumisi sya

"Okay" ano bayan na a-awkward at nahihiya naman ako...eh pano ba naman kasi kaka kilala pa lang namin bestfriend agad...

Baliktad yung nangyari eh, diba dapat kilalanin nyo muna yung isa't isa bago kayo maging bestfriend eh eto..ang bilis bilis eh..hay nako bakit ba kasi ako napatitig sa mga mata nya? Ayan tuloy...hayzz

My NightingaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon