Chapter 4

19 2 0
                                    

"Nasaan kaba kanina at nawala ka?" Pag aalalang tanong ni Kate saakin

"......." Pasalamat kang babae ka wala akong boses ngayon

Inexplain naman nung nurse kung bakit wala akong boses

"Kumanta kaba kanina at nawalan ka ng boses?"

"Pinasukan kasi ng langaw yang bibig nya" natatawang sabi nung nasa pintuan

Si Gwen.

"Hi ako nga pala si Gwen. Nakilala ko sya kanina lang, ikaw siguro yung hinahanap nyang pinsan?" Pagpapakilala nya kay Kate

"Ahh..ako nga pala si Kate..uhmm totoo ba yung sinabi mo kanina? Pinasukan ng langaw?"

"Hahaha Oo totoo yun! Paano nakanga nga kasi" Hala tawa ng tawa tong isang to

"Hahahaha! Bakit ba sya nakanga nga?"

Aba pinagkakaisahan pa ko nitong dalawa  -___-

"Oo nga pala, kaya ko umalis kanina kasi hahanapin ko daw yung dalawang bago palang dito..eh kayo pala yun!"

"Bakit?"

"Kayo yung bago kong roomates!" Patalon talon pa nyang sabi

- - - - - - - - - - - - - - - -

~1st night at camp nightingale

Habang dala dala namin yung mga bagahe namin hindi mawala sa isip ko si Night. Oo Night ang codename ko sakanya. Kasi sya ang aking Night in a shining armor-- with a heavenly voice. Atsaka since madilim nun at hindi ko pa naman sya nakikita..so yun yung unang pumasok sa isip ko.

So ito yung first day ko dito sa camp at may mission na agad akong dapat gawin!

Tantararan!!!

Mission: Finding Night...My Nightingale!

haha finding nemo lang ang peg!

- - - - - - - - - - - - - - -

"Okay welcome to Camp Nightingale, I will serve as your tour guide. First, I will show you our room" Feeling tour guide tong si Gwen

Ipinakita nya saakin yung aming cottage na malaki. Pagbukas nya ng pinto, may tatlong kama sa loob.

"Yung nasa left side saakin, pumili nalang kayo kung saang kama gusto nyo at ayusin nyo na din yung mga gamit nyo" Masayang sabi ni Gwen

"Ako dun sa gitna!"

Well, edi ako dun sa gilid katabi nung dingding

Nagsimula na kami mag ayos ng aming mga gamit. Binuksan ko ang aking bag, at nakita ko yung green na cap na naiwan nung nakabunggo samin kanina.

Si Night! Sakanya toh! ^____^

Yesssss!!! Kailangan ko lang hanapin kung sino may ari nito at makikita ko na sya!

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Princess!...Princess!"

Ano yun may naririnig akong tumatawag sakin

"Ako si Night yung hinahanap mo"

O.O  Pano sya napunta dito? Asan ba sya?

May nagtakip sa mata ko galing sa likod...at nagulat ako sa ginawa nya, kiniss nya ko sa cheeks.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"AAAHHHHHHHHH!!!!!"

"Oy Cess! Gumising ka nga dyan, nanaginip ka nanaman" sabi ni Kate

"Grabe ka Cess, nag s-sleep walk ka pala" gulat na sabi ni Gwen

Ay anak ng tokwa..panaginip lang pala yun! Nakaka dissapoint naman...kala ko nakita ko na si Night T^T

"Nakakatakot ka naman, nasundan ka namin hanggang dito sa auditorium"

"Oo nga sino ba yung hinahanap mo dito? May sinasabi kang pangalan kanina"

"Sino nga ulit yun? Ah si Night! Sya yung tinatawag mo dito...sino ba yun?"

Halatang gulat na gulat sila sa pinag gagagawa ko...sad to say totoo na nag s-sleep walk ako. Nangyayari lang yun kapag masyado ako maraming iniisip bago matulog. Kaya ayan napanaginipan ko tuloy sya!

Aaminin ko nakakatakot talaga ako kapag nag sleep walk..naalala ko nga nung nasa bahay kami napunta ako sa gitna ng kalsada, marami pang sasakyan.

Buti nalang nakita ako ni Daddy kundi siguro deds na ko ngayon.

"Ehem ehm!"

"May boses ka naba?"

"LAlala!...meron naba? Meron na nga!!!!"

"May boses na sya!"

"Oh bat kayo masaya?"

"Dali ikwento mo!"

"Ang alin?"

"Alam mo na...."

At ayun kinuwento ko sakanila yung buong pangyayari. Kung bakit ako nakalunok ng langaw at pati yung may nagbuhat sakin sa clinic...so ikinuwento ko lahat ng tungkol kay Night at bakit satingin ko sya na ang THE ONE ko..medyo nakornihan sila pero kinikilig naman.

My NightingaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon