Chapter 3

26 2 0
                                    

"My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you, oh"

~All of me by John Legend

Dug Dug...Dug Dug! Nagloloko na ata ang puso ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari saakin. Nag iislow motion ang lahat. Hindi ko na naririnig ang mga sigawan ng mga tao, ang tanging naririnig ko lang ay ang mala anghel nyang boses at ang puso kong tumitibok para sakanya. Feeling ko sya na ang aking THE ONE!

Oh my I think I'm inlove --with his voice?

Napapaniti nalang ako ng hindi ko nalalaman. Sana tumigil na lang ang oras at hindi na matapos itong pagkanta nya....Grabe! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito...para akong nasa Cloud 9 at lumulutang ang aking isipan na ang boses lang nya ang naririnig ko.

*snap* pag pitik ng daliri ni Gwen

And I'm back to reality! Hay nakuu ang ganda na ng Day Dreaming ko eh.

"Hoy! Bakit ka nakatulala dyan? Atsaka isara mo nga yang bibig mo baka may pumasok na langaw" 

Hehe..nakanganga na pala ako.

Zzzz..

Ano yun?

*cough*

*cough*

*cough*

"Hala Cess! Nakalunok ka ng langaw!"

Ay nakalimutan ko nga pala isara ang bibig ko. Shunga talaga!

*cough* *cough*

"Naku po! Halika dadalhin kita sa clinic"

Inalalayan ako ni Gwen papuntang clinic. Hindi na ko makahinga ng maayos, pesteng langaw yan oh!

"Halika onting lakad pa..malapit na tayo"

Feelin ko nag fifield trip ata tong langaw na to sa bibig ko dahil ayaw lumabas. Anong akala nya sa bibig ko? Isang malaking Basurahan para pasukan nya? Grabe galaw ng galaw sa lalamunan ko.

Toot Tooot

"Ay Cess! May nag txt saakin, kailangan ko na talagang umalis..importante lang talaga. Ganito nalang ikaw na mag-isa pumunta sa clinic, diretsuhin mo lang yun tsaka kumanan ka. Pupuntahan nalang kita mamaya ha"

Hala O__O Walang hiyang babae yun iniwanan ako. Papaano na ako ngayon? Kailangan kong makapunta ng clinic ng buhay. Kaya ko to! Teka--

Mukhang nag eenjoy tong langaw na to sa lalamunan ko ah!

Langaw to the left

Langaw to the right

Can you feel that yeah

Were paying with love toniighht!

Its all about the langaw langaw langaw

Ano bayan!

Hindi ko na nakayanan itong langaw na ito at dahil hindi na nga ako maka hinga ng maayos bago pa man kami dumating sa clinic ay nahimatay na ako.

- - - - - - - - - -

May naramdaman akong parang may bumubuhat saakin. Hindi ko makita ang kanyang mukha. Sino kaya ito?

- - - - - - - - - -

*Blink Blink*

Nandito ako ngayon sa clinic at nakahiga...

May naririnig akong mahinang bumubulong

"Give your all to me, I give my all to you.."

(O_O )  Teka parang sya yung kumakanta kanina ah. . .sa wakas makikita ko na rin sya

*Blink Blink*

Huh? Bakit sya nanduon nakatayo sa may pintuan? At nakatalikod pa ha..ayaw atang magpakita saakin eh.  Teka, parang sya yung nakabangga saamin kanina ah..kulay blue din kasi ang suot nun.

May kausap ata sya sa pintuan eh...may napansin ako, sa kanyang kanang kamay meron syang bracelet na itim at may ibon na nakaukit dito..parang nightingale na ibon.

Pupuntahan ko na sana sya kaso bigla syang lumabas at pumasok naman ang nurse.

"Kamusta na pakiramdam mo" tanong nung nurse saakin

Gusto ko sanang sabihin na medyo masakit pa ang lalamunan ko pero nung magsasalita ako...

Walang lumalabas sa bibig ko?

Hala! I think I lost my voice! T^T

"Ay oo nga pala, hindi ka muna makakapagsalita ng isang araw sigurado bukas meron na, naapektuhan kasi yung lalamunan mo dun sa kung ano man yung nalunok mo" Sinabi nya nung nakita nya na gulat na gulat ako dahil hindi ako makapag salita

"Ano nga ba yung nalunok mo?"

Nagkunwari nalang ako na hindi ko alam at itinaas ang balikat ko.. nakakahiya naman sa dami dami kong pwedeng malunok langaw pa! Hayy buhay!

"Pero swerte mo ha! Ang pogi nung nagdala sayo dito kanina" nakangisi nyang sinabi

Ngumiti nalang ako kasi alam ko yung nagdala saakin ay yung THE ONE ko.

*knock knock*

Pumasok si Kate sa loob. Hay salamat! Nakita ko na rin itong babaeng ito.

My NightingaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon