Chap 4: Big Fat liar
ANESCA'S POV
Lumakad kami ng malayo sa school. Nag taka nalang ako na binaba niya ako.
"I'm done, ang bigat mo, Pafeeling magaan. Bye na uuwi na ako" Sabi niya at pumunta sa ibang Daan, iniwan niya akong nakapayong dito sa tabi tabi. San ngaba ako?
Pero kanina talagaaaa... Ayos din pala mag fake to si Ashton eh. Tawagin ko kaya Ashie?
Ashie. hihihi
( -w-) pero di ko parin kaya ang ugali niya. Kanina sinabi niyang mabigat ako sabay takbo, inaasar ata ako nun eh kabwisit. Ba't ngaba ang daming nag kakagusto nun eh ang pangit naman ng ugali ng impaktong yun.
Kaninang lunch nga eh nauto ako sa ngiting Anghel niya. I can't wait na talaga bukas.
Tinawagan ko naman si papa para mag pasundo ako.
"Papa nasa harap ako ng Boss Cafe Tabi ng isang Seven eleven, Pasundo naman oh" Sabi ko sa kabilang linya.
[sure sure, on my way]
wwiiieee daddy's girl kaya ako. I have two dads, Si daddy Jacob at si daddy Alson. Pero im their Princess.
mga ilang minutong pag hintay, agad naman ako nasundo ni dad, di naman talaga ako mag papasundo kung di ako tamad mag lakad eh. Malapit lang kaya bahay namin, pero medyo lumayo kasi si Ashton pala hinatid ko kala ko ako yung hinatid niya, Langya.
-AT HOME-
Agad namin nasalubong si mama sa labas.
"mommy?" tanong ko.
"Anak may childhood friend na nag hihintay sayo" sabi ni mommy. Ngumit pa siya. Naexcite naman ako bigla kaya agad agad akong pumasok sa bahay. Baka si Juliet ang nag hihintay sakin.
(O___O)
"NEWBIE!?" sigaw ko.
"Teka ma, san si Juliet? nasa kwarto ko ba?" tanong ko sa mama ko. Hinahanap ko pa si Juliet.
"Anak ito ang childhood friend mo na sinasabi ko sayo" Sabi ni mama -_-
Childhood friend ko si Newbie? Di ko nga maalala yan eh.
"Ma, Childhood friend ko ba yan?" Tanong ko. Tumango naman si mama, tumingin ako kay dad at tumango din naman siya. Ba't sila naalala nila si Newbie tapos ako hindi?
"Hi Anesca please call me Keith nalang wag newbie. hehe" Sabi niya.
"Di kita naalala. Tsaka bat ka andito?" Tanong ko sakanya.
"Im your neighbor now" Sabi niya sabay turo sa bintana na kaharap naming bahay. Dyan na siya nakatira?
"That means... Sabay na talaga tayo pupuntang school, at ibabalik natin ang dati nating memories" sabi naman ni Newbie.
SABAY.... PAPUNTANG SCHOOL!!??
______________
-KINABUKASAN-
Maaga akong gumising para maaga na ako makapasok sa school. Tapos na ako mag bihis pero di pa ako kumain, Baka kasi matagalan pa ako tapos masasabayan ko si Newbie papuntang school. Tch.
Tinignan ko pa yung bintana kung bukas ba ang pinto nila ano baka kasi pumasok na din siya. Pero hindi sooo aalis na ako at mauuna. Weirrddd~
Binuksan ko yung pinto
at...
O_o)
"Right on time, mag do-door bell na sana ako. Tara school?" Sabi ni Newbie na sumulpot sa harap ko. What the...
"K fine" Sabi ko naman. Pumasok kami sa kotse niya, Umupo ako sa Front seat katabi siya. Tahimik lang siyang nag mamaneho.
_______
"Anesca, Sa Golden preschool kaba nag aral ng kinder?" Tanong niya sakin habang nag mamaneho.
"Oo bakit?"
"Wala" Sabi niya.
"De, ano nga?" Sabi ko, nakakacurious kaya, Siya alam niya na dun ako nag kinder eh di ko naman siya kilala.
"Mag kaklase kasi tayo." Sabi niya sakin. Nakangiti nga siya pero yung mata niya di gaanong masaya. Tahimik nalang kaming nakarating sa school. Agad ko naman nakita si Ashton, Bumaba kami sa kotse, at madaming Estudyanteng nakatingin, Sino ba naman ang di titingin sa Girlfriend ng isang King at Second pa ako sa rank.
Bumaba ako at agad ko inapproach si Ashton, ang weird kasi ng lalakeng Newbie na yun Sunod ng sunod, Sa school sinundan ako, pati ba naman bahay ko alam na alam niya. Stalker ko ata siya at di Childhood.
Kinuha ko yung Braso ni Ashton para masabi nung Newbie na may Bf na ako para iwasan ako nun pfft.
"Bye Newbie See you sa classroom" Sabi ko sabay lakad.
"Huhuhu Sige na pansamantala lang naman tong hawak hawak, ayng Newbie na yan sinusundan ako ang weird" bulong ko kay Ashton.
"Tch aga aga tapos mag papanggap na ako" Reklamo niya, dewaw.
"Wag kana mag reklamo, ang weird niya kasi sinusundan ako kahit saan" Sabi ko. Patuloy kami sa pag lakad.
"Aba aga aga nag lalandian na kayo? Wala pag september 15 ah? Bakit Queen naba ang girl para gumawa kayo ng kahit ano dito? NO DATING INSIDE THE CAMPUS!!!"
Waaaahh may teacher sa likod.
"Lagot, Anesca Arst, Pag ako nadetention, Ililibing kitang buhay, TANDAAN MO YAN" bulong niya niya, nakakatakot siya parang papatay na siya ng tao.
what to do Anesca? Ano na? Deads na deads na po talaga kami dito.

YOU ARE READING
My First Fake Love
Novela JuvenilYung minamalas ka dahil sa mga kalokohan mo, nakakabwisit eh no?