Chap3: Raising heart with matching bonus scene
ANESCA'S POV
Waaah inaantok ako, gutom na gutom pa ako. Ang boring talaga basta history ang pag uusapan gosh, di parin sila makamove on past is past na eh.
"Okay get your Notes at itake note ang nakasulat sa white board" Sabi ni sir. May isang lalake na pumasok at bumulong sa teacher. NakaTshirt na puti tapos pants. Newbie?
"Ah, may bago pala kayong classmate." sabi ni Sir, isang poging nilalang din tong lalakeng to, nakasumbrero pa, parang walang tiwala sa bubong. Si sir naman patuloy sa pag susulat.
"Ako nga pala si Keith Lim Reyes, 16 years of age From Elite Academy Of Makati" Sabi niya. Napahinto si sir sa pag sulat at humarap kay Newbie.
"From Elite? Ba't ka nag transfer? Sayang eh" sabi ni Sir.
Kaya nga sayang, napipili lang ang mga estudyante dun dapat matalino ka talaga, isa pa yung uniform nila parang gown. Ganda kaya dun.
"Kaya nga po eh, pero may hinahanap kasi ako dito kaya nag transfer ako" Sabi niya.
"Okay fine, Maupo kana sa tabi ni miss Villanueva Carson De Raizel" sabi ni sir sabay turo sakin. Waw buong apilyedo ko pa.
Tumabi sakin si Newbie. At si sir naman patuloy sa pag lakad.
"Anesca right?" Sabi ng katabi ko, si Newbie madaldal pala to.
"Right, pano mo alam ang pangalan ko?" sabi ko sakanya.
"Secret, geh makinig kana baka mamaya mazero kapa" sabi niya. Yumuko siya sa desk niya at Natulog, Galing ba talaga to Elite Academy? Or baka nga nakick out, di man lang nag susulat.
"I'll give you 5 minutes to review, we will be having a short quiz" Sabi ni sir at lumabas, 5 Mins!? simple lang naman to imememorize mo lang pero bakit..ang dami, huhuhu. Aasa nalang ako sa stock knowledge ko. Tsaka may karamay naman ako, itong si newbie.
"Okay get 1 half crosswise" Sabi ni sir.
"Luh! Di pa nga ako nakapag review ng maayos!"
Ay sheeems! napasigaw ako!! di ko namalayan. Ang tanga tanga ko.
"Anesca nag rereklamo ka?" Sabi ni sir. edi waw.
"di po" Sabi ko. Hmp k. Kakayanin ko nalang.
"Huy gising, may quiz" sabi ko sakanya. Nagising naman siya. Binigyan ko siya ng 1 half crosswise, nag pasalamat naman siya.
-AFTER QUIZ-
Exchange paper~
Teka...
BAT SAKANYA MADAMING SAGOT!? SAKIN 7 OUT OF 10 LANG SAGOT KO TAPOS DI KO PA ALAM KUNG TAMA BA YUN! LANGYA ANG UNFAIR!
-RESULTS-
5/10 lang ako, WHILE ANG KATABI KO PERFECT. Bakit ganun =__=?
Nakakahiya siya pa nag check ng papel ko. Okay di na ako mag jujudge. Genius tong katabi ko.
And next math.
"Guys, Pakisabi nalang sa teacher na nasa clinic ako, masama pakiramdam ko" Sabi ko.
"Geh po" -classmates. Di naman talaga masama pakiramdam ko, Gusto ko lang tumakas sa math, Nakakasakit ulo yun table of contents palang mamamatay kana. Sabagay last subject na.
Lumabas ako at pumuntang clinic, wala ang campus nurse sooo, yey.
Pasok, Higa, Tulog
ZZzzz
__________
ASHTON'S POV
*RING*
Finally uwian na. Makakauwi na ako at mag lalaro ng ps4. Tapos kakain at mag papahinga. Teka...
Si Maid pala.
Pumunta ako ng first section. Paano ko nalaman section niya? well, tinignan ko ang Campus royalties details. First Section si maid, aba masipag.
"Oi first prince" sabi ng isang babae at lumapit sakin, Nag fifeeling close amp. Di ko naman to naalala.
"Remember me? first Princess ako do you remember?" sabi niya. Uhmm, di ko siya naalala.
"Ah...yeah right? so san si Anesca?" sabi ko sabay tingin sa loob ng classroom. Wala siya. Aba pinapahanap talaga ako nun.
"Nasa clinic, Masama pakiramdam niya, ito bag niya oh" Sagot ng babae sabay hagis sakin ang bag ng babaeng yun. Agad ko siyang tinalikuran at umalis papuntang clinic. Nakita ko si Anesca nakahiga sa kama, tulog.
Hinawakan ko yung noo niya, di naman mainit. Tsk.
"hoy gising" sabay sipa sa higaan niya. Agad naman namulat yung mata niya.
"uwian na GIRLFRIEND" sabi ko sakanya. Tumayo naman siya. Hinagis ko sakanya ang bag niya.
"Ahihihi sabay pala tayo uuwi?" sabi niya at ngumisi. May panis na lawas pa siya sa gilid ng bibig niya. Gusto ko tumawa pero baka mahahalata niya na may ano sa mukha niya.
"uhm anoo pooo pala name mo?" Sabi niya. Di ko siya sinagot, grabe ako ang king pero bat di niya ako kilala? =__=
*poke poke poke*
"Can you stop it?" Sabi ko sakanya ayaw niya tumigil sa pag poke sakin. Weird.
*still poking*
"Okay fine,my name is Ashton Jay Alvarez. Happy now?" Sabi ko at patuloy na sa pag lakad. Tumango lang siya at ngumiti.
Lumabas kami sa clinic, sabay narin ang pag buhos ng ulan. Seriously could this day get any worst? Nakakuha pa ako ng pathetic 'girlfriend'
"Oh Hello Anesca ano yang nasa gilid ng bibig mo?" sabi ng isang babae na pinapaypay sarili niya.
"Huh?" sabi ni Anesca at tumingin sakin, tama nga yung sinabi niya na minamaliit sa ng mga ito.
kumuha ako ng panyo at pinunasan ang panis na laway niya, nag smile at ni Anesca. Yung babae naman tumaray at tumalikod na. Aba masaya to ah.
Continue kami sa pag lakad. Dun kami pumunta sa lobby.
"hoi maid, sino ba yung kanina?" bulong ko sakanya.
"si amber the third" sabi niya naman. Ahh okay.
"Pano ba yan Anesca, umuulan? May sakit ka pa naman bawal ka mabasa. Hahayst buti nalang darating ang boyfriend ko dala car niya" Sabi ng isang babae. Bumulong ako kay anesca.
"Sino naman yan?" tanong ko.
"bella the 4th. Di mo ba talaga sila kilala or ginugulo mo lang ako?" tanong niya naman sakin.
"Sino sabi na mababasa siya?" sabi ko naman, kumuha ako ng payong na puti malaki naman so mag kakasya kami ni Anesca neto.
"piggy back ride" Sabi ko sakanya.
-ANESCA'S POV-
"H-huh?" tanong ko. P-piggy back ride?
Ginawa ko nalang yung sinabi niya. Gusto ko mag revenge, minamaliit pala nila ako ah.
Sumakay ako sa likod niya. Nag simula na siyang tumayo.
"Cars? oh that's good FOR YOU. But i like long Romantic walks. So that we could talk more" Sabi naman ni Ashton.
YOU ARE READING
My First Fake Love
Novela JuvenilYung minamalas ka dahil sa mga kalokohan mo, nakakabwisit eh no?