ANESCA's POV
Nag hintay ako sa place kung saan sinabi ni Ashton na dun daw ako maghintay, ang ganda ng cocktail na napili ko, tas mamahaling jewellery pa binili ko para sa kapatid niya tch! Nakaheels pa naman ako kanina pako kakatayo dito langya talaga.
"Kuya guard! Bawal ba talaga ako pumasok? Tignan mo yung mga ulap uulan na mamaya" sabi ko pero di nila ako pinapakinggan. Hayst exclusive ba talaga tong hotel sa kapatid niya!? Ba't ba kasi di niya ako binigyan ng yung entrance letter ganun! Or invitation!
Nag simula ng umambon, pero di parin ako umalis sa pwestong ito, pinag kakatiwalaan ko si Ash na susunduin niya ako dito, kasi baka pag umalis ako dito tapos siya na naman mag hihintay, magagalit na naman sakin yun.
CRAY's POV
Suot ko ang magandang sky blue cocktail, at hawak ang isang braso ni Ashton at ang regalo para sa kanyang kapatid. Pumasok na kami sa Ball at tinitignan kami ng mga babae doon, lumapit naman sakin ang isang matandang babae na may konting kamukha ni Ash.
"Anak? Ito na ba ang the one mo?" Tanong ng kanyang mama. Gusto ko tumawa sa saya! Ako ay ipapakilala niya bilang jowa dahil wala ang thirdwheel na yun!!
Everything is planned out soo well!
"Hindi"
Napalingon ako kay Ashton. Bakit hindi?
"Hindi, kasi nag kasakit po ang aking mahal at di niya kayang pumunta rito" sabi ni Ash. FUCK! Noo!!! Nooo!!! Why Ashton!?
"Pwes! Ikaw ihja! Hindi ako papayag na muli mong hawakan ng basta basta ang braso ng aking anak! Wala ka sa pwesto para gawin iyon! Nag kakaintindihan ba tayo!?" Sabi niya at pinalo ng pamaypay ang kamay ko, bwisit na matanda to!!!
Why did you lie Ashton!?
"Why ash?" Tanong ko.
"Yan naman mga gusto niyo, ipagmalaki ako bilang boyfriend niyo. Akala mo di ko malalaman ang-" naputol ang sinabi niya ng biglang may sumulpot ng dalagita. Putang ina nakikisinggit pa eh!
"Ohh hi is this for me?" Tanong ng dalagita at binuksan ang gift na para sa kapatid ni ashton, wait siya ba ang kapatid ni ashton!? Oh no!! Pambatang damit ang binili ko!!!
Nag simulang tumawa ang crowds simula noong nakita nila ang regalo ko para sakanya. Siya ang pinag tatawanan kasi nakarecieved siya ng di maayos na regalo,
"You bitch! You're making fun of me ha!?" Sabi niya, nakarandam nalang ako ng isang sampal galing sa kanya, huminto lahat sa kakatawa at iniba ang mga topic. Ayaw din kasi nilang maganun sila.
"And i hate blue!" Sabi ng babae.
"Ito ashley oh damit para sayo" sabi ni Ashton, fuck maling mali lahat!!! Putang ina!!
"Thanks kuya, and is this your girlfriend?" tanong ni Ashley. Agad naman sinabi ni Ashton na hindi. Hinarap ako ng ashley.
"Girl, lubayan mo si kuya, i need the real girlfriend not you" Sabi niya.
KEITH'S POV
Papasok na sana ako sa isang hotel kaso nakita ko si Anesca sa labas ng hotel basang basa sa ulan.
" Pa, una na kayo sa loob. I need to take care of this woman" Sabi ko sakanya saka siya nag patuloy pumasok sa loob ng hotel. kinuha ko ang kamay ni Anesca at pinasok siya sa kotse.
"n-no...nag hihintay si Ash" sabi niya ng mahinang boses. Ashton, bwisit ka talaga. ginawa mo to sa isang kaibigan mo kala niya ba matutuwa ako!?
"shut up, basang basa ka na nga tapos hihintayin mo parin siya? Andito na nga ako diba? di mo ba nakikita halaga ko? Tara na nag papakatanga ka dito Anesca" Sabi niya. Napayuko siya at tumango. Damn, i hate seeing her like this.
Dinala ko siya sa bahay ko, malapit lang naman bahay niya sa bahay ko eh pero dito ko siya pinasok kasi alam kong concern ang mga magulang niya sakanya at mag tatanong yun at mag kakaroon na naman ng gulo. Di talaga magiging maganda ang resulta.
Agad ko pinahiga ang walang malay na Anesca. Tang ina pano ko ba to hubarin damit niya? Si aleng nalang kaya.
"Aleng, pwede mopo ba bihisan kaibigan ko? nabasa kasi sa ulan at ngayon nawalan ng malay" Sabi ko sa maid ko. Tumango naman siya at pumasok sa kwarto. Lumabas na ako at nag luto ng makakain. gusto ko kasi ako mag luto. ang maid namin dito puro linis lang ang ginagawa, kaya niya naman mag luto pag gusto ko.
"Sir tapos na po" Sabi niya saka lumabas sa kwarto. nag luto parin ako ng adobong manok. Magugustohan kaya to ni Anesca?
"sir mama mo po tumawag sa phone" Sabi ni aleng at binigay sakin ang phone.
[Anak, musta? nakita mo na ba ang fiancee mo?]
"Opo ma, pero mukhang mahirap ata eh kasi may mahal na siyang iba." Sabi ko.
[why? diba siya ang childhood mo dati? anyare ngayon?]
"ma, we both got into an accident. at siguro nakalimutan niya na ako" Sabi ko kay mama.
[ahh kaya pala, then just wait para maalala niya okay?]
"geh po bye muna. nag luluto kasi ako eh" Sabi ko sabay end ng call. Tinapos ko na yung luto ko at pumasok sa loob. Kawawa naman si Anesca, ano ba kasi pinuntahan niya dun sa hotel?
YOU ARE READING
My First Fake Love
Ficção AdolescenteYung minamalas ka dahil sa mga kalokohan mo, nakakabwisit eh no?