ANESCA'S POV
I kennat, i think mag papalibing nalang ako?
"Magandang araw po, Ang dami mo pong dala ma'am. Ashton tulungan natin di Ma'am" Sabi ko sabay kuha sa mga books niya. Kumuha din si Ashton pero Tatlo lang kinuha niya sakin lima. Waaw ha. San ba ang pag ka gentleman ng lalakeng to?
"Ang babait niyo naman, buti may mga bata pang mabait ngayong panahon, Oh bakit konti lang bit bit ng boyfriend mo at madami sayo?" Tanong ni ma'am.
"Di niya po ako bo-" -Ashton.
"Sabi niya po di niya kaya mag bitbit ng marami kasi naaksidente po siya, Naano po kamay niya pero okay na. ahahaha..." Singit ko. Buti nalang di niya nabuga, madami pa namang mga Estudyante dito.
"Ganun ba? salamat ha? tara faculty room" Sabi ni ma'am.
F-faculty Room? B-bakit? Made-detention ako, tapos mag huhukay pa ng lupa para malibing sarili ko. Di pa ako nadetention... Nakakahiya kung ganun huhuhu. Nafefeel ko na ang Aura ni Ashton, kumakalat, Parang nasa horror ako na may katabing ano..
-AT THE FACULTY-
"Okay, ilagay niyo nalang dito ang mga book sa table. Salamat ulit. pwede na kayong umalis" Sabi ni ma'am. Yes! Di ako madedetention at di rin ako mag huhukay ng lupa, WAHAHAHAHA
pero...
"Sorry, Geh bye na! Di ako malilibing ng buhay diba? Geh byeeee" Sigaw ko sakanya sabay takbo.
Classroom finally.
"ANESCA!" Sigaw ni Amber. Galit na galit yung mukha niya.
"Porket Boyfriend mo na si king, minamaliit mo na kami!? Hmp!!" Sabi niya.
"Not now Amber, pagod ako" Sabi ko sakanya" Hiniga ko yung ulo ko sa desk at pinikit ang mata ko. Parang ayaw ko na pumasok. nakakatakot pag nakalaman nila na di ko naman pala tunay na boyfriend si ashie beshie. Not really Beshie hayop yun eh.
Hayop yun, ilibing ba naman ako ng buhay pssh.
Gusto ko matulog~
May Ashton na akong pinoproblema dumadagdag din yung Weird na Newbie.
Binuksan ko yung mata ko at nakita si Newbie sa harap ko na nakatitig sakin. Weiiirdddd. Kanina wala pa siya tapos ngayon nasa harap ko na. Parang may teleport powers tong lalakeng to.
Nilingon ko yung ulo ko sa ibang direksyon, ang weird kasi eh.
Di ko naman siya maalala, Naaksidente naman kasi ako dati, nahulog ako sa Hagdan. Taspos muntik na matigok.
"Goodmorning Students, mag tuturo ako ng maaga ngayon kasi mamaya mag meeting kami About sa homecoming. So right i'll be teaching you Science" Sabi ni sir bigote. Bakla siya pero may bigote, di niya pinapatanggal.
Aga aga buti pa yung iba di nag kaklase. Bat kasi kailangan maaga? Dapat nag bigay nalang sila ng student teacher dito.
Tinignan ko yung classroom na gilid ng classroom namin. Nakita ko sa loob si Ashton. Sapphire Section pala, which is last section. Ba't pa kaya siya naging king kung ganun? Tch.
"Huy kanina kapa tinitignan ni sir" Sabi ni Newbie. Agad ako umupo ng maayos at nakinig kay sir.
-LUNCH TIME-
11:35 A.M Jusko nag extra time pa sir, Nag hintay tuloy si Ashton sa bandang pinto ng room namin. Di nakinig ang mga students kundi, tumutuk lang kay Ashton. Psh mga desperada ng mga babaeng to. Sakin lang si Ashton. hahaha sakin daw.
"Class dismiss"-sir
"HAY SALAMAT"-students.
Nag silabasan naman ang iba para lumapit kay Ashton.
"Ashton kumain ka naba?"-girl 1
"Ashton tara sabay tayo mag lunch"-girl 2
"Ashton wag ka sumama sakanya, Tara lunch tayo libre ko"-girl 3
"DESPERADA LANG!?"-girls 1 and 2
Jusko pinag aawayan pa ang 'Boyfriend' ko. Tch.
"Excuse me nga" Sabi ko sabay bangga sa mga girls. Basta Campus princess ka, kayang kaya mo umaway. Agad ako lumapit kay Ashton at kinuha ang Braso niya. Nag lakad kami papunta sa Cafeteria
"Thanks for saving me earlier but could you please be a little bit nicer to them?" Sabi niya. WWAAAW nicer, eh bat sakin demonyo tong lalakeng to!?
"HMP! k fine" Sabi ko sakanya at patuloy parin sa pag lalakad.
Tumingin ako sa phone ko at pumunta sa website ng Amherst Univ.
Nadagdagan ang votes ko. Anyare?
"OMAYGASH THANKYOU ASHTON!!!!" Sabi ko sabay talon sakanya with mahigpit yakap. Nashock naman siya. Tinutulak niya ako papalayo.
"Seriously? Don't hug ikaw ata ang dahilan kung bat mamamatay ang tao eh" Sabi niya.
"Arte mo naman, Nag thank you lang ako dahil pumayag ka at nag kalat sa buong campus na we're dating" Sabi ko sakanya. Bumulong ako sakanya.
"Thank you dahil tumaas ang Rank ko" Bulong ko sakanya. Sabay umuna ng lakad.
"So does that mean na, Pag naging Queen kana, Mag bebreak na tayo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Tumalikod ako sakanya. Sabay hampas ng malakas na Hangin, ubod ng katahimikan ang bumalot saming dalawa.
YOU ARE READING
My First Fake Love
Ficțiune adolescențiYung minamalas ka dahil sa mga kalokohan mo, nakakabwisit eh no?