Day 6:
Pain is not permanent.
-----
Hindi na ko nakatulog ng maayos kakaisip ng kung ano ano. I'll miss Ark thats for sure. Ive never been this happy before. In 5 days nainlove na agad ako sakaniya? Thats impossible right? Pero i admit, I really like him. I trust him and whatever happens its God's plan and i know he wont let me down.
Ngayon lang ako magiimpake kasi anong oras narin kami nagpaalamanan ni Ark. Ayaw niya pa nga bitawan ang kamay ko eh. Kung hawak ko lang ang oras pinatigil ko na para kahit gano kami katagal magkasama ok lang.
Sabi niya sakin kagabi wag daw ako magbababye sakaniya ayaw niya daw ng ganon. Well mayaman naman siya at any time kaya niya pumunta ng pilipinas kaya lang busy rin siya sa trabaho. Sana lang talaga magkita ulit kami.
Its almost 2pm kaylangan ko na mag check out at pumunta ng airport. This is it aalis na talaga ako.
Babalik ulit ako dito next time.
Gusto sana akong ihatid ni Ark papuntang airport pero hiling ko sakaniya na wag magpakita sakin ngayon aalis na ko baka suwayin ko kasi si dad at hindi ako umuwi ngayon x.x
Dala dala ko na ang gamit ko at tinulungan ako ng isang service boy na ilagay ito sa isang sasakyan ng hotel na maghahatid sakin sa airport. I took one last glare at the hotel at nakita ko garden house sa taas. May bigla akong naalala.
"I...i forgot something ill be back" Sabi ko sa driver ng sasakyan at tumango naman ito.
Agad agad akong pumunta sa garden house. Sana nandon siya. Alam ko mahirap na makita siya ngayon pero i wanna see him one last time. Who knows kung kelan ulit kami magkikita pagkauwi ko diba? Hayy...
Pagbukas ko ng garden house nalungkot ako sa nakita ko. Wala siya dito..
"Malalate ka na sa flight mo"
Napangiti ako sa narinig ko. Alam ko na kung kaninong boses yon kaya hinanap ko kung saan siya at nakita ko siya na nasa likod ko. Nakangiti siya sakin at napangiti rin ako.
"Hi" Lang ang nasabi ko. Masaya ako na makita siy ngayon nakalimutan ko na yung lungkot na nararamdaman ko.
"Hey..bakit nandito ka pa?" Tanong niya sakin. Masaya parin ang ekpresyon ng muka niya.
"I was just hoping na nandito ka. Gusto ko sana makita ka bago ako umalis" Paliwanag ko at pagtapos kong magsalita hinila niya ko palapit sakaniya at niyakap niya ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko para bang sasabog. Masaya ako na sa loob ng ilang araw nakasama ko ang dream guy ko. I see Ark as my dream guy. Para sakin nasa kaniya na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki at sobra sobra pa yata hehe. Niyakap ko rin siya ng mahigpit hindi ko alam kung kelan ko siya ulit makikita pero hindi ako susuko i know someday magkikita ulit kami. Tsaka maunlad na ngayon ang panahon. May skype, Viber at facebook na kahit kelan makakausap ko parin naman siya. Pero iba parin talaga pag nakakasama mo.
"Take care ok?" Bulong niya sakin. Hindi parin siya bumibitaw sa pagkakayakap.
"Sa susunod na magkita tayo....liligawan na kita" Namula ako sa sinabi niya. Gosh! Kilig!! Medyo natawa ako in a good way sa sinabi niya.
Masaya ako sa sinabi niya. Una binigyan niy ko ng hope na magkikita pa kami ulit. Pangalawa sabi niya liligawan na niya ko pagnagkita kami ulit! Sino bang hindi matutuwa na sabihan ka ng taong gusto mo ng ganon diba?
"May chance ba ko kung ligawan kita?" Tanong niya. Syempre meron. Dream guy ko kaya siya.
"Oo naman. Just promise me one thing." Bumitaw ako sa pagkakayakap at humarap sakaniya.
"Magkikita ulit tayo ha?" Sabi ko at napangiti siya sa tanong ko. May isa pa kong napansin....NAGBLUSH SIYA!! napaka inosente ng lalaking to.
"Syempre naman liligawan pa nga kita ehh" Parehas kaming tumawa.
Hinawi niya ang buhok ko at pinalikod ito sa tenga ko then hinawakan niya ang pisngi ko. Nakatitig ako sa mga mata niya at ganun rin siya sakin. Unti unti siyang lumapit at pinikit ang mga mata niya. Pinikit ko rin ang mga mata ko. Ilang saglit pa ay naramdaman ko nanaman ang malalambot niyang labi. Mainit at malambot ito. Mabagal ang paghalik niya ramdam ko ang pagmamahal niya sa halik niya sakin. Pagtapos niya kong halikan niyakap niya ulit ako.
May mga bagay talaga na hindi natin ineexpect. Kahit nakakagulat nakakatuwa parin. Sabi ko tatawagan ko siya pagkadating ko ng pilipinas. Tumango lang siya at ngumiti ulit. Magkakahiwalay man kami ngayon masaya parin ako dahil alam ko magkikita pa kami.
-----
Nang nakasakay na ko sa eroplano kinuha ko ang phone ko para ilagay ito sa airplane mode. May nakita akong isang text galing kay Ark.
From: Ark.
I hope to see you soon. Magiingat ka. ill pray for your safety. Ill wait for your call ok? Kahit anong oras tumawag kasasagutin ko agad. Ngayon palang namimiss na kita. Mag iingat ka jan ha. ...
.
.
I Love you :)----
Magrereply sana ako pero sinabihan na ko ng flight attendant na patayin na ang phone dahil magtetake off na. This is the first time na sabihin niya sakin yon. I Love You... His words makes my heart warm and soft. Im so lucky i met him. Thank you God dahil pinagtagpo niyo kami. Kayo na po bahala samin.
BINABASA MO ANG
A Trip to Paris. [Complete]
Teen FictionLove, darating yan sayo ng hindi mo nalalaman, hindi mo alam saan, hindi mo alam kelan at sino. Sabi nila "you'll find true love in Paris". Tulad rin ako ng iba sainyo na naghahanap ng true love. Nasaktan rin kasi ako. Akala ko wala nang true love...