Day 5:
If days were mine, i'd turn them into seconds, so i could spend a life time with you.
---------
I don't know where to start. Everything is so perfect to the point na nakakatakot na. Alam niyo naman kasi ang buhay, Pagtapos ng lungkot, saya. Pagtapos ng saya, lungkot. Thinking about it is just..unexplainable -_-
Pagtapos niya kong halikan nginitian niya lang ako. Medyo natawa pa kami. I Still remember his words. Sobrang sapul yung puso ko men! Hindi ko inexpect eh. sabi niya..
Hindi ko maexplain pero feeling ko nagugustuhan na kita, Ang bilis ng pangyayari kaya kahit ako naguguluhan eh.
Gusto ko lang na makasama ka lagi kasi i've never been this happy before.
You give me this feeling, Yung lagi kitang hinahanap hanap lagi kitang iniisip.
Ewan ko ba pero...
I think i like you...
Nang marinig ko yon sakaniya pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap kasama ang mga anghel! Ang sarap pakinggan. Punong puno ng saya yung buong kaluluwa ko. Nakakagulat kasi ang bilis nga naman ng pangyayari diba? Kaya napagusapan namin na wag kami magrush sa mga bagay bagay.
Umamin narin naman ako hehe.. Totoo naman na medyo nagkakagusto narin ako sakaniya. Whats not to like? Gentleman, Mabait, Masipag, Matalino, May trabaho, Magalang, Matulungin at honest pa siya. Alam ko in reality hindi mo talaga makikilala ng husto ang isang tao sa maikling panahon pero lets just let God do his plans. Maybe Ark is a blessing, or maybe a lesson. Hindi natin malalaman kung hindi susubukan diba?
-----
Ngayon niyaya ako ni Ark pumunta sa Love Lock bridge. Sikat daw ang lugar na yon at talagang dinadayo ng mga turista. Narinig ko na ang lugar na yon sa mga kaibigan ko, Yun yung bridge kung saan libo libong magkasintahan ang pumupunta taon taon para lang maglagay ng 'promise lock' nila. Sa isang padlock isusulat mo ang pangalan mo at pangalan ng taong mahal mo at ilolock mo yon sa kahit saang bahagi ng fence ng bridge.
Madami akong nakikitang picture non sa tumblr, twitter or kahit sa instagram. Maraming naniniwala na pag naglagay kayo doon ay tatagal ang pagsasama niyo. Wala naman mawawala kung maniniwala diba? Ang sweet nga kasi ang daming naniniwala, makikita yon kasi sobrang daming lock na ang nakalagay doon.
It's almost 3pm, kaya i have to get ready na anytime susunduin na niya ko. Naligo at nagayos na ko ng sarili ko at sakto pagtapos ko dumating na siya.
"Let's go?" Ngumiti siya sakin, Iba na yung ngiti niya. Makikita mong masaya talaga siya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/16163102-288-k941855.jpg)
BINABASA MO ANG
A Trip to Paris. [Complete]
Teen FictionLove, darating yan sayo ng hindi mo nalalaman, hindi mo alam saan, hindi mo alam kelan at sino. Sabi nila "you'll find true love in Paris". Tulad rin ako ng iba sainyo na naghahanap ng true love. Nasaktan rin kasi ako. Akala ko wala nang true love...