[a/n: Hello guys! Sana mas dumami ang reads and votes nito :) Please Vote for my other stories too :) Follow niyo rin po ako :) Thank you po sa mga nagbasa ^^ ]
Bonus Chapter/ Epilouge.
Kung siya talaga ang nakatakda sayo kahit anong mangyari kayo at kayo parin sa huli.
--------
Mahigit isang taon na ang nakakalipas nang huli kaming magkita. Hindi narin kami masyadong naguusap dahil busy siya sa trabaho at ako naman busy rin sa pagtulong sa kumpanya namin, malapit na rin kasi ipaubaya ni dad samin ni kuya ang kumpanya kaya tinutulungan ko na sila ngayon palang para naman malaman ko na ang pasikot sikot sa business namin.
Nakakalungkot kasi bakit parang hindi nakisama ang tadhana samin ni Ark. Siguro nga totoo yung what happens in France stays in France.
Gaya ng sabi ko dati babalik ako ng Paris. December na kaya naisipan kong mag pasko sa France. Pumayag naman si kuya at daddy. Dalawang araw na ko dito sa France. Sakto gusto ko makaranas ng snow at ngayon winter dito.
Naisipan kong magpakabaliw at lumabas hehe ang lamig lamig kaya nababaliw na talaga ako hehe. Naglakad lakad ako sa streets ng France. Maraming christmas lights at iba pang dekorasyon pang pasko.
This streets reminds me of Ark. Hanggang ngayon mahal ko parin siya at umaasa parin ako natutupadin niya ang sinabi niya sakin noon. Wala naman masama diba at wala rin naman mawawala kung maniniwala ako sakaniya. Kaya lang pwede rin naman mangyari na umasa lang ako sa wala.
But..ill take that risk. Wala namang Tanga sa pagibig eh mahaba lang talaga ang pasensya at malaki ang tiwala natin sa taong mahal natin.
May nakita akong isang bata na umiiyak at mukang nawawala siya. Agad ko siyang nilapitan kawawa naman ehh.
"Êtes-vous d'accord? pourquoi pleures-tu?" (are you alright? why are you crying?) Umupo ako sa harap ng bata para makita ko ng mabuti ang muka niya. Kinuha ko rin ang panyo ko at pinunasan ang luha niya.
"Je ne peux pas trouver mon vieux frère" (i can't find my old brother) Sagot niya sakin habang patuloy na umiiyak.
"Je vais vous aider à trouver votre frère" (I'll help you find your brother) Nginitian ko siya at pinunasan ang luha niya. Tumango naman siya at humawak sa kamay ko.
Naglakad lakad kami at naghahanap ng pwedeng mapagtanungan at mahingian ng tulong. Hanggang sa..
"Leo!" Isang boses ng lalaki ang sumigaw at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sabay kami ng bata na napatingin sa likod namin at nagulat ako sa nakita ko.
Tumakbo ang bata papunta sa lalaki at niyakap siya nito. Hinaplos ng lalaki ang muka ng bata at parang tinanong kung ayos lang ba siya. Hindi ko masyado marinig ang usapan nila dahil sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan kaya nakatingin lang ako sakanila.
Bigla akong tinuro ng bata kaya napatingin sakin ang lalaki. Nakita ko sa mga mata niya ang gulat. Medyo naluluha na ko hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo ang lalaki at hinawakan ang bata sa kamay at sabay silang lumapit sakin.
"We meet again" He smiled at me at ganun rin ako.
"Yeah...nice to see you again" Medyo naluluha na ko, magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko.
"Everytime i see you its always like this. Unexpected" Hindi ko na napigilan ang luha ko tuluyan nang tumulo ito at napayuko nalang ako para punasan ang luha ko. Nakakahiya naman kasi.
"Don't cry. I Missed you" Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya at doon na nagsimulang bumuhos ang luha ko. Hindi ako nasasaktan o kung ano man. Sobrang saya ko lang na nakita ko siya. This is Fate. Thank you God.
"I missed you too" Bulong ko sakaniya at mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sakin.
Matapos namin magkita hinawakan niya ang kamay ko at hinatid namin sa isang restaurant ang bata. Nalaman kong nandoon ang pamilya niya. Sinama niya ko sa restaurant at pinakilala sa pamilya niya. Sabi niya sa family niya soon to be girlfriend daw niya ko haha! ang sweet. Siya parin ang lalaking nakilala ko noon walang pinagbago.
Matapos namin mag dinner kasama ang pamilya niya naglakad lakad ulit kami at nakarating kami sa isang maliit bridge papunta sa hotel kung saan ako nagiistay. Hinatid niya kasi ako. sweet diba?.
"Naalala mo pa yung sinabi ko dati sayo?" Tanong niya at tumigil kami sa paglalakad.
"Oo naman naaalala ko pa" Ngumiti ako at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Do you still love me? kasi ako hanggang ngayon mahal parin kita, sorry kung minsan hindi kita nakakausap busy lang talaga pero alam mo naman na lahat ginagawa ko makausap lang kita diba" Tinignan niya ko sa mata at makikita mo talaga ang sensiridad ng mga sinasabi niya.
"Ano ka ba wag mo alalahanin yon. Ang importante mahal kita at ganun ka rin"
"Im glad to hear that."
"Me too.."
"Can you be my girlfriend?" Lumuhod pa siya at nilahad ang kamay niya sakin, Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko na mapigilan ang ngiti ko na abot tenga na. Pakiramdam ko sobrang namumula na ko.
"yes! i thought you never ask!" Hinawakan ko ang kamay niya at tumayo siya. Niyakap niya ko ng mahigpit.
"i love you so much Audrey."
"i love you too Ark."
We are on this scene like in the movies that the guy slowly moves toward the girl and kisses him. This is what i dreamed of. i really love this guy. I really love you Ark. Sana makisama ulit ang tadhana samin at gawing panghabang buhay ang relasyon namin. I will do anything and everything i can to make him happy. It is true. You can find true love in Paris.
-the end-
BINABASA MO ANG
A Trip to Paris. [Complete]
Teen FictionLove, darating yan sayo ng hindi mo nalalaman, hindi mo alam saan, hindi mo alam kelan at sino. Sabi nila "you'll find true love in Paris". Tulad rin ako ng iba sainyo na naghahanap ng true love. Nasaktan rin kasi ako. Akala ko wala nang true love...