Day 3

4.1K 81 0
                                    

Day 3:

"Love him for what he is now not who he is in the past"

----------

"So bakit ayaw mo mag stay sa condo mo?" i asked.

"May memories kasi ako na gusto kong makalimutan" He answered then he took a sip from his milk shake.

Nandito kami sa park. Talking about our past relationships and how we survived. Nalaman kong siya pala yung lalaking sinampal sa airport nung umagang dumating ako dito. Kaya pala siya sinampal kasi nag back out siya sa wedding nila.

"Ganun ba. Sobrang laki ba ng kasalanang ginawa niya dahilan para mag back out ka sa kasal niyo?" Tanong ko sakaniya at umayos ako ng upo at humarap sakaniya. He looks sad but he's trying to move on. Mahirap mag move on alam naman natin lahat yon.

"Whats worst than cheating with your best man" nagulat ako sa sinabi niya teary na ang mata niya pero ngumiti parin siya sakin. Sobrang sakin siguro ng nararamdaman niya ngayon.

"Ano yon yung best man mo naging sila?" Tanong ko gusto ko rin naman kasi malaman pero kung hindi niya naman sasabihin ok lang i respect his privacy naman.

"Parang ganon. Jacob is my best friend. Kaibigan din siya ni Diane. Siya ang nagpakilala sakin kay Diane kasi friends sila since college at parehas sila na dito sa France nakatira." sagot niya sakin at nakahiga parin sa kumot na nakalatag sa damuhan. Hindi niya ko tinitignan habang nagkukwento siya.

"Anong nangyari? sorry if i ask too much hindi mo naman kaylangan ikwento lahat sakin, well kung gusto mo lang" tumingin ako sa ibang direksyon. Nakakahiya kasi hehe sabihin ang tsismosa ko naman.

Ngumiti muna siya bago ulit magsalita. Bago lang pala yung nangyari sakaniya pero hindi halaa sakaniya na may ganung pangyayari. Para ang masaya lang siya tapos yun pala sobrang sakit ng nangyari sakaniya. Kung ibang lalaki siguro yun baka nagpapakalunod na sa alak yun o kaya nagmumukmok sa kwarto pero si Ark ang tapang niya nakakangiti pasiya.

"Actually, Kaya nga gusto kong kasama ka kasi napapatawa mo ko. At totoo yung sinasabi nila na laughter is the best medicine" Sagot niya sakin at ngumiti ulit. Bakit nonestop ang pagngiti niya kahit ganun yung nangyari? Pero kinilig ako sa sinabi niya hehehe.

"Ang nangyari kasi, 2Months ko nang alam na may relasyon sila ni Jacob kaya medyo nakapag unwind na ko nung nalaman ko. 10 Months na kaming engage at hinihintay nalang namin mag september para magpakasal." Kwento niya sakin. ah kaya naman pala nakakangiti na siya medyo nakamove on na pala. Tahimik lang ako habang nag kukwento siya.

"Kaya lang nang malaman ko noon na sila at nagsasama sila naisipan ko na makipaghiwalay sakaniya ng harapan. Hindi ko sinabi na alam ko na may relasyon sila, ang sinabi ko lang aatras ako sa kasal namin. Hindi ko alam anong dahilan niya bakit gusto niya pang ikasal sakin kahit may relasyon sila ni Jacob." Hinawakan niya ang labi niya at para bang nagiisip.

"Hindi mo sinabi? Malay ko misunderstanding lang pala? Malay mo wala talaga silang relasyon kaya gusto pa niyang ikasal sayo" Tanong ko. Hindi niya sinabi baka misunderstanding lang pala side niya lang ang alam niya hindi yung side nung babae.

"Imposible yon. 2Months ko silang pinaimbestigahan sa private investigator ko at lahat ng report sakin talagang hindi mo aakalain. Nung una ayaw ko pa maniwala pero nung parents niya na mismo ang nagsumbong sakin dun na ko naniwala. umiyak pa yung dad niya sakin sobrang humihingi ng tawad. Sabi ko nalang wag nila sabihin kay Diane na alam na namin. Ano pa bang makukuha ko kung sabihin ko sakaniya? Sasabihan niya pa ko ng mga kasinungalingan. Yung pag tira lang ni Jacob sa condo namin dahilan na yon para iwan siya kasi di niya naman sinabi na nakatira si Jacob sa condo namin eh" Kwento niya. So yun pala dahilan bakit ayaw niya tumira don. Pero grabe yung babae ah si Ark nagpundar ng condo na yon tapos nagawa niya pang iuwi yung lalaki niya. Grabe ano bang problema niya kay Ark? He is perfect! hayy nga babae talaga ngayon.

"So yun pala ang dahilan bakit ayaw mo nang magstay sa condo niyo? One last thing na gusto kong malaman. Bakit september ka nagpupunta dito?" Tanong ko ulit. Masyado na ba kong matanong?

"Aniversary namin. Tsaka birthday ko" Ngumiti siya sakin tsaka siya umupo at humarap din sakin.

"Birthday ko rin ngayon september! Kelan birthday mo?" Grabe naman we have so much in common! Soul mate ko ba siya? God please give me the answer! Pag ka birthday ko siya soulmates kami. Pag hindi friends lang kami.

"Pagkaalis mo...28" Sa totoo lang na dissapoint ako sa sinabi niya..

"28?" Mahinang tanong ko.

"Oo 28 sa pilipinas non 27 dito. September 27 birthday ko." sa tuwa ko nayakap ko siya. nagulat naman siya sa ginawa ko. Grabr kinabahan akooo! Akala ko hindi kami magkabirthday!! Thank you lord!! Sana siya na ang soulmate ko hehe.

"Magkabirthday tayoooo!!!" Nahigpitan ko pa ang yakap ko sakaniya sa tuwa ko then nagising ako sa katotohanan. Nakakahiyaaaa!!!! gaaahhh!! bakit ba pinapahiya ko sarili ko sa harap niya? Seriously Audrey? Whats happening to you??

"Haha! Bakit tuwang tuwa ka ata na magkabirthday tayo?" Tanong niya sakin at medyo tumatawa pa siya.Nakakahiya talagaaaa!! Lupa!! bumuka ka at kainin mo ko!!

"ahh...ehh...ano...wala lang nakakatuwa lang coincidence eh wala pa kong nakikilalang kabirthday ko hehe"  Grabe nakakahiya feeling ko kamatis na yung muka ko ngayon. ano ba kasi tong ginagawa ko ehh!

"Ahh that explains it." ngumiti siya ulit at kumain ng chips na hawak niya.

Hayy nakakahiya ka Audrey Loise!! Ilang oras pa ang lumipas nagpicnik lang kami at nag kwentuhan. Sobrang open niya sakin at syempre ganun din ako sakaniya.Hindi ko parin maisip whats not to like with this person?  Bakit pa siya niloko nung babaeng yon. Well thinking about it gives me massive head ache. Im starting to like him. Alam ko mahirap sabihin na may gusto ako sakaniya ngayon kasi its only been 3 days since i met him. Pero bakit ganun parang kilala ko na siya dati pa? Feeling ko matagal ko na siyang kilala. Sa mga araw at oras na nakakasama ko siya nakikilala ko siya ng nakikilala and so far ito ang nararamdaman ko.

Its not that hard to fall in love with him. We're the same. We fell in love with the person na akala namin sila na talaga.

A Trip to Paris. [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon