Day 1:
"Things do not always go the way you wanted"----------
I woke up in my room here at Résidence Alma Marceau, One of the most expensive and outstanding hotel here in Paris. Hindi ako nagmamayabang noh si author sisihin niyo. Well si kuya ang nagbayad lahat lahat ng gagastusin ko dito sa Paris. Pamilya kasi namin ang may ari ng Hotel na to kaya wala naman akong kaylangan gastusin dito.My name is Audrey, 19 years old. Birthday ko na sa September 27, which is saktong flight ko pabalik ng pilipinas. Regalo ni kuya sakin tong trip ko magisa sa Paris. Gusto niya daw marelax naman ako. Well this is my story. 2 years ago nakilala ko si Zack. Highschool kami non. 4th year highschool kami nung nakilala ko siya. I was the class president at siya naman tong leader ng mga pasaway. Hindi kami nagkakasundo kasi ang kulit niya at ako yung laging napapagalitan ng teacher namin dahil sakaniya.
Nagbago ang lahat nung prom. Suot ko ang favorite white dress ko simple yet elegant. Kasama ko ang mga bestfriends ko noon kasi wala akong boyfriend. Walang gustong maging girlfriend ang tulad kong nagger. But on the second thought meron pala, at si Zack yon.
Nagulat ko kasi bigla nalang niya kong niyaya sumayaw. Akala ko nung una trip niya lang ako yun pala hindi. Hanggang ngayon naaalala ko pa yung mga sinabi niya sakin.
"You're so beautiful"
"Hindi ko alam na totoo pala yung the more you hate the more you love"
"kaya lang naman kita laging iniinis para lagi mo kong sawayin, Gusto ko yung hinahampas mo ko, yung kinukurot mo ko, sinisigawan mo ko hehe weird noh? pero ang saya kasi pinapansin mo ko"
"Gusto ko mas mapansin mo pa ko"
"kasi mahal na ata kita"
"Pwede ba kitang ligawan?"
His words are tattooed to my heart. 2 years kami nagsama. Until one day sabi niya hindi na siya masaya. Sabi niya ayaw na niya kasi wala nang spark. Puro nalang daw kami away taasan ng pride. Hindi na daw kami nagkakaintindihan. Wala na daw yung love. I did everything to stop him pero wala talaga. Ayoko naman na pilitin siya kasi mas masasaktan lang ako. Ayoko naman na mabuhay sa relasyon na puro kasinungalingan. So i let him go.
Isang taon rin ang lumipas bago ako makamove on. At ito na yon after i moved on here i am in Paris enjoying myself :)
ok stop the flashback already haha! i dont know what to do today. Pero first thing i want to is eat breakfast. Gusto ko mag breakfast sa totoong coffee shop ng Paris, yung tipong mafefeel ko yung French scent ng coffee? yun ba tawag don?
Naligo ako at nagayos then lumabas na ko ng hotel room ko. Naglakad lakad ako sa streets ng France. Ang ganda dito. May mga turista rin na naglalakad lakad. May couples din na sweet na naguusap sa daan. Paris is really the city of love.
May isang cafe na hindi masyadong matao at mukang nakakarelax kaya don ko napiling pumunta. Coutume Café, napaka gandang coffee shop. Umupo ako sa table sa gilid. Kinuha ko ang menu at mukang masasarap nga ang mga pagkain dito. Medyo mahal pero ok naman mukang sulit naman dito.
"Bonne madame matin Puis-je prendre votre commande?" (Goodmorning ma'am, may i take your order?) Mahinang sambit sakin ng waiter. Napatingin ako sa waiter at omg! ang gwapo! bakit hindi nalang lahat ng nakatira dito mapunta sa pilipinas!!
"Je vais avoir du pain grillé français et café noir" (ill have french toast and black coffee) Ngumiti ako sa waiter at ngumiti rin siya kinuha niya na ang menu sakin at inayos ang table ko.
Ilang minuto ang lumipas dumating rin ang order ko. Ano kaya ang magandang puntahan dito. Magshopping kaya ako? tama sa streets lang dito marami nang mabibilihan hehe. Gusto ko rin bilihan si kuya ng pasalubong tsaka yung bestfriend ko. Speaking of kuya 3pm na ata dun 9am palang dito eh matawagan nga siya. Tinawagan ko si kuya at as always pinaalala niya ulit yung pasalubong niya hehe kaya tama magshoshopping nalang ako. Pagtapos kong kausapin si kuya tapos narin ako makakain kaya umalis na ko sa cafe.
Naglakad lakad ulit ako at nakarating ako sa parang park ata to. May mga taong nakaupo sa bench meron ding nagpapakain ng mga kalapati, Sobrang daming kalapati dito haha! Siguro kung sa pilipinas tong mga kalapating to dami nang kumuka nito tapos pinang kakarera haha! ang cute ng laro ng mga kabataan ngayon karera ng kalapati haha!
Naglalakad lakad ako nang may nakita akong isang lalaki. Napaka pamilyar niya, Kinuha ko ang camera ko at pinicturan siya. Ang gwapo niya. Tinitigan kong mabuti ang lalaki at tumingin siya sa direksyon ko kaya nagiwas agad ako ng tingin. Baka isipin niya pinagnanasaan ko siya sa mga titig ko nakakahiya yon grabe!
"Hey-" Biglang bumulaga ang lalaki sa harap ko.
"AY KABAYO!" Sa gulat ko nadulas ako sa upuan at natumba ako. Then tumawa ng malakas yung lalaki. ANG BAD! NASAKTAN NA NGA AKO EHH!
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya sakin at tinulungan akong tumayo. Wait...nagtatagalog siya? pinoy siya?
"Pilipino ka?" Tanong ko agad sakaniya. Syempre muka kaya siyang korean!
"Half korean ako mom ko korean pero sa pilipinas ako lumaki so that makes me pilipino too" Ngumiti siya sakin at inabot ang panyo niya sakin.
"Anong gagawin ko jan sa panyo mo?"
"May sugat ka" Tinuro niya ang siko ko at tama nga siya may sugat ako!
Hindi ako nakaimik dahil tinitignan ko yung sugat ko pinapagpag ko yung ibang dumi sa siko ko. umupo rin siya sa tabi ko at hinawakan ang braso ko at dahan dahan na pinunasan ang paligid ng sugat ko. Habang ginagawa niya yon seryoso ang muka niya kaya di ko maiwasang tumingin..Ang gwapo niya at ang bait pa...sino ba tong lalaking to...?
[A/N: Yung picture nung guy sa gilid :) >>>>>>>>>>>>>]
BINABASA MO ANG
A Trip to Paris. [Complete]
Genç KurguLove, darating yan sayo ng hindi mo nalalaman, hindi mo alam saan, hindi mo alam kelan at sino. Sabi nila "you'll find true love in Paris". Tulad rin ako ng iba sainyo na naghahanap ng true love. Nasaktan rin kasi ako. Akala ko wala nang true love...