Chapter 8

65 2 1
                                    

And she was...

She was my classmate. :P Old classmate. Tago natin siya sa pangalang belle.

Tinanong niya ko. "Oh ced. Musta kayo nung Jeanette mo? Kelan naging kayo?"

I was speechless that time. Bigla nalang akong nalungkot kasi naalala ko nanaman siya...

"Hmm. Walang kami. Wala na. As in wala na. Pinatigil na niya ko sa panliligaw ko sa kanya. Maghanap nalang daw ako ng ibang babae. Grabe nga eh. Ang sakit sakit. Gabi gabi nalang ako umiiyak. Di pa ko nakakamove-on sa kanya. Mahal ko pa rin siya eh. *sad face*" I said.

"Ay. Sorry ced. Di ko alam eh. Ano ba nangyari? Yung buo?" She asked

Kinuwento ko sa kanya yung buong nangyari. And the last words she said to me before she left me at the corridor were "Ced. Mag move on ka na. Wala ka nang mapapala diyan. Tama siya. Buti nga binigyan ka pa ng payo na madami pang ibang babae diyan. Sige. Uwi na ko. Ingat ka ced."

Nanatili akong malungkot hanggang sa makaalis na siya. After few minutes, umuwi na rin ako kasi marami pa kong assignments na gagawin.

*Sa bahay*

I was thinking that time if I'll move on na or what. Di ko talaga kinaya. Kahit anong gawin ko.

Sa facebook, binabantayan ko pa rin siya. Sa Mga GM's niya sa mga pics niya. Inaabangan at tinitingnan ko.

"Kung maging bitter nalang kaya ako sa kanya? Siguro pwede na yun. Baka onti onting maka move on na ako."

At ayun nga. Ginawa ko. But then, I started being bitter to her slowly.

I texted her.

"Hi friend! Kumusta? Musta love life? Maayos ba? Ingatan mo bf mo ah."

"Oh. Hi friendship! Okay lang ako. Ikaw? :) Wala akong lovelife noh. :p Ikaw ata yun eh. Dami mong chix. Hahaha. :p" she replied.

Medyo natawa ako sa sinabi niya. Pero tinuloy ko pa din pagiging bitter ko....

Bitter pa rin ako sa kanya. Tawag ko sa kanya friend. Minsan hard ako sa kanya. Minsan inaasar ko siya. Minsan pinapatamaan ko siya sa mga gm's ko pati sa facebook. Alam kong mali yun pero siguro yun yung way para makamove on na ko sa kanya.

Pero ang nangyari, ....

Mas namiss ko siya. Di parin talaga ko makamoveon. Mahal ko parin siya.

Imbis na maka move on na ko sa ginawa ko. Mas lumala pa.

Lagi nalang ganun yung cycle namin. Kamustahan nalang minsan. Nagkikita sa school or nagkakasalubong sa school pero di nagpapansinan.

But one day...

After the celebration of the Family day in our school. I think it was on the 15th of September? ...

Nasa bench ako. Nagpapahangin at nagmumuni muni.

Unexpectedly, may kumalabit sakin. 2 times. Di pa nakuntento niyugyog pa yung balikat ko. :3 "Ced..ric???" Patanong niyang sinabi. Boses babae. Parang kaboses ni Jeanette. And i was thinking na siya yun.

Pagkatalikod ko, nagulat ako. Yung babae ay si...

Oops!! Pabitin uli! Hahaha. Subaybayan niyo lang guys. Salamat :))

JOURNEY TO FOREVER ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon