📎BB_marupok
Ann'Huli Na'
💭Itong pyesang ito ay para sa taong mahal pa ang kanilang Ex ngunit may mahal ng iba. 'Huli Na' ay para masabi kong wala na talagang pag-asa na maayos pa ang relasyon na ikaw mismo ang sumira.
Huli na...
Huli na para bawiin ka sa kanya
Gusto ko man bawiin ka ay wala na
Wala ng dahilan pa
Lalo na't mahal na mahal mo sya
Dating ako ang mahal mo ngunit ngayon wala na
Dating ngiti mo sa akin ay wala na sakin dahil na sakanya na
Hindi ko na mapipigilan ang desisyon mo
Dahil alam kong magiging tanga lang ako sa harap ng lahat
Kahit ayoko mang isipin kung anong iisipin nila
Kapag inagaw kita ay pilit parin itong iniisip ng isip ko
Ang hirap mabuhay ng may pagsisisi
Oo nagsisisi ako dahil sa kahangalan kong ginawa noon
Oo nagsisisi ako dahil binitawan ko lahat ng pangako natin
Oo nagsisisi ako dahil iniwan kita ng walang dahilan
Nangako ako na hindi kita iiwan pero nagawa ko parin
Nangako ako ng walang susuko pero ako ang unang sumuko
Nangako ako na kahit anong mangyari ay andito lang ako sa tabi pero iniwan parin kita
Napakagago ko dahil iniiwan kita
Napakagago ko dahil sinaktan kita
Ngayon lalapit ulit ako sayo para bawiin ka pero huli na pala
Dahil may iba ka ng mahal
Alam ko na mahal na mahal mo sya
Mahal mo sya kaya hindi mo sya kayang iwan
Mahal mo sya kaya hindi mo sya kayang saktan
Mahal mo sya at ako'y isang basura na lamang sayo
Minahal mo ako pero hindi na sapat yun
Minahal din naman kita eh pero mas mahal ka ata nya eh
Masakit, oo pero kakayanin ko
Masakit oo pero sa ngayon nanamnamin ko muna ang sakit na ito
At kapag nakaya ko ng tiisin ay kakalimutan na kita
Kapag kaya ko ng tumayo ulit mula sa pagkakadapa ko ay kakalimutan na kita
Oo handa akong kalimutan ka pero mas handa akong bawiin ka sa kanya
Handa rin akong umalis upang maging payapa na ang buhay nyo pero handa rin akong bumalik para guluhin kayo
Sa oras na malaman ko na nasaktan ka ay babawiin kita sa kanya
Kahit alam kong sinaktan din kita pero pangako handa akong bumawi sa pangalawang pagkakataon
Sabi nga nila mas matamis ang pagmamahalan
Sa pangalawang pagkakataon at naniniwala ako dun
Pero gaya ng sabi ko kanina ay HULI NA...
Hindi na pala dapat kita bawiin
Hindi na pala dapat kita guluhin
Hindi na pala dapat kase mahal mo sya
Mahal mo sya, mahal ka nya, at mahal din kita
Grabe isa pala akong kontrabida sa istorya nyong dalawa
Bago ko tapusin to ay sasabihin ko lang ito
"If iwan ka nya, sana ako ang una mong maisip na malalapitan mo
dahil andito lang ako naghihintay sayo.
Ikaw lang hihintayin ko kahit alam kong sya ang mahal mo.. "
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryHope you'll like my poetr(ies)y. Enjoy reading.. Vote. Comment. Share. Support. Love lots💙 📎BB_marupok Ann