📎BB_marupok
Ann'Aking Ama'
💭Itong pyesang ito ay para sa aking Ama. Hindi ko man masabi sa lahat na ako'y proud dahil sila na Ina ang magulang, ngunit alam ko darating ang araw na masasabi ko sa buong mundo na sila ni Ina ang aking naging magulang.
Haligi at pundasyon ng tahanan
Kung tawagin ng iba
Ngunit para sa akin ay HERO
Yan ang tamang salita kapag tungkol na sa ama ang usapan
Oo, aking Ama, ikaw ang aking HERO
Lalo na kapag ako'y nangangailangan ng tulong
Ikaw ang aking HERO sa lahat ng bagay
Kahit na hindi ka perpekto
Kahit na minsan ay nagkakamali ka
Kahit na minsan ay ikaw pa ang matigas ang ulo
Kahit na minsan ay umuuwi kang lasing
Kahit na minsan ay masasakit na salita ang lumalabas sa iyong bibig
Ay ayos lang at okay lang
Naiintindihan ko
Iniisip ko na lang na baka ika'y pagod sa trabaho
Na baka may nakasagutan ka naman sa trabaho mo
Ikaw kase yung tipo na sobrang bilis uminit ng ulo
Ikaw kase yung tipo na perfectionist, minsan
Ayaw mo ng tatanga-tanga kaya siguro ay laging mainit ang iyong ulo
Ayaw mo ng tatanga-tanga, e lagi pa naman akong tatanga-tanga
Kaya siguro lagi mo akong napapagalitan o nasisigawan
Ayaw mo rin ng mabagal kumilos, kase nararamdaman mo na wala silang madudulot
Kaya siguro lagi mo akong nasisigawan
Ayaw mo rin ng walang ginagawa at nakatunganga lang
Kaya laging malinis ang bahay dahil sa iyo.
At lagi mo akong napapagalitan dahil ako ang dahilan kung bakit ang bahay madumi
Ayaw mo ng---
Ayaw mo ng maingay, pero ikaw mismo ang maingay
Sobrang ingay mo ama, hindi ko alam kung lalaki ka ba o binabae
Kase sabi ng aming guro ay dalawa ng bunganga ng babae kaya maingay kaming mga babae at dalawa ang ulo ng lalaki kaya nakakapag-isip sila ng maayos at kung minsan ay puro katarantaduhan
Ngunit nagtataka ako kung binabae ka ay paano kami nabuo
Kung binabae ka paanong may mga anak ka
Kung binabae ka ay paano mo minahal si Ina
Ngunit sa kabila ng pagkaperfectionist mo ay
Ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin-amin nila Ina at ng aking mga kapatid
Ngunit sa kabila nun ay ramdam ko na pinagsisikapan mo ang magtrabaho kahit na ika'y pagod at nahihirapan
Ngunit sa kabila nun ay nataguyod mo naman kami
Ngunit sa kabila nun ay ikaw pa rin ang aking hero
Na nandiyan pag ako'y nangangailangan lalo na kapag sa mga proyekto sa paaralan
Hindi man laging nandiyan minsan ngunit alam ko na gusto mong tumulong
Ngunit hindi na kaya ng powers mo
Alam ko kase na naubos na ang powers sa pagtatrabaho
Pero okay lang at aking naiintindihan
Kita mo nga labing-anim na ang iyong panganay
Kung wala kayo Ama sigurado akong wala din ako
Hindi ko man maipagmalaki na ika'y aking Ama sa harap ng maraming tao,
Hindi ko man maipagmalaki na napakaswerte kong anak dahil kayo ni Ina ang aking magulang
Ngunit sa pamamagitan ng tulang ito ay masasabi kong
Kaya kong ipagsigawan at ipagmalaki sa buong mundo na kayo ang aking Ama
Sa lahat ng sakripisyo na iyong ginagawa
Sa iyong pagpapatuloy sa pagtatrabaho kahit na nahihirapan na
Sa mga payong 'wag kakalimutang magtoothbrush' 'mag-aral ng mabuti' 'umuwi ng maaga, maraming adik diyan' at marami pang iba
Sa pagrerespeto niyo sa amin
Napakaswerte ko na talaga-kaming magkakapatid dahil ikaw ang aming naging Ama
Kapag nagagalit ka tuwing gabi na ako-kami umuwi sa bahay kung minsan ay napakasaya ko na ang lungkot
Masaya dahil alam ko na nandyan pa kayo
Masaya dahil alam ko na mahal niyo ako-kami
Masaya dahil alam ko na mayroon kayong pakealam
Malungkot dahil alam ko na nag-aalala kayo
Malungkot dahil alam ko na kung ano-ano ng masasamang nangyayari ang iyong naiisip
Malungkot dahil alam ko na talagang hinintay niyo pa ako-kami makauwi
Kahit na kinabukasan ng umaga ay kayo may pasok
Ngunit hindi maiiwasan na masasabi sa sarili na ako'y proud dahil kayo ang aking Ama
May respeto, may galang, matiyaga, mabait(kung minsan at kapag tulog) strikto, at mapagmahal sa amin
Hindi ko man maipagmalaki gamit ang aking bibig ngunit alam ko na sa simpleng tulang ito ay masasabi ko na ika'y aking naipagmalaki sa lahat
Balang araw, aking Ama, ay masusuklian ko lahat ng pagod, paghihirap at pagsasakripisyo niyo
Balang araw aakyat din kayo ni Ina sa itamblado dahil ako'y nakapagtapos na
Balang araw maiaahon ko din kayo sa kahirapan
Hindi man ngayon, ngunit darating din ang araw na iyon.
Mahal ko kayo aking Ama
Sa pagtatapos ko ng tulang ito ay nais kong sabihin sa lahat na
Mahal tayo ng ating ama kahit na minsan ay hindi natin iyon maramdaman
Lalaki sila kaya hindi sila minsan showy sa kanilang nararamdaman
At alam ko na nasasaktan sila sa tuwing tayo'y nasasaktan, nahihirapan at kapag sinasagot natin sila ng pabalang
Alam ko na minsan ay hindi maiiwasan ang pagsagot ng pabalang sa ating Magulang, ngunit sana minsan ay kung pwedeng manahimik nalang tayo ay manahimik na lamang kesa ang masagot natin sila ng hindi kaaya ayang salita
Mahal tayo ng ating Ama at mahalin din natin sila
Hindi sila-tayo perpekto kaya kung minsan ay nagkakamali at nadarapa
Ngunit pilitin nating itama ang mali at bumangon sa pagkadarapa.
Yun lamang, maraming salamat sa pagbabasa ng pyesang ito at sana ay inyong nagustuhan
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryHope you'll like my poetr(ies)y. Enjoy reading.. Vote. Comment. Share. Support. Love lots💙 📎BB_marupok Ann