📎BB_marupok
Ann'Bakit Hindi Ako'
💭Itong pyesa na ito ay puro tanong ng isang babae na napakaraming tanong sa isip na kahit isa ay hindi masagot ng kahit na sino
Bakit hindi nalang ako?
Ang mahalin mo?
Ang isipin mo?
Ang alalahanin mo?
Ang maging mundo mo?
Ako naman ang laging nasa tabi mo.
Ako naman ang nagmamahal sayo.Bakit hindi mo magawa,
Na mahalin ako?
Mahirap ba?
Mahirap ba akong mahalin?
Sabihan mo naman ako.
Sabihin mo sa akin
May mali ba sa kin?
Kaya hindi mo magawa?Bakit sya?
Bakit hindi nalang ako?
Bakit sya pa?
Bakit sya pa ang minahal mo?
Bakit hindi nalang ako?
Ako, nandito lang.
Sya.
Andun kasama ang mahal nya.Minsan na isip ko,
Bakit kaya hindi nalang sila?
Sila ang mahalin ko
Sila ang pagtuunan ko ng pansin
Sila ang alalahanin ko
Silang mga nanliligaw sa akin
Sila naman ang laging nasa tabi ko
Sila naman ang nakakaintindi sa akin
Sila naman ang nagmamahal sa akinPero bakit ikaw pang MANHID.
Bakit ikaw pa na hanggang
Kaibigan lang ang turing mo sa akinPero minsan ba na isip mo rin akong mahalin?
Minsan naisip ko
Bakit kaya kita minahal?
Bakit kaya ikaw pa?
Bakit ikaw pa itong kaibigan ko.Minsan gusto ko ng sabihin sa iyo
Sabihin na'Ikaw talaga ang mahal ko
Gusto kong makasama sa habang panahon
Gusto kong katabi sa pagtulog ko
Gusto kong makita bago ko matulog
At pagkagising ko
Gusto kong lutuan ang paborito
Kong pagkain
Gusto kong mapangasawa.'Pero alam kong masasaktan lang ako
Kapag sinabi ko ang mga salitang yan
Dahil nga magkaibigan tayo.Pero anong nga bang magagawa ko
May nanalo ehh.
At sya yun.
Kaya uuwi ako ng luwaan
Uuwi ako ng nasasaktan
Uuwi ako ng parang walang nangyari.Ano nga bang magagawa ko
Ikaw na eh.
Ikaw na tong minahal ko
At ako naman ang tanga
Kase alam kong hindi
Ako ang mahal mo
Pero minahal parin kita.Masakit pala talaga ang mag mahal.
Masakit pala yung ikaw lang ang nagmamahal.Pero..
Sana naisip ko noon na kalimutan
Ang nararamdaman ko
Para sayo
Pero huli na ehh
Nahulog na ako
Nahulog ako ng walang sumasalo.Sana naisip ko yun dati.
Hindi ngayon.Bakit hindi ako ang minahal mo?
Bakit sya pang kinamumuhian ko
Ang minahal mo
Bakit?
BINABASA MO ANG
Poetry
ŞiirHope you'll like my poetr(ies)y. Enjoy reading.. Vote. Comment. Share. Support. Love lots💙 📎BB_marupok Ann