📎BB_marupok
Ann'Isa Pa'
💭Itong pyesang ginawa ko na ito ay para sa taong nanghihingi pa ng isa pang pagkakataon upang maiparamdam ulit ang pagmamahal na kaniyang inilalaan
Pwede bang isa pa
Isang araw para sa akin muna
Isang araw para bigyan ako ng oras
Isang araw para sa akin kahit kunwari lang
Pwede isa pa
Isa pang pagkakataon para sayo'y maiparamdam
Kung ano ang aking tunay na nararamdaman
Pwede isang sandali pa
Kahit ano gagawin para maging masaya ka lang
Lahat gagawin para maisip mong bumalik ka
Sa akin kalang at walang iba
Pwede isa pa
Isang saglit pa kahit wala na
Wala ka ng nararamdaman pa
Kahit isang saglit lang
sa akin ay ayos na
Isang yakap pa na galing sayo
Kahit wala na ang mga init na nararamdaman noon
Isang halik pa na nagmumula sa labi mo
Kahit wala ang tamis na nalalasahan noon
Lahat ay maglalaho nalang na parang bula, pangako
Isa lang pwede ba
Isang saglit,
Kahit sandali
Maramdaman ka lang sa aking piling
Ay ayos na ang lahat sa akin...~🐍
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryHope you'll like my poetr(ies)y. Enjoy reading.. Vote. Comment. Share. Support. Love lots💙 📎BB_marupok Ann