📎BB_marupok
Ann'Aking Ina'
Itong piyesa na ito ay para sa magulang at sa mga anak na hindi naaappreciate ang kanilang ina..
Siyam na buwan mo akong dinala sa iyong sinapupunan
Siyam na buwan kang nagtiis sa paghihirap
Ngunit mas lalo ka pang naghirap nung ako'y uniluwal mo na
Naghirap nung panahon na wala pa akong kamalay malay
Nung panahon na ako'y sayo nakabase pa lamang
Hindi ka makatulog dahil ako'y iyong binabantayan
Hindi ka makakain ng maayos dahil ayaw kong ako'y iyong bitawaan at ibaba
Hindi ka man lang makabanyo dahil alam mong ako'y iiyak
Hindi mo na maasikaso si papa dahil ayaw ko na sayo'y magpababa
Gusto ko sayo lang nung ako'y bata pa
Nung ako'y bata pa lamang lahat ng aking gusto ay iyo agad na naibibigay
Ngunit ngayon at ikaw naman ang may gusto ay hindi ko man lang maibigay
Nung ako'y bata pa lamang ay kapag ako ay nasa kapahamakan ay andyan ka agad
Ngunit ngayon at ikaw naman ang nahihirapan, ikaw ay aking hindi man lang matulungan
Nung ako'y bata pa lamang ay kahit na simpleng bagay ay aking iiyakan upang maibigay mo lamang
Ngunit ngayon at ikaw naman ang hihingi at hihiling ay kahit na maliit na bagay ay aking hindi maibigay
Nung ako'y bata pa lamang ay kapag ako ay may gusto agad sayo na iuutos na iyong susundin agad
Ngunit ngayon at ikaw naman ang nag-uutos ay hindi ko man lang magawa
Kahit simpleng paghuhugas ng plato, pagwawalis ng mga kalat, naglalaba ng mga damit, at paglilinis ng bahay ay aking hindi nagagawa
Simpleng bagay lang mga yan ngunit bakit parang ang hirap.
Alam ko na hindi kaseng hirap na naranasan mo, ina
Hindi kaseng hirap ngunit bakit aking hindi magawa?
Simple, dahil hindi ko kayang suklian lahat ng iyong ginawa
Dahil hindi ko alam ang salitang 'utang na loob' , aking ina
At dahil na rin sa naaadik na ako sa panibagong teknolohiya
Dahil mas aking inuuna ng aking kaibigan sa social media
Kahit na aking alam na ika'y nahihirapan
Mas aking inuuna ang aking kasiyahan kesa ang iyong kalungkutan
Mas aking inuuna ang opinyon ng iba kesa ang sinisigaw mong sakit na iyong nararamdaman
Kahit simpleng paggalang ay hindi na sayo'y magawa
Kahit na magmano at paghalik sa iyong pisnge kapag aalis o uuwi galing paaralan o gala
Paggamit ng 'po' at 'opo' kapag ika'y kausap.Siyam na buwan kang nagtiis mula sa paghihirap na naranasan
Ngunit hindi ko man lang iyon masukluin kahit na simpleng bagay
Alam ko,
Nakikita ko sa iyong mapupungay na mata
Nararamdaman ko din ang iyong nararamdaman
Nakikita ko sa iyong mga kilos na ginagawa
Ang sakit sa tuwing hindi ko napapansin ang iyong efforts na ginagawa
Sa tuwing ika'y aking nasasagot ng pabalang
Sa tuwing hindi ko sinusunod ang iyong utos na sa akin ay pinapagawa
Nakikita ko ang luhang papatak na nanggagaling sa iyong mapupungay na mata
Ngunit ko man lang magawan ng paraan upang mapawi ang luha
Dahil nung mga oras na tumutulo na ito ay agad na tatalikod ka
Iyo'y agad na iyong pupunasan at sa iyong pagharap ulit ay nakangiti ka na
Ako'y nakokonsensya ngunit wala akong magawaIna, patawad kung lagi kang nasasaktan
Ina, patawad kung hindi ako honor student na iyong lihim na para sa akin na pangarap
Ina, patawad kung sayo'y napakapasaway kong anak
Ina, patawad kung dahil sa akin ay palagi kang umiiyak
Ina, patawad kung lagi ay gabi akong umuuwi ng bahay
Ina, patawad kung sayo ay hindi ko masabi ang aking lihim na tinatago at ako'y nagsesekreto sayo sa aking kasalanang nagagawa
Ina, patawad kung sa ngayon ay kahit na simpleng bagay ay hindi kita masuklian
Ngunit ina salamat.
Ina, dahil natiis mo lahat kahit na ika'y sobrang nahihirapan at nasasaktan
Ina, salamat dahil andyan ka agad kapag ika'y aking kailangan
Ina, salamat dahil nag stay ka
Ina, salamat sa lahat lahat
Ina, salamat dahil ikaw ang aking naging ina
Ina, sana wag ka munang sumuko sa lahat, ako'y bata pa lang
Sana wag muna ngayon
Alam kong marami kang hinaharap na problema na mag-isa mo lamang na nilalabanan
Ina, patawad dahil hindi kita masamahan at matulungan sa problemang iyong hinaharap
Ngunit pangako lahat ng iyong paghihirap sa ngayon ay aking masusuklian
Pero hindi ngayon, hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa iyong pinapangarap
Pagdating ng panahon na kapag ikaw ay aakyat ng stage at ako'y nakasuot ng itim na toga
Kapag dumating ang panahon may hawak na akong diploma
Kahit na ako'y hindi honor student na iyong pinapangarap
Kapag dumating na ang panahon na maganda na ang ating buhay ay hindi mo na kailangan pang maghirap at masaktan pa.
Aking Ina aka'y aking mahal at masusuklian ko din lahat ng kahirapan ng kaginhawan.
Aking Ina, ipinagmamalaki ko na ikaw ang aking ina na sa aming bumuhay magkakapatid
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryHope you'll like my poetr(ies)y. Enjoy reading.. Vote. Comment. Share. Support. Love lots💙 📎BB_marupok Ann