Chapter 4

22 3 3
                                    

"Ano ok ka na ba?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Dahilan para mapayuko ako.

"I think so."

I am wearing white Tshirt, ripped jeans and white rubber shoes.

"Ang boyish mo talaga pumorma"

"Tss, sensya na ah. Di kasi ako katulad ng mga babae sa states na kulang nalang eh maghubad na sa sobrang sexy ng kasuotan."

Inirapan ko siya at tumingin sa labas ng kotse.

He screamed a loud laugh.

"Hahaha! Grabe ka naman ely. Wala naman akong pake sa kasuotan niyong mga babae eh. Kilala mo ko, mas gusto ko ang may magandang kalooban."

Nilingon ko siya at nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Tss, magdrive ka nalang dyan."

Yah, di maarte si Earl sa pagpili ng babae, as long as kaya niyang pagtyagaan ang ugali at di masyadong maarte.

6pm na ng makarating kami sa isang park.
Dumaan pa kami sa mall para mamili ng kung ano ano. Nahihiya na nga ako kase andami niyang binili para saken. After namin sa mall dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant, di nako nagulat kase galing siyang ibang bansa at sanay siyang kumaen sa ganung resto.

"May free live band daw ngayon dito. And naalala kong mahilig ka sa mga ganito kaya tayo andito."

Sabay ngiti niya saken. Ngiting nakakatunaw ng puso.
Di pa din siya nagbabago, alam na alam pa din niya kung paano ako pangitiin.

"Handa na ba kayong lahat?"

At naghiyawan ang lahat ng tao sa malawak na field ng park. Napalingon kami Earl sa stage na nakaset up dun.

"Dali Ely! Mag-uumpisa na sila"

Hinawakan niya ako sa kamay at dali-daling hinatak ako sa gitna ng maraming tao.

Talunan, hiyawan, banggaan. Lahat napapaindak sa mga tugtog ng bawat banda.

Pinagmamasadan ko si Earl habang nakikisabay sa saya ng mga tao.
Matagal tagal na din since nung last na nagbonding kami ng ganito. Tumakas pa kame sa parents namin dahil mga minor pa kame and gabi ginanap yung concert. I love watching free live bands. Kase andaming tao at lahat sobrang nag eenjoy. Si Earl lang lagi kong kasama kase pareho kaming mahilig sa ganito.

Di ko alam pero nang matulak siya papunta sa harapan ko. Ang napansin ko agad ay ang pwet niyang matambok. Gosh! Dinaig niya pa booty ko sa tambok huhuhu.

Natauhan ako sa pagtingin sa booty ni Earl ng masagi ako ng katabi ko. Dahilan para maout of balance ako.

Pumikit ako habang unti unti bumabagsak ang katawan ko.

Pero ilang segundo na akong nakapikit pero di ko pa din naramdaman ang pagbaksak ko sa semento, pwera nalang sa bagay na nararamdaman ko sa bandang likod ko.

Iminulat ko ang mata ko and nakita ko si Daryll sa harap ko habang nakahawak ang kamay niya sa bewang ko.
Hinila niya ako papalapit sa kanya pero dahil sa nagtalunan ang nasa likod niya, naitulak din siya. Dali dali niya akong niyakap at inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko.

Naging mabagal na ang pagtugtog ng banda, pero yung puso ko naman ang dumadagundong sa kaba ngayon.
Natigil na din ang mga tao sa pagtalon.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
I can feel the heat in my face now.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong niya saken nang may pag aalala sa kanyang boses.

"A-ah oo, ok lang ako. Salamat"

I Fell Inlove With My AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon