Chapter 7

15 1 0
                                    

Antagal na pala simula nung nangyare yung trahedya na yun samen.
Parang kailan lang may pupunta sa bahay para makikaen at mangulit saken. Haysss nakakamiss din pala yung ulupong na yun.

8 months na ang lumipas. Sobrang bilis talaga ng panahon.
Napahinga nalang ako ng malalim at napahigop sa coke float ko.

This past few days, naging tambayan ko na ang mall. Boring na kase sa bahay eh lagi akong mag isa. Atleast dito kahit papaano nawiwili akong panuorin mag away mga couple dito hihi.

'Secret Identity'

Yan ang author ng book ng binabasa ko ngayon.
Ang weird noh? Parang napakamisteryoso niya samantalang romance at teen fiction naman ang mga stories niya. Tss

Pero ang ganda ng mga book niya, yung mga readers niya nakikita ko sa Social media na inaabangan nila na makaharap ang author na to.

Sabe ng management ng publishing company na may hawak ng book niya ay nakipagdeal na siya. Pero di pa nila nilalabas kung anong deal yun. Tss, daming kakemehan.

Paalis na sana ako sa kinauupuan ko ng may magsalita.

"Hi miss, pwede ba akong makishare ng upuan? Punuan na kase dito sa food court eh."

Di agad ako nakasagot.
Yung boses niya...

Lumingon ako sa kanya at sinalubong niya ako ngiti.

Bat ganun?
Di niya ba ako nakikilala?
O trip na naman niya to? Pshh!

"Ok lang naman kung ayaw mo. Hehe"

Napakamot ulo siya at nagpalingon lingon uli.

Umirap ako. At iniwas ang tingin sa kanya.

Matapos niyang mang iwan, ganyang trip gagawin niya.

"Sige na umupo ka na."

"Ayuuuun! Salamat. Don't worry, kakaen lang naman ako saglit."

Umupo agad siya sa tapat ko at kumaen.

Seryoso? Aasta talaga siyang ganyan?

Kunot noo ko siyang tinitignan habang sarap na sarap siya sa pagkaen niya na parang nakikipag unahan.

"Ahm, tititigan mo talaga ako ng ganyan?"

Napatikhim ako at napaiwas ng tingin.

"Ah, wala ang familiar lang kase ng mukha mo."

Sagot ko ng di tumitingin sa kanya.

"Ang unique kaya ng mukha ko noh. Nag iisa lang to."

Kapal ng apog neto tss.

"Alam mo miss, kung sino man yang kamukha ko."

Nilingon ko siya ng huminto siya sa pagsasalita.

"Malamang pogi din siya."

Nagpogi sign siya sabay kindat.

"May deperensya ba yang mata mo at panay kindat?"

Pagtataray ko.

"Suplada neto. Hala sige makaalis na na nga baka mangbugbog ka na sa gigil eh."

Tumayo siya at inayos ang pinagkainan.

"Salamat sa pagpapaupo saken ms. Sungit. Enjoy your reading see yah!"

Agad siyang tumakbo palayo at di ko na siya nasundan pa ng tingin dahil nahalo na siya sa madaming tao.

Aishhhh! Ang nilalang na yun talaga!

Di ko siya malilimutan dahil siya ang lalaking nagbigay ng peklat sa noo ko. Tsk!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell Inlove With My AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon