Chapter 5

12 3 0
                                    

Saturday na ngayon.
3:40 palang ng madaling araw nagising nako dahil sa ingay sa labas namen.
Daily routine kase ng kapitbahay namen ang magbulyawan dahil sa may kabit daw ang asawang lalaki nito.

"Hayss, bakit ba kase di makuntento sa isa ang mga tao ngayon? Kulang ba ang isa para lang maging masaya? Di ba sapat na mag effort ang isa?"

Napapailing kong sabi sa sarili ko. Habang nagbabasa ng libro.

I'm reading a book about a boy who waited for his friend. Umaasa siya na magigising pa ito mula sa ilang araw na mahimbing ang pagtulog niya dahil sa aksidenteng nakasangkutan nito.

Napaka naman ng author na to. Di na siya naawa sa character niya na paasahin sa wala.
Ano bang nangyayare sa earth susme!!

Isinara ko nalang ang libro at lumabas ng kwarto tsaka nagtungo sa kusina.
Nakaramdam na kasi ako ng gutom eh.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at agad na tumungo sa kusina.

Habang tahimik akong naghahanap ng makakain sa kusina ay may biglang kumalabog sa sala.

Halos mapatalon ako at ang puso ko sa gulat.
Tumingin ako sa pinto papuntang kusina.

May naaninag akong tao.
Nakablack siya kaya akala ko si mommy.

"Pshh!! Ano ba yun? Aga naman magwala ni mommy tsk!"

Dinedma ko na yung tao sa sala at dinampot ko na ang chocolate ko at naglakad papalapit sa mesa.

I was about to eat ng biglang may kamalabog na naman, but this time sa taas na.

Bigla kong nakaramdam ng takot, at para kong tumakbo ng 100 meters dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

4:00am palang.
Si ate wala nasa business trip. Si yaya naman pinagbakasyon muna namen dahil antagal na din since nung last namen siyang pauwiin sa province nila.

Naglakad ako papuntang sala tas dinampot ko yung nakita kong baseball bat sa gilid ng sofa.

Umakyat ako sa 2nd floor.
Nagulat ako nung nakita kong nagkalat yung mga gamit. Nakabukas lahat ng kahon ng maliit naming aparador.

"Mukhang mapapasabak ako ah"

Bulong ko sa sarili ko at nagsign of the cross pa ko.

Waaah! Bat ba ko nagpapaka super woman huhuhu helppp!

Narinig ko yung pagbukas ng aparador sa room ko. Kaya dun ako pumunta.
Pero bago ko pumasok dinukot ko muna yung cellphone ko sa bulsa at nagpindot ng number ng  kung sino tsaka ko tinawagan.

"Hello, kung sino ka man, please I need your help."

Kung suswertihin ka nga naman. Narinig ng magnanakaw yung sinabe ko sa phone kaya inagaw niya yun sabay binagsak sa sahig at tinapak-tapakan.

"Tingin mo ba hahayaan kitang abutan nila na humihinga pa?"

Naka mask siya at nanlilisik ang mga mata na tumingin saken.

Huhu yung phone ko. Bago lang yun waaah! God help me pleaseee!

Hinawakan niya ko sa kamay at hinila papasok ng kwarto. Nagpupumiglas ako pero anlakas ng halimaw na to kaya nabitawan ko yung baseball bat.

Huhu lord, please. Ayoko pa pong mamatay.

I Fell Inlove With My AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon