Chapter 2

34 5 0
                                    

Before ako umuwi, dumaan muna ako sa isang food park near in our school.

Nag order ako ng chocolate ice cream na may toppings na stick-O at marshmallow and isang order ng chicken with rice at syempre 1 slice of chocolate cake.

"Makakakain din sa wakas."

Ngiting-ngiti kong sabi.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor tsaka nagsimulang kumain.

Di pa man ako natatapos. May umeksena na agad sa moment ko.

Jusko lord! Ano bang kasalanan ko bukod sa pagiging tamad ko?

"Ang lakas mo pa din palang kumain."

Nginitian niya ako at tinitigan habang kumakain.

"Well, ito lang naman ang hindi nagbago saken."

Sagot ko habang patuloy sa pagkaen.

"Oo nga, madami na din ang nagbago sayo."

"People change Greg. Ahm, Asan pala yung best friend ko? I mean yung gf mo?"

"hmm, Busy siya eh. May tour kasi sila sa cebu."

"Ah."

"Ikaw? Kamusta ka?"

"Maganda pa din."

Pagmamayabang ko.
Pero totoo naman. Hahaha

"Haha, what I mean is. Kamusta na lovelife mo?"

Natigilan ako bigla sa tanong niya.

Binaba ko ang hawak kong tinidor at kutsara tsaka ko siya tinitigan sa mata.

"Wag mong itatanong ang bagay na minsan ko nang kinalimutan ng dahil sayo."

Ilang minuto ko siyang tinitigan pero ako din naman ang bumitaw sa pagkakatitig sa kanya.

"Haha joke lang."

Agad kong sabi.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa din?"

I made a fake smile at kumain ulet.

"Hindi na. Ok na sa akin ang lahat."

Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"I'm sorry."

Mahina man pero sapat na para marinig ko.

"I'm done. I have to go. Nice to see you again."

Tinalikuran ko siya at nagmadali na akong umalis.
Hindi ko na sinubukan pang lumingon dahil hindi na kakayanin ng dibdib ko ang pigilan ang galit na gustong kumawala dito.

"Bakit ba kasi nagpakita pa siya eh. After niya akong iwan ng dahil sa best friend kong maharot? Kakausapin niya ako nang parang wala lang?"

Bulong ko sa sarili ko habang papalabas ng food park.

Nangingilid na ang mga luha ko ng makarating ako sa waiting sched at nag antay ng masasakyan.

"Hoy puso! Akala ko ba wala na?. Pero bakit ganito? Affected pa din ako sa nangyari noon?"

Para kong tanga habang nakatayo.

Huminto ang isang taxi sa harap ko at agad naman akong sumakay dito.

"Manong sa may Crystal Vill lang po."

Isinandal ko ang ulo ko sa binta ng taxi at tuluyan na ngang lumabas ang luhang matagal ko na dapat tinuyo noon pa.

I Fell Inlove With My AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon