Chapter 6

18 3 0
                                    

Nang magkamalay ako ay nakita ko si Ate at Earl sa tabi ng kamang kinahihigaan ko.
Halatang mga puyat sila at pagod.

Bumangon ako at napahiyaw ng bahagya ng madama ko ang kirot sa leeg ko.

Napatayo naman agad sila ate at nilapitan ako.

"Ely anong masakit? Makirot ba ang leeg mo? Nahihilo ka ba? Ano? Tatawag ako ng doktor."

Akmang aalis na si ate ng hawakan ko ang kamay niya.

"Wag na ate kumirot lang yung sugat ko."

Malumanay kong sabi.

"Baka dahil sa tahi kaya kumirot. Kumaen ka muna para makainom ka na ng gamot mo at maibsan ang pangingirot ng sugat mo."

Nilingon ko si Earl at unti unti ko uli naalala ang naganap kagabe.

"Teka? Si Darryl? Ate naiwan siya sa bahay ate! Earl! Asan si Darryl? Baka napano na siya. Kailangan natin siyang tulungan."

Naalarma na naman ako at di ako mapakali. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Di ko na pinuna ang sugat ko sa leeg kahit pa sobrang sakit na nito dahil sa paggalaw ko.

"Ely please calm down. Baka mapano ka."

Hinawakan ni ate ang kamay ko pilit akong pinapakalma.

"No ate! Di ako mapapalagay hangga't di ko alam ang lagay ni Darryl. Please gusto ko siyang makita."

Nag unahan naman ang mga luha ko.
Dahil sa pangalawang pagkakataon, tinaya na naman ni Darryl ang buhay niya para mailigtas ako.

Walang imik si Earl habang si ate umiiyak na din.

"Ano bang nangyare? Bakit ba ayaw niyo kong dalhin sa kanya? Ano ba? Sagutin niyo ko!"

Napapasigaw na ako dahil sa inis. Di ba nila iniisip si Darryl?

"Ely, si Darryl."

Mahinahon na sabi ni Earl.

Nakita kong nilingon niya pa si ate at parang ayaw ipasabe ni ate sa akin kung ano man ang nais sabihin ni Earl.

"What!?"

Naiinis na talaga ako.

"Wala na siya dito."

"Hah? Anong ibig mong sabihing wala na siya dito?"

Natigil ako sa pagpupumiglas at tinitigan siya ng maiigi.

"Nung iniwan naten siya sa loob. Nagpumilit palang sumunod sa aten ang kriminal. Pinigilan siya ni Darryl at naglabas ng armas ang lalaki. Nag agawan sila at sa di inaasahan. Naiputok ng lalaki ang baril sa tapat mismo ng dibdib ni Darryl. Yung putok ng baril na nadinig naten bago tayo umalis."

Ayaw tanggapin ng utak ko ang paliwanag ni Earl.
Ni hindi ko na nga alam kung anong isasagot ko.
Para kong napipi dahil sa nalaman ko.

"Na-nasan s-siya ngayon?"

Di mapigil sa panginginig ang buong katawan ko.
Kasalanan ko to.
Kung lamabas sana agad ako ng bahay di aabot sa ganitong kalagayan si Darryl.

"Di ko pa alam kung saang ospital siya dinala dahil di sinasagot ng mom niya ang tawag ko. Wala pa ding balita simula ng ilipat siya ng ospital."

Nilamukos ni Earl ang kamao niya at iniwas ang tingin sa akin.
Alam kong galit din siya dahil wala din siyang nagawa para tulungan si Darryl dahil sa pagtakas niya saken sa bahay.

Di na uli ako nakapagsalita at umiyak lang ako ng umiyak.

~~~~~~

2 araw lang akong nanatili sa ospital.
At sa dalawang araw na yun, walang oras na di ko inisip si Darryl.

I Fell Inlove With My AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon