PROLOGUE

60.8K 1K 66
                                    


"Lorette, calm down okay? Just please calm down." Hindi magkandaugagang sabi ko habang mabilis na isinuksok ang susi ng kotse para buhayin ang engine nito.

"I hate him, but I still love him Anton." Humahagulhol siya habang ako ay napapahigpit ang kapit sa monobela.

"I know, I know, wag kang gagawa ng kung ano. Papunta na ako dyan." Alo ko.

Hindi na niya nagawang sumagot dahil malakas na naman siyang napahikbi. I hate hearing her sob, naiinis ako kapag nakikita at naririnig ang ganitong side niya. Ilang ulit na bang nangyari ito kay Lorette pero mas malala ang ngayon. At sa iisang dahilan na naman, ang boyfriend niya.

Magboyfriend ka ba naman ng isang babaero at nagmula sa mayamang angkan malamang isa ka lang sa mga laruan n'on. Gusto kong isatinig pero pinili ko nalang na manahimik at baka lumala ang sitwasyon. Masyadong syang sensitive kapag ang boyfriend niya ng usapan at ang mabisang paraan ay ang manahimik.

Tsk. Martyr.

"Magpapakamatay nalang ako." Pagkuay sabi niya matapos kong pakinggan ang ilang minuto niyang paghikbi.

Mas lalong napabilis ang pagpapatakbo ko at kung maaari ay paliparin ko na ang kotse ko makarating lang sa apartment niya. Natatakot ako para sa kanya dahil matagal ko ng kilala si Lorette at alam kong may isang salita siya. Kung ano ang maisipan at sabihin ay talagang ginagawa.

"Don't, wag mong gagawin ang bagay na 'yan. Lalaki lang siya at darating ang araw na makakalimutan mo rin siya. Please, wag mong sayangin ang buhay mo para lang sa walang kwentang lalaki." Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit ang totoo ay gusto ko ng magwala, hanapin ang punyetang kasintahan nito at pagbubugbugin hanggang sa hindi na makalakad.

"Hindi lang siya lalaki Anton, I love him so much at hindi ko matanggap na nakipaghiwalay siya sa'kin dahil lang sa may nakita na siyang iba." Sigaw niya sa kabilang linya.

Shit! Kung nasa ibang sitwasyon lang kami baka kanina ko pa pinatay ang tawag, I hate talking and using mobile phone pero dahil sa matalik ko siyang kaibigan ay napipilitan akong maging madaldal at gumamit ng letshugas na cellphone na 'to.

"Please Lorette don't say that bullshit!" Hindi ko na napigilan na mabakas ang inis sa boses ko.

Nagpatuloy na naman ito sa pag-iyak at basag na basag na ang boses. Panay ang salita niya na parang may binabanggit na pangalan pero hindi ko maintindihan.

Malas! Naibulong ko sabay hampas ng monobela ng maipit ako sa traffic. Walang tigil ako sa pagbusina at wala akong pakialam kung nagsisisgawan na ang ibang tao dahil sa ingay.

Putangina! Baka wala na akong maabutan!

"Hey, Lorette? Lorette?" Panay ang tawag ko sa kaibigan ko habang nagpupumilit na makaalis sa traffic. Wala akong narinig na sagot kundi hikbi at hagulhol.

"Talk to me, Lorette." Sabi ko ulit.

"Ma'am bawal po dito." Rinig kong boses ng isang lalaki sa kabilang linya.
"I don't care." Matinis na sigaw naman niya.

"Under renovation po ang rooftop kaya bawal po ang umakyat doon." Sabi pa ng lalaki.

Binundol ako ng kaba habang pinapakinggan ang usapan ng dalawa sa kabilang linya. Isa lang ang laman ng isip ko ngayon at ipinagdarasal ko na sana mali ako, sana maling hinala lang.

Castillion Brothers Series 2: Second CastillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon