Second POV
DAHIL nawalan na ako ng gana na tuluyang bumalik sa location ay nagpasya nalang ako na tunguhin ang isang exclusive bar na palagi kong pinupuntahan kapag ganitong mainit ang ulo ko o di kaya naman ay may problema.
Nang makarating ako doon ay marami ng tao kahit palubog pa lang ang araw. Maraming sumasalubong sa'kin na mga babae na ang mga suot ay halos wala ng itinagong balat ng katawan. Lahat sila mukhang mayayaman at may ipagmamalaki rin naman kung ganda ang pag-uusapan pero sadyang mababa talaga ang tingin ko sa ganitong mga babae. Wala ako ni isang pinansin, hindi naman ako nahirapang mang-snob dahil gawain ko na iyon kapag nasa ganitong mga lugar na maraming mga tao.
Yes, makulit ako, isip bata, madaldal at maloko pero iyon ay kapag pamilya at malapit na tao sa buhay ko ang kasama ko. Hanggang sa pagtanda ko sinusunod ko pa rin ang bilin ni Mommy na, 'don't talk to strangers' hindi ako mahilig makipagsalamuha sa iba dahil ayoko. Kapag nasa harap ng ibang tao, seryoso ako at hindi ngumingiti para sila na mismo ang lumayo sa'kin pero madalas pa rin talagang may naglalakas loob na kumausap at lumapit sa'kin kahit kalat na sa buong Pilipinas na ako ang nangunguna sa mga listahan ng mga artista na may bad record and image sa mga fans.
Hindi ako pumapansin ng kahit na sinong fans kahit sabihin pang sila ang dahilan kung bakit ako sikat, hindi ako nagsasign ng autograph dahil tinatamad ako at lalong hindi ko hilig ang pagmomall show tulad ng mga gawain ng ibang mga artistang tulad ko para magpromote o kung anu ano pa para mas lalong sumikat, well, kahit gan'on ang record ko mas lamang pa rin talaga ang humahanga sa'kin kaysa ang madisappoint sa pagiging snob ko daw in public.
Speaking of disappointment naalala ko na naman ang sinabi kanina ni King kaya sa inis ko ay umorder ako ng ilang bote ng whisky at agad iyong tinungga pagkaupong pagkaupo ko sa stool sa harap ng counter.
"Immature ako? Isip bata? At iresponsable? Pwes, papatunayan ko kung gaano ako kawalang kwentang tao." Asik ko habang masama ang titig sa alak na nasa harapan ko. Inalok ako ng barista ng baso pero tinanggihan ko.
Tangna! Ang sakit talaga sa loob ng mga sinabi niya.
Upang libangin ang sarili ay humarap ako sa dance floor kung saan may mangilan ngilan na sumasabay sa malamyos na music. Kapag maaga pa ay hindi pa wild ang mga kantang pinapatugtog nila kundi mga OPM o mga love songs, hindi pa rin gamit ang lahat ng dancing light kundi dim light lang kaya nagmukhang romantic ang gitna ng dance floor. Para lamang sa mayayamang tao at parte ng alta syudad ang nakakapasok sa bar na ito kaya hindi nakapagtatakang kahit ang mga couch ay halatang mamahalin kahit sa unang tingin pa lang, may VI room rin sa second floor at iilang kanto na mas maganda ang pwesto. May mga nag-iinuman na rin, siguro tulad ko na masama ang loob kaya kahit maaga pa ay naglalasing na.
"Hello handsome." Hindi ko binigyang pansin ang malanding boses ng babae na lumapit sa'kin. "Wow, totoo nga ang mga humors na napakasnob ng isang King Second Castillion sa personal." Sabi ulit nito.
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko pa rin ito pinansin. Muli akong humarap sa counter at uminom sa bote ng alak. Magsasawa rin 'yan sa kakalandi. Bulong ko sa sarili.
Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay nito papunya sa zipper ng pantalon ko. Agad na uminit ang ulo ko hindi dahil tinablan ako sa haplos niya kundi dahil mas lalo akong nairita. Hindi ako tulad ng ibang lalaki na madaling matukso sa ganitong bagay, mas matatag pa rin ang prinsipyo kong hindi babae ang makakapagpaligaya sa'kin kaysa ang makaramdam ng libog.
BINABASA MO ANG
Castillion Brothers Series 2: Second Castillion
Художественная прозаIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and Publishing House. Queen Antonia Santez, babaeng nabuhay sa madilim at malungkot na mundo simula nan...