"Sir Second magready na daw po kayo dahil kayo na ang susunod." Sabi sa'kin ng second assistant ni King.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Di ba sabi ko nga ayokong sumalang ngayon? Wala ako sa mood." Sigaw ko at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagbalatay ng takot pero wala akong pakialam.
"Pero magagalit po si Direk Anton kapag nalaman niyang walang scene na natapos habang wala siya." Depensa nito sa kabila ng pamumutla, nagagawa niyang ipagpilitan sa'kin na sumalang sa scene dahil alam kong kung takot sila sa'kin mas takot naman sila kay King dahil talagang kakaibang magalit ang isang 'yon.
"Ide magalit siya pakialam ko naman tapos kapag nagalit ulit siya sabihin mo umalis ulit at wag ng babalik." Bulyaw ko ulit at sa pagkakataong ito ay talagang natakot na siya at iniwan nalang ako dito sa loob ng tent.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang galit. Kahapon nagwala ako sa set namin at wala talagang nagpigil sa'kin dahil kapag may nagtatangka ginugulpi ko. Wala akong pakialam kung maging masama ang tingin sa'kin ng publiko at kahit mawalan pa ako ng fans basta gagawin ko ang gusto ko.
Araw araw ay napapadalas ang pagpapadala sa'kin ng death treat habang si King ay hindi pa rin bumabalik mula sa kung saan man siya nagpunta. Kung galit siya sa'kin dahil sa pagiging matigas ng ulo ko dapat hinaharap niya ako hindi 'yong aalis siya ng walang paalam.
Palagi akong pumupunta sa condo niya pero wala talaga siya doon at kahit ang trabaho nito ay inasa sa iba. Nakakainis siya! Naiinis ako sa kanya.
Pero kahit galit ako ay palagi akong nandito sa location ngunit hindi para magshooting kundi para magbigay ng sakit sa ulo dahil alam kong kapag hindi na ako kayang ihandle ng mga tao dito ay mapipilitang bumalik si King.
"Nakakainis ka! Walang gumigising sa'kin ng maaga kaya ngayon masakit ang ulo ko dahil palagi akong kulang sa tulog para lang hintayin ang pagsikat ng araw." Asik ko sa harap ng salamin.
Napabuntong hininga nalang ako pagkakita ko sa sarili ko. Walang ahit, gusot ang suot kong polo dahil walang nagplantsa, tabingi ang necktie ko dahil hindi ako marunog mag-ayos at kahit sinturon ko ay wala sa tamang posisyon dahil hindi ako marunong kung paano ang tamang pagkabit. Mga bagay na si King ang palaging gumagawa at may alam.
I'm totally shit! Nakakapang-init ng ulo. Natiis niya ako ng isang buong linggo.
Napasabunot nalang ako sa buhok na hindi ko nalagyan ng wax dahil naubos na at hindi ko rin alam kung saan binibili ni King ang brand niyon na gustong gusto ko ang amoy.
"Direk!" Dinig kong sigaw mula sa labas ng tent.
Parang nanlaki ang tenga ko pagkarinig ko sa sigaw na iyon na kung hindi ako nagkakamali ay boses ng second assistant ni King. Isa pa, isa lang naman ang tinatawag dito na 'direk', si King lang.
"Nandito na siya?" Pabulong na tanong ko sa sarili at excited na tumayo pero padabog rin akong bumalik sa pagkakaupo ng maalalang galit ako sa kanya.
"Kumusta ang trabaho?" Napangiti ako ng sa wakas pagkatapos ng isang linggo ay narinig ko ulit ang boses niya pero bigla rin akong sumimangot.
Hindi kaya nagmumukha na akong baliw dahil sa pinaggagagawa ko? Kainis!
"Sorry po Direk, wala pong natapos dahil lahat ng scene po ay nandoon ai Sir Second kaso ayaw niya pong sumalang at palaging mainit ang ulo." Sumbong nila.
Napairap nalang ako. Mga sumbungera!
"Ako ng bahala." Sagot niya.
"Sorry talaga Direk." Hindi ko na narinig ang pagsagot ni King, tinamad na naman sigurong magsalita.
BINABASA MO ANG
Castillion Brothers Series 2: Second Castillion
Genel KurguIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and Publishing House. Queen Antonia Santez, babaeng nabuhay sa madilim at malungkot na mundo simula nan...
