"Mission accomplish!" Natatawang tugon ni Gale sa katawag nito sa telepono. "Sus, duda ka pa talaga boss na yakang yaka namin 'to ni Anton." Bumunghalit pa siya ng tawa na parang hindi dumaan sa patayan kani-kanina lang ng sumugod kami sa isang sikat na bar dito sa New York dahil nandoon ang lungga ng target sa misyong ito."Kung si Anton panatag akong hindi pa man siya pinagpapawisan ay agad niyang matatapos ang misyon pero kung kasama ka aba malaki ang syansa na pumalpak." Sagot sa kabilang linya. Kung magkausap ang dalawa ay parang hindi heneral ang nasa kabilang linya.
Napapailing na pabagsak akong umupo sa single couch bago bumaling sa floor to ceiling na glass wall dito sa loob ng hotel suit kung saan kami nakacheck in ngayon. Nalilibang akong pagmasdan ang maliwanag at maingay na syudad ng New York na kahit napakalalim na ng gabi ay buhay na buhay pa rin.
Isang linggo na kami dito at ngayon ang huling araw namin dahil nahuli na sa wakas ang isang Fil-Am drug dealer na tauhan ng malaking sindikato para maipuslit ang mga droga papuntang Pilipinas. Anim na araw din ang tinagal namin para magmanman at humanap ng magandang tyempo na hindi na ito makakatakas pa tulad ng palaging paglusot nito sa ilang ulit na pagkadakip.
Kasama ko si Desiree Gale Park, ang partner ko sa lahat ng mission na hinahawakan ko. Halos limang taon na kaming magkasama sa trabaho at dahil halos pareho kami ng likaw ng bituka ay nagkakasundo kami sa lahat ng bagay maliban nalang sa pagiging taklisa nito habang ako ay tamad na magsalita.
"Miss mo na alaga mo 'no?" Kunot noo akong bumaling sa kanya na ngayon ay tapos ng makipagyabangan sa Uncle nitong heneral na siyang nag-assign sa'min ng mission na ito.
May mapang-asar itong ngisi sa labi na lagi niyang ginagamit kapag gustong makipagchismisan sa'kin. Pabagsak rin siyang umupo sa single couch na kaharap ko at matamang nakatitig sa mukha ko.
"Alaga?" Litong balik tanong ko. Wala naman akong aso dahil hindi ako mahilig sa mga gan'on bagay lalo na ang pusa kaya wala akong matandaan na alaga na tinatanong niya.
Tumango siya at humuhikab na sumandal sa kinauupuan niya bago ipatong ang paa sa glass center table na pumapagitna sa'min. "Yup, si Second Castillion."
"Ah."
"Anong 'ah'? Gaga, tinatanong kita kung kumusta na ang alaga mo. Akala ko ba hindi ka tatanggap ng mission on field hanggat hindi mo natatapos ang mission na hawak mo ngayon. So bakit bigla mo nalang tinanggap ang misyon na ibinigay sa'yo ni boss, actually, hindi pala binigay inagaw mo sa isa nating kasamahan na dapat siya ang tatapos nito." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa bilis ng pagkibot ng nguso niya na parang pwet ng manok.
"Bored na ako." Simpleng sagot ko.
Totoo ang sinabi niya na hindi ako tumatanggap ng misyon hanggat hindi pa tapos ang isa ko pang misyon na ngayon ay magdadalawang taon ko ng hindi natatapos. Pinakamatal na project na hinawakan ko pero hanggang ngayon nganga pa rin.
Pero noong isang linggo ay nagkainitan kami Second kaya nagpasya muna ako mag-unwind sa pamamagitan ng on field mission na natapos namin kanina para naman mawala ang inis ko sa batugan na 'yon.
"Wow bored? So cool off kayo?" Tila stars ang mga mata niya na nagliwanag dahil sa sarili niyang tanong.
"Ano kami in a relationship?"
"Pwede." Bumunghalit siya ng tawa dahil sa pagkalukot ng mukha ko. "Dalawang taon mo ng hawak ang trabaho mo sa alaga mo pero hanggang ngayon wala pa ring lead, minsan nga naiisip ko na sinasadya mong patagalin para magkasama kayo ng matagal e. The fuck! Si Agent Queen Antonia Santez nagkaroon ng halos dalawang taong mission tapos hanggang ngayon wala pa ring pinatutunguha. Para mo na ring sinabing may pakpak ang mga baboy." Litanya niya syaka ako dinamba ng yakap at tinapik tapik ang balikat ko na parang kinikilig sa kung ano man ang laman ng walang kwenta niyang utak.
BINABASA MO ANG
Castillion Brothers Series 2: Second Castillion
Художественная прозаIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and Publishing House. Queen Antonia Santez, babaeng nabuhay sa madilim at malungkot na mundo simula nan...