Chapter 2

32.8K 687 32
                                        


Second POV

NGINGITI ngiti akong pumasok sa isa sa maraming kompanya na pag-aari ng pamilya namin, isa itong radio station slash tv network na pinamamahalaan ni Third, ang isa sa mga kapatid kong close na close ko talaga. Para na kaming pinagbiyak na bunga dahil sa pagiging malapit namin. Katatapos lang ng shooting ko sa bago kong teleserye at agad akong tumuloy dito para makapagpahinga.

Tulad ng nakasanayan ko na ay lahat ng tao sa lobby ay napapatingin sa'kin. Sino ba naman ang hindi kong isang Second Castillion ang masisilayan nila, aba gwapo na nga macho pa mayaman pa. Total package na.

Pero sorry sila dahil hanggang tingin at pagnanasa lang sila.

"Good afternoon sir Second." Salubong sa'kin ng secretary ng kapatid ko.

Imbes na ngumiti ay hindi ko nalang siya pinansin dahil baka bigyan niya ng ibang meaning ang pagngiti ko sa kanya. Ayoko ng kahit na anong attachment sa mga babae maliban nalang sa bestfriend kong si King. Napangiti ako ng maalala ang nakasimangot niyang mukha.

Nakita ko ang pagsimangot nito na hindi ko nalang pinansin. Nagtuloy tuloy ako sa office ni Third at hindi na nag-abalang kumatok pa.

Abala ito sa pagbabasa ng mga dokomento at hindi manlang tumingin sa kinatatayuan ko. Nakangisis kong kinuha ang sapatos na suot ko syaka ibinato sa kanya. Napahagalpak ako ng tawa ng masapol ito sa ulo.

"You're crazy and childish." Inis na sabi niya sabay bato pabalik sa'kin ng sapatos na agad ko namang nasalo.

"Ang seryoso mo kasi sa pagbabasa baka magkapalit kayo ng papel na 'yan." Tatawa tawa akong lumapit sa upuang kaharap ng office table niya.

"Bakit ka na naman nandito?" Taas kilay na tanong niya habang seryosong nakatingin sa'kin. Hindi na siya bumalik sa pagbabasa ng boring na mga papeles na 'yon.

"Bored lang ako."

"Mambabae ka." Suhestyon niya na ikinasimangot ko.

"Gago, gagawin ko lang 'yon kapag nainlove ka na." Sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ko na naman napigilang mapahalakhak.

"Tapos ka na ba sa pagpapasakit ng ulo ng director mo kaya nandito ka na naman?"

Kilala niya si King, well, lahat naman ng mga kapatid ko kilala ang bestfriend ko at minsan kapag wala silang magawa sa buhay ay kinakantiyawan nila ako tungkol kay King. Ipinagkikibit balikat ko lang 'yon dahil alam kong malabong mangyari ang gan'ong bagay sa pagitan naming dalawa. Aba parang bato 'yong bestfriend ko kaya imposible.

"Dude kahit anong katigasan ng ulo ko sa taas at sa baba, mahaba ang pasensya n'on pagdating sa'kin baby niya nga ako e."

"Ewan ko ba kay Anton at nagagawa niyang pagtyagaan ang tulad mo, mas matanda pa akong mag-isip sa'yo e."

Ngising aso lang ako sa sinabi niya. "Halos fifteen years na kaming magkaibigan bro kaya sanay na sanay na siya sa'kin." Pagmamalaki ko.

"Kaya wala kang love life dahil nakadepende ka lang sa kanya."

"Wow, Third brother ikaw ba 'yan? Usapang love life ba? Pass ako diyan dahil alam mo namang pareho ang likaw ng bituka natin, pareho tayong naniniwala na hindi babae ang makakapagpasaya satin. Don't me dude, wag si Second Castillion."

Doon ko narinig ang pagtawa niya. "Yeah right, at nakigaya ka pa sa prinsipyo ko."

"Prinsipyo my as bro, ayoko lang talaga sa babae dahil hassle." Totoo naman talaga ang mga sinabi ko, no girlfriend since birth ako dahil ayoko ng commitment and complication. Ayokong sumakit ang ulo ko dahil sa babae, masaya na ako sa buhay ko na shooting, inuman at bonding lang sa bestfriend ko umiikot ang buhay ko.

Castillion Brothers Series 2: Second CastillionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon