Twenty

5.4K 233 50
                                    

Unedited....

Mabilis na dinala sa pinakamalapit na hospital si Angela dahil narin sa nakitang dugo na dumadaloy sa pagitan ng hita nito. Halos madapa si Sr Tuazon sa pagkakabuhat kay Angela.

"Please do everything,ang apo ko."wika nito sa Doc.

Samantala habang nagkakagulo sila sa hospital ay nagwawala naman si Pierre sa loob ng Mansion ang lahat ng mahagip niya ay inihahagis niya dahilan para mabasag iyon.

"Ahhhh manloloko."sigaw niya habang hawak ang isang bote Jose Cuervo.

"Pierre tama na."awat ni Eleina at niyakap ito mula sa likuran."this is not the solution,I am here tutulungan kita, hangga't kaya ko."alo niya dito.

Nanghihinang napaupo si Pierre at napayakap kay Eleina habang umiiyak,wala kahit isang salitang namutawi sa kanyang labi, gusto lang niyang umiyak ng umiyak.

"I thought Im done with this fucking pain, why I am hurting a lot."daing ni Pierre kay Eleina.

"Pierre kahit sino masasaktan, hindi ko akalain na may lihim na ganun si Angela, kahit ako nasaktan para sayo Pierre."

"Nagkamali ako ng tiwalang ibinigay sa kanya. Masakit pala lalo pa at akala ko siya na ang taong makakasama ko."

"Pierre nandito ako hindi kita iiwan."

"Salamat Eleina,pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo."

"Pierre kaya kong maghintay,hindi ako nagmamadali hayaan mong maging katuwang mo ako sa laban mong ito."

"Salamat."sagot ni Pierre at tumayo ."I want to rest."

"Pierre,wait alam kong masyado pang maaaga para dagdagan ang sakit na nararamdaman mo, here,nakita ko ito sa kama ni Angela ng minsan dalahan ko siya ng gatas,akala ko wala lan iyan."sabi ni Eleina kasabay ng pag abot ng isang papel kung saan isinulat niya ang address na kinaroroonan ni Xandro.

"Eleina?"

"I heard her also one time na sinabi niya sa Mommy niya na itago ang kuya niya bago pa makahalata ang kalaban nito, hindi ko naman naisip na ikaw pala iyon,she said also na kahit ikamatay ng batang nasa sinapupunan niya ay hindi niya hahayaang mahuli ang kuya niya."

"Damn it! She plannes everything!"

"Pierre baka mali lang ako ng rinig kumalma ka ha! Please."

"Hindi ako papayag na patuloy na na malaya ang hayop na iyon!"

"Pierre anong gagawin mo?"

"Kung kinakailangan ako ang mismong pumuntang mag isa kay Xandro gagawin ko! I want to kill him!"

"Pierre! Don't sa tingin ko nasabi na ni Angela kay Xandro na umalis sa kinaroroonan niya, you need Angela for this matter."

"Anong ibig mong sabihin.?"

"You want to take revenge right? Use her para makita si Xandro at the same time to hurt her sa ginawa niyang panloloko sayo, you need to be wise Pierre,gamitin mo ang isip at wag mong pairalin ang galit mo para magpadalos-dalos."susog ni Eleina kay Pierre.

"Pag iisipan ko."tugon nito at mabilis na tumalikod.

Ng mga oras na iyon ay unti-unti ng bumabalik ang malay ni Angela. Napaungol siya ng maramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo at labi.

"Mmm."daing niya na nasasaktan,sa pagmulat niya ng mata ay nabungaran niya si Manang Melba at ang Ama ni Pierre.


"Manang."ang tawag niya dito sa mahinang boses na agad na ikinalingon nito sa kanya.




♥Mundo Mo Ay Akin♥ {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon